Ang Ginto Sa Makiling

0 views
Skip to first unread message

Maricel Fergason

unread,
Aug 4, 2024, 11:09:22 PM8/4/24
to tumerwiva
Gintongmaituturing ang nobelang Ang Ginto Sa Makiling; isinulat sa wikang Pilipino at isinaysay ng may pambihirang kahusayan. Gaya ng nasabi ni Soledad Reyes sa introduksyon para sa buong libro, ang manunulat ay kinatatangian ng matimyas at matalinong paglikha. Higit sa pagiging matimyas ang pagiging matalino ng pagkalikha sa akda na naisulat noong taong 1947 ni Macario Pineda. Bagamat ang pamagat ay bumabanggit sa mahiwagang bundok at may elemento ng alamat ni Maria Makiling; umiinog ang istorya sa pag-iibigan ng dalawang magkababaryo na si Sanang at Edong na sa proseso ay lumikha ng alamat sa alamat, at sumuri sa tao sa harap ng di inaasahang karangyaan, sa harap ng walang katiyakang pangako.

Nagsimula ang kwento sa pagtatakda sa isang mamahayag na alamin ang pagkawala ng isang matandang dalaga sa paraang di maipaliwanag. Ang naatasan ay matagal nang nadinig ang kwento na itinuturing palang isang kwento ng pag-ibig sa lugar. Agad nitong pinuntahan ang tiyuhin na si Doro na nakasaksi sa kaganapan na ito mula pa nang pagkabata.


Si Edong ay isang binatang umiibig sa dalagang si Sanang nang habang nangunguha ng bulaklak na Dapong sa isang napakarikit na hampas ay nakapinsala sa pugad ng ibon. Sa kagandahang loob ni Edong at pagnanais sagipin ang inakay na nawalay, ay nahulog ito sa mataas na bangin. Hinanap ng mga kasamahan nito si Edong o ang bangkay nito, ngunit wala silang nakuha at pinagpalagay nang patay ito. Nagdulot ito ng labis na kalungkutan kay Sanang. Sa ikalawang linggo ng pagluluksa ni Sanang na kinasaksihan ng buong baryo, sa unang pagkakataon ay nagpasya siya muling lumabas ng tahanan. Bigla sa araw ding iyon lumitaw si Edong, maayos ang kalagayan liban sa kaunting pag ika- ika ng paglakad. Ito ay ikinagulat ng lahat maging ni Sanang.


Bumalik si Edong at Doro dala ang regalo nila Maria Makiling at ng isa pang mahiwagang babae na si Urduha para kay Sanang, regalong babago sa buhay di lamang ng buhay ni Sanang kundi kasabay ng pamilya nito(isang bayong ng ginto). Dito nasubok ang katatagan at karupukan ng mga tauhan sa kwento, naglitawan ang mga suliraning hindi gumambala noong payak pa ang pamumuhay ng pamilya. Mula rin nito ay di na makikita ni Sanang ang kasintahan hanggang malampasan ang pagsubok na itinakda.


Matimyas at matalinong pagkukwento, nanamnamin ang bawat pahina mula simula hanggang katapusan. Binuhay ng manunulat ang mga salitang luma o marahil madalas lang magamit ng mga tiga-Malolos, subalit sa kabila nito ay madulas parin at nakawiwiling basahin ang pagsasalimbayan ng mga letra ng salitang pamilyar at hindi. Malinaw, tila makatotohanan, kasabay ng malapanaginip na kagandahan ang pagsasalarawan. Ang mga dayalogo nga ay tila magbabalik sa iyo sa pagsisimula noong ika-20 siglo. Tunay na nakalilibang basahin.


Ang mga karakter ay mga taong baryo, naglalarawan sa masa nang panahong iyon. Bagamat hirap at kagagaling palang sa digmaan ang kalagayan ng masang magsasaka noong panahong inilalarawan sa kwento, ay di naman siguro masama na hindi ito ang binigyang diin ng paglalarawan ng awtor. Hindi rin masasabing anti-masa ang ganitong pagsasalarawan dahil mahusay na pinakita ng may akda ang karakter, kasiyahan, kabutihan at pagdadamayan ng mga magsasakang gumaganap sa kwento. Bagamat naipakita rin ang kasakiman ng ilang karakter na magsasaka din ay di naman para kutyain ang uri ngunit sa punto de bistang pagsusuring sikolohikal at sosyolohikal ng dalawang landas na pwedeng tunguhin sa harap ng di inaasahang pagbuti ng kabuhayan. Ang kasakimang tulad ng kalawang sa asero, sisira sa mga relasyong tinatangi at nirerespeto at kalaunan ay kakain sa sarili. Sa kabilang banda ay ang katatagan ng pananatiling payak ng kalooban, ay nagpapalakas ng tiwala, damayan at determinasyon di lang ng indibidwal kundi maging ng kapwa/komunidad na nakasasaksi. Bagamat maaaring sabihing kalabisan at/o di- makatotohanan ang inilalarawang idealistang konsepto ng pagmamahalang ipinakita ni Sanang at Edong ay nabigyang katarungan ng may akda sa paraan ng malikhaing paglalarawan ang ganitong ganap na pagmamahal na di rin naman imposible, madalang nga lamang tulad ng ginto. Malinaw ang pagkiling ng kwento sa masa ng sambayanan, at sa isang antas ng panlipunang pagbabago subalit kapos sa tunggalian ng mga uri sa lipunan ang akda.


Ayon kay Soledad S. Reyes, si Macario Pineda ay unang nakilala bilang manunulat sa wikang Ingles. Ang ama nito ay isang makata sa Bulakan. May asawa at pitong anak na kanyang pinagsumikapan buhayin ng marangal sa pagtatrabaho bilang kawani at sa pagsusulat. Maraming nailathalang gawa ni Macario Pineda sa mga magasin at libro nang panahong iyon. Sa pagbabawal sa wikang ingles nang panahon ng pananakop ng Hapon at ang paglahok sa mga gerilya nang Ikalawang Digmang Pandaigdig nagsimulang magsulat sa wikang Pilipino si Macario Pineda, at nagbunga ito ng mga kapuri- puring mga gawa. Kinatangian ng matalino at ma-estilong paggamit ng bago man o lumang salita nang panahong iyon. Isang yaman maging sa panahon ng e-books ang mga akda ni Macario Pineda. Nakakalungkot nga lamang na tanging ang libro lang nito na Ang Ginto sa Makiling at Ibang mga Kwento ang nahagilap ko sa ngayon. Tunay ngang ginto na kailangang minahin.


Isa sa mga paborito kong kwento ang Ginto sa Makiling. Inaral namin ito nung college, at hanggang ngayon, itinatago ko pa rin ang photocopy ko ng kwento. Para akong sumakay ng time machine at naglakbay sa lugar na yon. Parang ang sarap mamuhay noon, simple lang. Binasa ko ito ulit nung isang buwan at tuwang-tuwa akong tanungin ang lola ko sa mga words na hindi ko naiintindihan.


Sa nobela nagpakita ng tatlong mundo; ang nakaraan, kasalukuyan at mala-paraisong mundo. Ang mga mundo ng nakaraan sa panahon nina Edong at Sanang, pangalawa naman ay ang kasalukuyan noong nag-usap ang nagsasalaysay at ang kanyang mga katrabaho na nakatanggap ng sulat na may nawawala daw sa Bulacan. Pangatlong ay ang mundo ng Utopia kung saan ang malaparaisong mundo sa Bulkan Makiling na pinamumunuan ng isang diwata o reyna na si Maria.


Sa unang tagpo may tatlong karakter na nag-uusap tungkol sa isang balita na may nawawala ang tatlong karakter na ito ay sumasalamin din sa tatlong klase ng tao mayroon sa lipunan. Mayroon hindi naniniwala, mayroon naniniwala at mayroon namang walang pakialam.


Sa pamamagitan ng pagpapasok ng hiwaga ng pagkakaroon ng paraiso ni Maria Makiling kung saan tangi ang mga natapos na sa layunin nila sa lupa ang maaring makapanirahan doon, sinabi na nandoon daw sina Sisa at Crispin, na namatay dahil napagbintangan nagnakaw noon. Ganito ang mga klase ng tao na pinapayagang manirahan doon. Pinapakita sa paraisong ito ang kabaliktaran ng totoong mundo na mayroon ngayon sa realidad. Sa paraisong ito ang turingan ng bawat isa ay magkakapatid at walang lamangan, hindi katulad ng lipunan ginagalawan natin ngayon na halos puro kompetisyon para lang makalamang sa kanilang kapwa. Dahil ipinakita ang dalawang klase ng mundong naipakita kung gaano kapangit ang mundo mayroon tayo. Sinasabing ang mga nasa paraisong ito at mga Raha, Urduja, sa huling bahagi ay sinasabi na narito si Rizal, ibig sabihin nasa paraisong ito ang magagaling na mga tao kaya naman maaring sila ang tinutukoy na ginto sa Makiling bukod siguro sa literal na ginto na mayroon doon.


Maria Makiling, more properly Mariang Makiling, is a diwat (anito) in Philippine mythology, associated with Mount Makiling in Laguna, Philippines. She is the most widely known diwat in Philippine mythology[1] and was venerated in pre-colonial Philippines as a goddess known as Dayang Masalanta or Dian Masalanta who was invoked to stop deluges, storms, and earthquakes.


Mount Makiling resembles the profile of a woman, said to be Maria herself. This phenomenon is described as true from several different perspectives, so there is no single location associated with this claim. The mountain's various peaks are said to be Maria's face and two breasts, respectively, and her hair cascades downwards a gentle slope away from her body.[1]


Maria Makiling is a prominent example of the mountain goddesses motif in Philippine mythology, other prominent examples being Maria Sinukuan of Pampanga's Mount Arayat and Maria Cacao on Cebu's Mount Lantoy.


The name "Mariang Makiling" is the Spanish-Tagalog contraction of "Maria ng Makiling" (Maria of Makiling). The term is a Hispanicized evolution of an alternate name for the Diwata, "Dayang Makiling"-"dayang" being an Austronesian word meaning "princess" or "noble lady".[3] Prior to the conversion of the natives to Christianity, Maria Makiling was already known as Makiling, an anito sent by Bathala in Mount Makiling to aid mankind in their daily tasks. The "Maria" was added by the Spanish in a bid to rebrand her as Catholic, after the Virgin Mary.[4]


Professor Grace Odal of the University of the Philippines believes there is a significant link between Maria Makiling and the mythical woman (Ba'i) for whom the town of Bay and the lake of Laguna de Bay are named. When the lady of the lake also became associated with the nearby mountain, the common description of her became that of the "lady of the mountain".[3]


As for the word "Makiling", it has been noted that the mountain rises from Laguna de Bay "to a rugged top and breaks into irregular hills southward, thus 'leaning' or 'uneven.'" The Tagalog word for "leaning" or "uneven" is "makiling".[1] This corresponds with the common belief that the profile of the mountain resembles that of a reclining woman, from certain angles.


A less often mentioned possible origin for the name of the mountain is that the name describes the mountain as having plenty of the bamboo variety known as "kawayang kiling" (Bambusa vulgaris schrad). By this etymology, the mountain would have been named after the bamboo and the lady named after the mountain.[5]


Descriptions of Maria Makiling are fairly consistent. She is a breathtakingly beautiful[6] young woman who never ages.[1] Lanuza describes her as having "light olive skin, long shining black hair, and twinkling eyes."

3a8082e126
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages