Kumpirmadong malapit nang matapos ang "Till Death Do Us Part" nina
Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Mula sa isang insider, nalaman ng
Timing na sa Wednesday (March 9) ang last taping day ng naturang
mini-series.
Kinumpirma rin ng source na sinadyang maikli lang ang palabas ng TDDUP
dahil chinovela style ang ginawa. Next week or the week after ang last
airing nito.
Ipapalit sa TDDUP ay isang reality-based show kung saan lilikha ng mga
ultimate love teams. Titled "SC Cupids," ibabase sa reaction ng fans at
televiewers kung sino ang gusto nilang maging magka-love team. Tampok
dito ang mga bagets na artista ng ABS-CBN Star Magic at iba pang dati
nang magkaka-love team. Kumbaga mix and match ang format ng show.
Masaya, di ba?