GOOD news sa mga fans nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. Muling
magtatambal ang dalawa sa isang project na inihahanda ng Star Cinema.
Ito ang matagal nang hinihintay ng mga tagahanga ng dalawa na muling
magsama sa isang pelikula ang kanilang mga idolo.
Just recently nga'y nagkaroon ng fans day sina Piolo at Juday na
ginanap sa Kafe Karavana ni Juday. Tuwang-tuwa sila na muli nilang
nakitang magkasama ang dalawa.
Wala pang title ang reunion movie nina Piolo at Juday but for sure,
according to our informant, paghahandaang mabuti ng Star Cinema ang
balik-tambalan sa big screen ng dalawa.