Gusto kong linawin ang nauna kong nasulat tungkol sa Dahil Sa Isang
Bulaklak, ang bagong soap opera ni Claudine Barretto. Sina Erik Reyes
at Jerome Pobocan at hindi si Wenn Deramas ang direktor nito. Isang
bagong soap opera rin ang nakatakdang simulan ni Wenn pero may iba
siyang artista.
Pagdating ni Claudine mula sa Dubai (kung saan magsu-shooting siya ng
movie with Aga Muhlach at John Lloyd Cruz), sisimulan na ang taping
nito.
Bukod kay Claudine, kasama rin sa bagong soap opera sina Diether
Ocampo, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelika dela Cruz at Shaina
Magdayao. Nakatakdang i-announce ng ABS-CBN kung sino ang magiging
ka-screen partner nina Angelika at Shaina.
"Three different love stories in one soap opera ang Dahil Sa Isang
Bulaklak," kuwento sa akin ng creative manager nito na si Henry King
Quitain.