Eto na naman sila at what's new?! Kapag nag-launch ang ABS-CBN ng
bagong show, agad-agad na lait ang inaabot. Kapag sila ang nag-launch
ng bagong show o mag-new season ng anumang show, may announcement agad
na "nilampaso" (parang favorite adjective nila ito!) ang kalaban. Iyan
ang nangyari kamakailan lang sa Bora at SCQ Reload.
Noong nag-pilot ang Bora three weeks ago, tinapatan ng Bahay Mo Ba
'To? ng live concert na ang guests ay ang mga mainstays ng Bubble
Gang. Siyempre pa, todo write-ups ang lumabas na talo ang Bora sa
ratings, laos na ang Hunks, hindi nakakatawa ang show etc, etc.
Hindi naging gawi ng ABS-CBN ang maglabas ng ratings, maging official o
overnight at kung manalo man o matalo. Sa punto ng Bora, oo, natalo ang
pilot ng two points pero considering na matinding preparasyon ang
ginawa ng kalaban, di rin ganoon kalaki ang lamang. Pero, kung ano man
ang napanood sa pilot ng Bora, 'yun na ang magiging tema sa mga
susunod na episodes. Hindi pa ito ang masasabing "special". Paano pa
kung mag-taping ang Bora sa Boracay mismo at ang mga guests ay ang mga
hot stars ng ABS-CBN? Ang lagay, ordinary episode pa lang yon at
tinapatan nila ng matindi. Paano yan? Linggu-linggo, kailangan nilang
mag-isip ng gimmick para sa kalaban?
Sa SCQ Reload naman, totoo naman na consistent rater ito kumpara sa
Love To Love ng GMA7. Two weeks ago, nag-launch sila ng bagong season
at natalo ang "SCQ Reload". Ngayon, ipinagsisigawan nila na "nilampaso"
(na naman!) ang "SCQ Reload" at patunay na top-rating ang "Love To
Love".
Nakakapagod na ang mga kaliwa't kanang tirada pero hindi pa rin kami
lalaban ng marumi. We only believe in fair play and can only hope that
such demolition jobs will finally be put to rest!