Si Cindy Kurleto mismo ang nagsabing may communication pa rin sila ng
ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales kahit, matagal na silang break.
Sa sinabing ito ng dalaga, naniniwala kaming ipinaalam na niya kay
Jericho na may bago na siyang boyfriend at wala nang pag-asang
magkabalikan sila sa ngayon.
>From a source, nalaman naming nagngangalang Christian Hernandez ang
boyfriend ni Cindy. Gwapo ang non-showbiz guy at matagal nanligaw kay
Cindy. Hindi lang kami sure, kung ito rin 'yung ex-boyfriend ni Gwen
Garci at dahilan para magalit siya kay Cindy at feeling nito'y inagaw
ang ex-bf.
Ipinagpipilitan naman ni Cindy na kaibigan at barkada lang niya ang
ex-bf ni Gwen at hindi niya manliligaw. Nagtataka nga raw siya kung
bakit sa rami nilang magkakabarkada'y siya lang ang pinagseselosan ni
Gwen.
Sa huli naming interview kay Cindy, ipinangako nitong the next time na
siya'y magkaka-boyfriend ay hindi niya itatago at agad aaminin sa
press. Sana, hindi niya ito makalimutan.