Diet-Kristine mini-series bowing out in two weeks

0 views
Skip to first unread message

The Hunks Online

unread,
Mar 3, 2005, 9:47:59 AM3/3/05
to TheH...@googlegroups.com
Tempo
Rowena Agilada


HOW true na bilang na ang mga araw ng "Till Death Do Us Part" nina
Diether Ocampo at Kristine Hermosa? Diumano, malapit na itong matapos
at kung tama ang source namin, either next week or the week after ang
last airing nito.

Ayon sa source, sinadya raw talaga ng ABS-CBN na maikli lang ang
palabas ng naturang mini-series nina Diet at Kristine. Chinovela style
raw kasi 'yon.

Kung pinanonood n'yo ang TDUP, sa takbo ng istorya, mukha ngang
malapit na itong matapos. Tinanggap na ni Dominic Ochoa na hindi sila
para sa isa't isa ni Kristine. Ang nabuntis naman ni Diether na si
Asia Agacaoili ay nagparaya na kay Kristine. Ito na ang tumayong mommy
ng kanyang baby.

May dialogue nga pala si Kristine na parang true-to-life. Something to
this effect ang sinabi niya, basta mahal mo ang isang tao, kailangang
mahalin at tanggapin mo rin ang ibang taong mahal nito. Kaya raw niyang
tanggapin ang magiging anak ni Diet kay Asia. O, di ba, in real life ay
may anak na si Diet at tanggap ito ni Kristine. Never naging isyu sa
kanilang relasyon ang pagiging unwed father ni Diet. Nagpa-civil
wedding pa nga sila nguni't until now, hindi pa nila ito
kinukumpirma. Why nga ba?

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages