Sige, kahig pa! Dream on, Boy!

1 view
Skip to first unread message

The Hunks Online

unread,
Mar 3, 2005, 8:48:44 PM3/3/05
to TheH...@googlegroups.com
Abante
Star Nga Ba?
Alfie Lorenzo


SIGE pa rin ang plugging at mas tumindi pa, dahil mukhang every hour by
the hour na ang plantsado ng self-preservation ng Star Cinema for every
movie they make and showing, "ang pinakahihintay na pelikula ng taon"
na iniwasan yatang panoorin ng publiko dahil wala nang naniniwala sa
blurb nila sa tuwi na lang may pelikula silang palabas!

"Ang ganda! Bagay na bagay sila!" (kahit naman hinding-hindi!) "Cute
ang istorya", "Perfect ang performance nila"... and heaven knows what!
Hay naku!

First movie pa naman ng Star Cinema ito in the Year of the Rooster, eh
nagkakahig na sila. Ang rooster nga pala ay pansabong, debah? Kaya
nakipagsabong ang Star Cinema sa back to filmmaking na GMA Films kaya
ang ending, sa kawali ang rooster ng Star Cinema at nalitsong-manok!
Ha! Ha! Ha! Ha!

Ano ba naman kasing klaseng diskarte ang ginawa ng think tanks ng Star
Cinema, sukat ba namang banggain ang kasalukuyang strength ng GMA sa
network war - para silang mga sundalong walang armas na basta na lang
sumugod sa Iraq! O, eh 'di hayun, namulot na lang sila ng mga basyo
ng bala habang ang let the fight begin eh tumatabo at sumasalok ng
salapi sa takilya! Mga sigurista kasi sila, eh!

Dapat eh tama na, tigil na ang Star Cinema from continuously hyping and
dream on nila dahil mas lalo silang nagmumukhang kawawa sa
ipinagbabanduhan nila. It seems they can't accept defeat. Talo na nga
sa takilya nagpipilit pa ring sila ang nangunguna, eh ang Richard
Gutierrez-Angel Locsin team, eh hayun at iginagawa na ng kasunod na
pelikula ng Regal Films! And what's the big trouble with Star Cinema?
They cannot accept defeat! Dahil may isa o dalawa sa kanila ang umamin
man na mas kumita nga ang LTLB pero hindi naman daw flop 'yung
kanilang dream on. O di sige, dream on. Patuloy kayong mangarap dahil
libre naman 'yun! Kaya lang nakakatawa ang posisyon n'yo, still
dreaming on! Sayang. For a film outfit na consistent daw sa paggawa ng
nothing but da best films, top hits, hayan at pinakain na nga ng
alikabok but they still refuse to eat powder dust huh!

O siya sige, let another fight begin. Tingnan natin kung kaninong mukha
ang susubsob sa buhanginan na kinahig ng rooster. Hindi pala manok na
panabong si Piolo? Hindi pala siya rooster? Hoy, wala akong sinasabi
ha, kayo ang may sabi niyan!

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages