TALAGA namang ipinagmamalaki ng ABS-CBN Star Magic ang mga artista nito
na pararangalan muli sa forthcoming 35th Guillermo Mendoza Memorial
Scholarship Foundation (GMMSF) na gaganapin sa April 12 or 14 sa
Meralco Theater.
Ang mga Star Magic artists na makakatanggap ng awards ay sina John
Vladimir (Most Popular Child Actor), Bea Alonzo (Princess of RP
Movies), John Lloyd Cruz (Prince of RP Movies), Claudine Barretto (Miss
RP Movies) at Piolo Pascual (Mr. RP Movies).
Second year in a row ito for Piolo. 'Yan ba ang laos o bagsak ang
career? Hindi pwedeng sabihin o isipin ng mga detractors na "bayad" ang
mga awards dahil hindi lang ang ABS-CBN talents ang may parangal.
Yearly tradition ng GMMSF ang magbigay ng parangal sa mga artistang
naging malaki ang kontribusyon sa industriya. Pinangunahan ng GMMSF
president, Corazon Samaniego, ang pag-announce ng mga awardees ngayong
taong ito.
Ang recognition sa mga artista ng ABS-CBN Star Magic ay patunay lang na
sila ay maitutu-ring na "stars of their generation."