Kaya Mo Ba 'To? Sa Boracay

1 view
Skip to first unread message

The Hunks Online

unread,
Mar 3, 2005, 10:38:42 AM3/3/05
to TheH...@googlegroups.com
Pilipino STAR Ngayon
ITO ANG L8ST NGAYON!
Ni Eric John Salut


Still on my coverage of Kaya Mo Ba 'To? Summer special in Boracay.
Panalung-panalo talaga sa tao ang pagiging daring ni Ella V. Walang
pakialam ang sexy TV actress-host sa kanyang pagiging sexy. Aniya, very
proud siya sa kanyang body. Ang laki na kasi ng ipinayat ng Viva
Hotbabe member.

"Um-effect na 'yung lipo ko. Matagal ang naging effect sa akin. Ito
na 'yon," sabi ni Ella.

During our trip, naloka ang mga kalalakihan nang magpa-henna tattoo si
Ella sa kanyang boobs.

"E saan naman? Kasi 'yung mga nagpapa-tattoo, either sa likod, sa
braso o sa butt. Kaya for a change sa right boob ko na lang. Para
mapansin. 'Di ba, cute?"

Habang nasa Boracay, nainggit si Ella V sa mga nakita niyang couple na
very sweet.

"Nami-miss ko ang honey ko," tili nito. "Sana andito siya, kasama ko."

Isang manager sa isang engineering firm sa States ang boyfriend ni
Ella. At ang balita ko, very rich ang guy.

* * *

Si Bubbles Paraiso, ang bunsong kapatid ni Paolo Paraiso ang companion
ni Camille Prats sa Boracay kung saan kinunan ang summer special ng
Kaya Mo Ba 'To?. Best of friends sina Bubbles at Camille. I had the
chance na makakwentuhan si Bubbles lalo na tungkol sa pagbubuntis ni
Mylene Dizon, who is on her seven month of pregnancy sa America.

Ibinalita sa akin ni Bubbles na na-grant na ng US Embassy ng visa si
Paolo.

"Ang saya-saya niya kasi kasama siya when Mylene gives birth in April,"
kwento ni Bubbles. "Either before or after Holy Week susunod si Paolo
sa States. Pero sandali lang kasi may trabaho si Paolo."

Ibinalita rin sa akin ni Bubbles na Pilar Miguel ang ipapangalan sa
bata.

Araw-araw daw na nag-uusap sa telepono sina Mylene at Paolo. "Naka-web
cam talaga sila para nakikita nila ang isa't isa," kwento pa ni
Bubbles.

Si Bubbles ay mas kilala sa modelling. She has done tons and tons of TV
commercials and print ads. She is also an active member of Philippine
Modeling Association of the Philippines o PMAP.

Bubbles is 20 years old and is trying her luck in mainstream showbiz.

"Hinay-hinay lang kasi baka mabigla ako," sabi nito. "Gusto ko mga
character roles. Ayoko ng pa-sweet. Gusto ko na mapapansin ako sa roles
na gagawin ko."

Bubbles is being managed by Biboy Arboleda.

* * *

Sana, mabigyan ako ng pagkakataon na mapasalamatan ko sa pamamagitan ng
column na ito ang taong nakasama ko sa aking Boracay trip. Maraming
salamat kay Mr. Deo Endrinal, vice president for talk, variety &
reality department ng ABS-CBN. Siya ang nag-imbita sa akin.

Salamat din sa ginawang pag-aasikaso sa akin nina Rondel Lindayag,
George Mansueto, Tippy Adanza, Zaldy Gumaru, Agatha Carlos at Chiqui
Lacsamana. At ang iba ko pang nakasama 'tulad nina Waldo Bautista,
Alvin Quizon, Tristan Timbol at ang mga direktor na sina Erick Salud at
Dondon Santos.

Salamat din sa owners ng Boracay Terraces Resort (sa Station 1) at sa
Seair (Southeast Asian Airlines).

Narito at gusto kong i-share sa inyo ang photo na kuha ko sa aking
nagdaang Boracay trip.

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages