Abante Tonite
Allan Diones
Twenty years old na si Anne Curtis noong Huwebes, Pebrero 17. Bukod sa
masaya siya sa takbo ng kanyang career ngayon ay very happy si Anne sa
kanyang lovelife --going smooth ang 5-month relationship nila ng boyfriend
niyang si Paolo Araneta.
"We had dinner with my family -- my dad, mom, sister, brother, uncle and
tita sa Prince Albert sa Intercon nu’ng birthday ko," masayang kuwento sa
amin ni Anne sa kanyang thankgiving presscon kamakalawa nang tanghali sa
Viva office.
"And then, Paolo was going to bring me home and I texted all my friends
that we want to have a small get together. Walang nagre-reply sa akin! So,
I felt bad because the least they could’ve done was text me man lang if
they’re not coming.
"Then I went to use the banyo sa house ni Paolo. Paglabas ko, nandu’n na
lahat ng friends ko! It was a surprise party! All my friends were there, so
I’m so touched!
"Kasi, I felt bad na walang nag-reply sa text ko. But they wanted to
surprise me pala. Ang saya! Danica (Sotto) was there, Cheska (Garcia), BJ
(Bernard) & Mico Palanca, Heart (Evangelista) is in Hong Kong, but Geoff
(Eigenmann) was there!" tsika pa ng Fil-Aussie young actress.
Diamond necklace ang birthday gift sa kanya ni Paolo. Nu’ng Valentine’s Day
ay Victoria’s Secret pajamas ang binigay nito sa kanya at nag-dinner sila
sa house ni Paolo kung saan nagluto ito especially for Anne.
Si Paolo ay older brother ng commercial model na si Bianca Araneta. 30
years old ang binata, kaya sampung taon ang agwat ng edad nila ni Anne.
"We met through BJ and Rica (Peralejo). After several months of hanging out
and being friends, he told me na he’s starting to fall for me raw,
ganyan-ganyan. I was like, ‘Okay!’
"Kasi, at first, hindi ko siya gusto, eh! I don’t know, I wasn’t ready for
anything kasi. And then, when I realized what a good person he is and how
smart he is and how well educated and how he is such a gentleman, I fell
for him na.
"After a few months, may love na. Five months na kami but we’ve never
fought pa," proud na sey ni Anne.
MATURITY LEVEL
Kaedad niya lang ang past boyfriends niyang sina Richard Gutierrez at Oyo
Boy Sotto. Sa tingin ba niya ay mas bagay siya sa isang older guy na tulad
ni Paolo?
"Yeah! I think it really works because of the maturity level and the
compatibility. When we talk to each other, I learn so much from him and
vice-versa, na parang may mga natututunan din siya sa akin.
"And he’s gone through what I’m about to go through and I’m about to embark
pa lang. O, di ba, mature na ako?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"
Ayon kay Anne ay parang Jennifer Lopez-Ben Affleck love affair daw ang
naging relasyon nila noon ni Richard…
"Because our relationship was so publicized and it’s hard, kasi, there were
so many things that we couldn’t do together dahil may ka-loveteam siya. So,
it was hard. Pero okey lang. We survived a year. One year kami together.
"Iyung kay Oyo ang matagal. We were together for 2½ years. But he courted
me for 6 months, so, mga 3 years din kami.
"Iyung sa amin ni Oyo was growing up together talaga… parang My Girl ‘yung
story namin. Kasi, talagang up to now, Oyo and I are still really, really
good friends. As in love ko talaga siya! Pero hindi na ‘yung love na
romantic, love na sobrang good friend na lang."
Aminado si Anne na hindi gano’n ang sitwasyonn nila ni Richard…
"Friends kami ni Chard, but I don’t know why it’s different with him.
Siguro kasi, walang masyadong… I don’t know, maybe because it’s still fresh.
"I guess, ‘yung break-up with him is still fresh kaya medyo awkward pa.
Pero last year pa kami naghiwalay and we’re okay rin naman."
AYAW MAGKONTRABIDA
Balitang may gagawin silang movie nina Richard at Angel Locsin, pero ayon
kay Anne ay wala pa siyang natatanggap na anumang tawag tungkol sa nasabing
project.
Tatanggapin ba niya, sakaling i-offer sa kanya ang nasabing pelikula?
"Basta hindi ako kontrabida, why not? O kaya, magsama pa sila ng isa na
magiging ka-partner ko, di ba? Ha! Ha! Ha!
"Pero kung love triangle, basta hindi ako kontrabida, okey lang sa akin.
Pwede naman ‘yung love triangle na hindi ako lalabas na kontrabida, di ba?
Yeah, of course naman, I’m ready to do a movie with them!" pakli ng
magandang dalaga.
Ang alam niya ay nakatakda siyang gumawa ng movie sa Star Cinema kasama ang
ka-love triangle niya sa Hiram na sina Heart at Geoff.
"That’s why it’s hard also. Kasi, ayokong ma-typecast na lagi na lang akong
‘the third wheel,’ di ba? Ayoko rin naman ng loveteam, eh. I want to grow
as an actress on my own."
Itinanggi ni Anne ang isyung kaya siya lumipat sa Dos ay dahil kay Angel
napunta ang role nito sa Mulawin imbes na sa kanya.
"No, of course not! I accepted the project with ABS-CBN because it was
drama and I’ve always wanted to do drama. Hindi naman ako umalis sa GMA na
hindi ako nagpaalam nang mabuti.
"Nagpaalam ako nang maayos para there’s no bad blood at saka I didn’t burn
any bridges. Kasi, pwede naman akong bumalik doon, di ba?
"At saka my God naman, what ABS was offering me, eh, Dina (Bonnevie), Kris
(Aquino) at Heart, di ba? I couldn’t turn it down.
"Wala naman akong regrets kasi, I’m happy na finally, nakita na ng mga tao
na hindi lang ako maarte na kikay-kikay, I can also do drama. Hindi naman
sa nainip ako sa GMA. Kasi, ang tagal ko rin sa kanila, eh… 6 or 7 years."
Alam ba niya na kung hindi raw siya umalis sa Siyete ay siya dapat ang
magbibida sa TV series na Darna?
"I found out lately lang. Sayang din. Pero hindi ako nagri-regret na
lumipat ako. Gusto ko na lang mag-Dyesebel! Ha! Ha! Ha! Ha!
"Hindi naman ako nanghinayang na hindi napunta sa akin ‘yung Darna. I’m
happy for Angel if she got the role. Kasi, I know that she needs it and
bagay din kay Angel ang Darna, kasi, sexy siya, eh! We’re friends ni Angel
‘coz we were together in Petit Monde."
NAWALA ANG PLAYGIRL IMAGE
Ngayong si Paolo Araneta na lang ang lalakeng nali-link sa kanya ay parang
nawala na ang image dati ni Anne na ‘playgirl’.
"Oo nga, mabuti naman at nawala na! Ha! Ha! Ha! Kasi, that was stamped with
my name for the longest time, eh: ‘Anne Curtis, playgirl!’ and finally,
it’s gone.
"They called me that because I’m a very transparent person. Like if I’m
going out with someone or someone is going for me, hindi ko itinatago sa
tao. I’m open about it.
"Like when Lucky (Manzano) and I went out before, I admitted it na we were
dating. Hindi ko tinago. And then, na-tag akong playgirl, kasi, may time na
nu’ng mag-break na kami ni Oyo, I decided na I’ll enjoy myself na.
"So, ang daming nanligaw at ang daming na-link sa name ko. Kaya ayun,
naging playgirl na ang image ko. But I never two-timed! Never akong
nagsabay ng boyfriend.
"Like if you want to make ligaw, you can make ligaw, pero don’t expect
anything from me. Ganu’n lang ‘yung nangyari."
Si Paolo na kaya ang lalakeng pakakasalan niya?
"Oo! Kasi, you can see that he’s settled already; may career, smart, tapos
na sa studies niya. May trucking business siya at saka events business.
Usually, sa sports ‘yung events business niya, like nagdadala siya rito ng
mga international wakeboarders. Kaya nagwe-wakeboarding na rin ako!
"Hopefully, mga 25 y/o ako magsi-settle down. So, mga 5 years from now pa.
I still wanna get an acting award. After that, I’ll be happy na…"
KISSING VIDEO
How true na may Volume 2 raw ang ‘kissing video’ nila ni Richard?
"Volume 2?? Wala, ah! Pero ‘yung first video, kami talaga ‘yon. Kasi,
nanakaw ‘yung fone ko sa Capone’s sa Makati. Nagalit ako, kasi ‘yung
nagnakaw ng fone ko, kinalat ‘yung video. Eh, siguro mga 2 years ago na ‘yon!"
Anong reaksyon ni Paolo sa intimate MMS video nila ni Richard?
"Ang sabi lang niya sa akin, ‘Now, you’ve learned your lesson. Never do it
again!’ Sabi ko, ‘Yes!’ He never wants to see it. Kasi, may mga nag-e-email
pa sa akin ng video na ‘yun, eh. Hindi ko dina-download para tingnan at
hindi ko rin pinapakita sa kanya.
"I’m not humiliated by it, kasi, hindi ko naman ikinahihiya ‘yung video na
‘yun, eh! We did it naman because we were happy, we were in love (ni Richard).
"Obviously, ako ‘yung kumuha no’n dahil hindi naman kami magpapa-video sa
iba, di ba? Hindi ko siya ikinahihiya dahil nu’ng time na ‘yon, in love
talaga kami. Kinikilig-kilig pa ako pag pinapanood ko ‘yon before, pero
ngayon, syempre hindi na!"
So, wala silang ganu’ng video ng kanyang Papa Paolo?
"Malamang! Ano ka ba?! Learn from your mistakes, ‘no! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"
halakhak ng gandarang si Anne Curtis.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
The Hunks Online:
http://groups-beta.google.com/group/TheHunks/
http://groups.yahoo.com/group/TheHunksOnline/