Laos na nga ba?

2 views
Skip to first unread message

The Hunks Online

unread,
Mar 3, 2005, 9:23:04 PM3/3/05
to TheH...@googlegroups.com
Tempo
Timing


Noong pilot episode ng "Bora," nakatikim ng panlalait ang Hunks. Kesyo
laos na raw ang grupo. Hindi raw nakakatawa ang show, etc., etc.
Katapat nito ang live concert ng "Bahay Mo Ba 'To?" na mainstays ng
"Bubble Gang" ang guests. Ayon sa lumabas na ratings, natalo ang
"Bora."

Ayon sa isang ABS-CBN insider, hindi naging gawi ng network ang
maglabas ng ratings, official man o overnight, at kung manalo man o
matalo. Yes, sa punto ng "Bora," natalo ang pilot episode nito by two
points only. Not really bad. But considering na matinding preparasyon
ang ginawa ng kalaban, hindi naman kalakihan ang lamang, ayon sa
insider.

In fairness, sa mga sumunod na episodes ng "Bora," mukhang nakakabawi
na ito. Ordinary episodes pa lang daw ang mga 'yon, ayon sa insider.
Abangan daw ang inihahandang summer special na mismong sa Boracay
magte-taping ang "Bora" na ang mga guests ay ang mga hot stars ng
ABS-CBN.

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages