Fans nina Juday at Piolo, buhay na buhay!

2 views
Skip to first unread message

The Hunks Online

unread,
Mar 3, 2005, 9:02:39 PM3/3/05
to TheH...@googlegroups.com
Abante Tonite
Joe Barrameda


Nagulat kami sa rami ng taong dinatnan namin sa Kaffe Carabana noong
Linggo ng gabi. Naimbitahan kami sa isang exclusive gathering ng mga
Juday-Piolo Fans.

Dito lang namin nalaman na sa tagal ng panahon ay hindi
nagkawatak-watak ang mga fans ng dalawa. Ang mga dumating ay mula sa
Piolo-Juday Files na hindi lamang dito sa Pilipinas ang mga miyembro
kundi nanggaling pa sa iba't ibang malalaking siyudad sa Estados
Unidos at sa Europa.

Bukod sa kanila ay naroroon din ang mga miyembro ng Piolo-Juday For
Life, MB Forevermore, Young Superstars group at Piolo Pascual No
Limits.

Busy rin sa pag-aasikaso si Tita Lily from Chicago na ngayon ay narito
sa Pilipinas at nagbabakasyon. Binibiro nga namin kung alam ba ng mga
anak niya sa Chicago ang pinaggaga-gawa niya rito sa Pilipinas.

Bising-bisi rin doon ang butihing maybahay ni General Nazareno na si
Tita Dolly at dala-dala pa niya ang mga scholars na pinag-aaral ng mga
fans ng dalawa from the US at ito ay nasa pangangalaga ng Angels Homes
dito sa Pilipinas.

Sa maikling programa ng mga fans ay may song at dance number ang mga
ito para ipakita kina Juday at Piolo na kitang-kita sa kanilang dalawa
ang kasiyahan habang pinanonood nila ang mga ito.

Iba talaga kapag fans ang naghanda alang-alang sa kanilang mga idolo.
Hindi basta-basta ang pagkaing inihanda. May mga malalaking alimango at
sugpo, bukod sa iba't ibang putahe na ipinaluto nila sa Kaffe
Carabana. Pero ang malaking kasiyahan na naramdaman nila ay nang
dumating ang dalawang superstar sa buhay nila na sina Piolo at Juday.

Nakitsika at kumanta ang dalawa to the delight of the fans na naroroon.
Napakalaking bagay sa kanila ang pagbigyan sila sa araw na iyon. Kaya
naman inggit na inggit sina Ate Nora, Josie at Rose na ayaw nang
bitawan ang linya sa telepono at kesehoda silang gumastos sa long
distance ma-feel lang nila ang excitement nang gabing iyon.

Ito na ang isa sa mga araw na hindi malilimutan ng mga fans nina Juday
at Piolo. Nangangarap sila na sana makagawa uli ang dalawa ng isang
pelikulang na magkasama sila.

Ang alam namin ay naka-line up na ito sa Star Cinema.

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages