Nakatakdang umalis ang The Hunks para sa kanilang pre-Holy Week at
Easter show sa US sa Marso 18 at ngayon pa lang ay panay-panay ang
rehearsals nila kay Dennis B.
They are in good hands dahil veteran si Dennis sa sayaw at show
choreography. Siya ang nagsimula noon sa Streetboys at ngayon ay
choegrapher siya ng mga shows.
His latest, iyong Ai Wanna Dance na first dance concert ni Ai Ai delas
Alas sa Zirkoh last Thursday where he choreographed iyong mga sayaw
nina Ai Ai, Streetboys, Kids @ Work at Maneouvers.
May tatlong show sina Jericho Rosales, Bernard Palanca, Piolo Pascual,
Carlos Agassi, Diether Ocampo sa San Diego (California), Phoenix
(Arizona) at San Francisco.
Sampung araw mananatili sila sa US, during Holy Week sila doon. Ang
huling show nila ay sa Francisco. Naka-schedule silang makabalik dito
sa Marso 28 (Lunes).
Hindi problema ang taping nila sa Bora dahil matatapos na nila ang
taping for one season (13 episodes) bago sila umalis.
Si Carlos ay nag-a-advance taping sa kanyang Saturday show na Kaya Mo
Ba 'To? na siya rin ang nagdidirek. Dalawang Sabado lang siya
mawawala.
Si Jericho ay nakapagsimula na ng taping sa Panday sa Ilocos at
malamang may mga reserba rin siyang episodes.