Pelikula nina Juday at Piolo, kupirmado na!

6 views
Skip to first unread message

The Hunks Online

unread,
Mar 3, 2005, 9:12:17 PM3/3/05
to TheH...@googlegroups.com
Abante
Talaga? Sige Na Nga...
Jun Nardo


MALAKAS pa rin talaga ang karisma sa tao ni Piolo Pascual! Patunay ang
malakas na sigawan at kuhanan ng pictures sa kanya nang mag-guest siya
sa show nina John Lapus at Phillip Lazaro sa Zirkoh Comedy Bar last
Tuesday.

Kahit halos ala-una na nang madaling-araw umakyat sa stage si Piolo,
hindi pa rin nag-alisan ang crowd at talagang hinintay siya ng mga ito.
Dinadale na nga ng antok si Piolo sa kahihintay na tawagin nina Sweet
at Phillip, pero nang lumabas na ito sa stage, alive na alive at gising
na gising ang dugo, huh!

Sa interview portion nina Phillip at John sa kanya, kinumpirma niya ang
balik-tambalan nila ni Judy Ann Santos na next project niya. Hindi nga
lang siya masyadong nag-elaborate sa movie.

Ang ibinalita niya ay ang nalalapit na paglabas ng third album niyang
naglalaman ng mga songs ni Louie Ocampo na ni-revive niya at ang
composer din ang siyang producer nito.

Dalawa ang kinanta ni Piolo sa show, ang I'll Be at ang So It's You
na theme song ng kontrobersyal niyang Dreamboy movie. After his
numbers, hindi nga lang nalubos ang katuwaan ng mga tao sa Zirkoh na
makasama sa picture ang aktor dahil agad siyang hinila paakyat ng mga
assistants niya.

Nakihalubilo lang siya sandali sa taga-Channel 2 at sumimple nang alis.

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages