Hindi naman makatwiran yung paghuhusga ng iba sa career ngayon ni Piolo
Pascual. Kumita rin naman ang kanyang pelikulang Dreamboy, hindi nga
lang nito nahigitan ang Let The Love Begin.
Pero hindi ibig sabihin nito ay bumagsak na si Piolo. Huwag naman
nating ilagay sa ganitong sitwasyon si Piolo. Ngayon ay pansamantala
munang pumunta si Piolo sa Amerika. Ituwid din natin yung sinasabi
nilang nagbabakasyon siya doon, meron siyang hinarap na show doon. Kaya
tiyak na babalik muli ang aktor.
At sa pagbabalik ni Piolo, sana tapos na ang mga ibinabatong intriga sa
kanya.