"Ano nga ba ang atheism?"
Napakasimple lang nito. Ang atheism ay hango sa salitang Griego. Ang
prefix na "A " na ibig sabihin ay "not" o hindi + theism na ibig
sabihin ay naniniwala sa diyos o mga diyos. So! Atheism ay ang pananaw
na hindi eksistido ang diyos o mga diyos.
"Oh my Gawd!!!! Ibig mong sabihin mga taong walang DIYOS?! May ganoon
ba? Di ba't lahat tayo'y may diyos?"
Ang atheism ay hindi isang uri ng "fad". Simula ng nagkaroon ng
malayang kaisipan ang mga tao, nagsimula na rin tanungin kung
makatwiran ba ang paniniwala sa isang diyos. Sa Rig-Vedas na isinulat
noong 1000 BCE.
"Who knows for certain? Who shall here declare it? Whence was it born
and whence came this creation? The gods were born after this world's
creation. Then, who can know from whence it has arisen? None know
whence creation has arisen and whether he has or has not produced it.
He who surveys it in the highest heaven, he only knows, or happily, he
may know not".
Ito marahil ang nakaimpluensya sa Buddhism, kaya't naging isang
atheistic religion ito.
Sa makatuwid, ang isang atheist ay isang taong di naniniwala na ang
diyos o mga diyos ay eksistido. May mga ibang atheista na di naniniwala
sa lahat ng uri ng diyos, sila ay tinatawag na mga "poly-atheist". Sila
ang mga atheista na hindi naniniwala sa lahat ng uri ng god-concepts.
Para sa kanila, hindi logical ang lahat ng paliwanag tungkol sa diyos.
Ngunit may mga atheista na hindi naniniwala sa isang uri o particular
na god-hypothesis. Sa maniwala man kayo o hindi, ang mga Kristiano ay
tinatawag na atheista ng mga Romano noong unang panahon dahil hindi
naniniwala ang mga Kristiano sa mga diyos ng Romano. Si Baruch de
Spinoza (1632-1677), for example, defined God as being identical to
Nature and as a substance with infinite attributes. Many Jews and
Christians considered him an atheist because he rejected both the
traditional Judeo-Christian deity and the belief in personal
immortality. Thomas Hobbes (1588-1679) was also considered an atheist
because he believed that all substances are material and that God must
therefore be material. Yet, neither Spinoza nor Hobbes called
themselves atheists. Kung tutuusin lahat po tayo ay ipinanganak na
atheista.
"ANO!!!??? You must be joking!!"
Hind po. Ipapaliwanag ko. Nang ikaw ay ipinanganak, wala ka pa pong
konsepto ng Diyos. Papasok lang po ito kapag nakakaintindi ka na.
Ituturo po ito ng iyong magulang. Halimbawa, kung ipinanganak ka sa
isang Hindu country, natural na ang una mong pagkakakilala sa Diyos ay
mukhang asul na elepante.
"Baka naman galit lang kayo sa Diyos?" "Satanista ba kayo?"
Ang mga tanong na kagaya nito ay galing sa kaisipan na matagal ng
umukit sa isip ng mga mananampalataya. Dahil mula ng pagkabata ay
umukit na sa isipan ng nakararami na eksistido ang Diyos, natural na
maging radikal at di kaagad matanggap na may sasalungat sa ideya na
ito. Mababasa sa Holy Bible, "The fool has said in his heart, 'There
is no God." - Psalm 14: 1 . Ito po ay isang halimbawa ng "Ad hominem"
argument na hindi sinagot kung bakit may nagsasabi ng ganitong
proposisyon at sa kamalasan pa'y pepersonalin ang nagmumungkahi o
"arguer". Layunin ng mga ganitong uri ng salita na ihinto o discourage
ang pag-uungkat ng kasagutan. Ngunit kung magmumuni-muni po lang tayo,
kahit mga "believers" ay di nagkakaisa kung sino ang totoong diyos na
dapat paniwalaan. According to David Barrett et al., editors of the
"World Christian Encyclopedia: A comparative survey of churches and
religions - CE 30 to 2200," there are 19 major world religions which
are subdivided into a total of 270 large religious groups, and many
smaller ones. 34,000 separate Christian groups have been identified in
the world. "Over half of them are independent churches that are not
interested in linking with the big denominations."
Ang pagbibintang na "Satanista" ang mga atheista ay isa na namang
problema ng pagiging ignorante at pagkakaroon ng "pre-conceived ideas".
Dahil naniniwala ang mga mananampalataya na eksistido ang kanilang
diyos, lahat ng magiging taliwas dito ay isang kalaban o "adversary".
Ang mga atheista ay wala pong konsepto ng Satanas o demonyo.
Ang atheista po ay nahahati sa "positive" at "negative" atheism.
"Positive at negative? Parang baterya pala ano."
Hindi po. Negative atheist po ang tawag sa isang atheista na laging
nagtatanong kung mapapatunayan ng isang believer kung eksistido ang
diyos. Sa ganitong senario, ang atheista ay walang papatunayan o wala
sa kanya ang burden of proof. Sa positive atheism po naman, ang
atheista ay may proposisyon na mag-papatunay na hindi eksistido ang
diyos. Mayroon na rin syang "burden of proof".
"Ang atheism ba ay isang relihiyon? Baka naman kulto kayo?"
Sinasabi na ang salitang religion ay galing sa salitang latin,
"religare" na ibig sabihin ay to bind. Kung iyong sasabihin na ang
religion ay tungkol sa kaalaman kung saan malalaman mo ang mga
spiritual at Diyos sa pamamagitan ng mga tradisyon o mga alin man sa
mga sumusunod:
1. Prayer, Worship o pag-dadasal
2. Regular assembly with other believers o pag-samba o simba.
3. A priesthood or clergy or some other religious functionary to lead
and/or help the adherents of the religion.
4. Ceremonies and/or traditions unique to the set of beliefs.
5. Codes for behaviour in other aspects of life to ensure consistency
with the set of beliefs, i.e., a moral code, like the ten yamas
(restraints) of Hinduism or the Ten Commandments of the Old Testament,
flowing from the beliefs rather than being defined by the beliefs, with
the moral code often being elevated to the status of a legal code that
is enforced by followers of that religion.
6. Maintenance and study of scripture, or texts they hold as sacred
uniquely different from other writings.
7. Eschatology- "Belief about the end of the world or the last things."
8. A philosophy of life.
Kung sa ganitong mga kadahilanan then, atheism does not fit the bill.
In the dictionary, the most common definition of religion is something
like, "the service and worship of God or the supernatural." By this
definition, Atheism is clearly not a religion. Madalas kasing ginagamit
ang argumento na ang atheism ay isang religion, para sabihin na
humahanap lang kami ng madodoktrinahan. Trabaho po yan ng mga pari at
pastor, hindi ng mga atheista. Para po mas madaling ipaliwanag,
maitanong ko na lang po. "Ang hindi ba paniniwala sa mga duwende o kay
Santa Clause ay pwede bang sabihing isang relihiyon o isang pilosopiya
sa buhay?"
Sana po ay nasagot ko ang basic ng atheism sa simpleng pagpapaliwanag.
Sa mga susunod na articles ay tatalakayin ko po ang ibang issues.