Ang Ikaklit Sa Aming Hardin Pdf

0 views
Skip to first unread message

Andree Vandestreek

unread,
Aug 4, 2024, 9:30:37 PM8/4/24
to taskcranzarla
MissDet: Bagaman partikular kong tinututukan ang mga isyung pangkasarian at seksuwaliad, tinitiyak kong bahagi ng aking pagsusulat ang pagtatampok ng mga usaping may kinalaman sa ating kultura at kasaysayan. Para sa akin, esensiyal na mabigyan ng lokal na konteksto ang isang paksa upang maging mas malapit ito sa karanasan ng mga mambabasang Pilipino. Kaya habang natatalakay ang isang unibersal na tema (sa kaso ng Ikaklit ay pagmamahal at pamilya), nakatutulong din ang kuwento sa pagpapakilala at paggigiit ng ating identidad bilang isang lahi.

Miss Det: Sinadya ko talaga na gawing sentral na imahen ang hardin dahil taglay nito ang parehong suliranin at mga sangkap na kailangan sa pagbuo ng matatag na pamilya o anumang ugnayan: pagmamahal, pag-aaruga, pang-unawa, at pagpaparaya.


Napakasensitibo ng pagtubo ng mga buto (bata/pamilya/ugnayan) dahil laging nakabanta ang pagkatuyo at/o pagkalunod na dagdag pa sa pang-aagaw ng sustansiya ng mga nakapaligid na damo. Bagaman kailangan ng tubig at ng sikat ng araw (hal. pagmamahal, pag-aaruga), ang labis na pagbibigay ng mga nito ay nakatutuyo o nalulunod din sa pananim. Dito pumapasok ang pang-unawa at pagpaparaya dahil bagaman kailangan ng halaman ng tulong at gabay (lalo na sa simula), kapag matatag na ang pagkakakapit ng mga ugat nito sa lupa ay kailangan ding igalang na pagkakaroon nito ng kapasidad na mabuhay sa sarili (photosynthesis) nang may laya at kapasyahan.


Tama ka, Sue, na sinadya kong maging hardin ito ng mga bulaklak (kaysa iba pang halaman). Bagaman palasak nang gamitin ang bulaklak bilang metapora ng babae (hal. maganda, mahinhin, pasibo, atbp.), pinili ko pa rin ito sa kaso ng Ikaklit para maghain ng bagong kahulugan at upang tuligsain ang dalawang matingkad na estereotipo sa mga babae/bulaklak:


Titser!: There are four of you who collaborated on the book and all of you are women. (Yay, girl power!) Can you give us readers and aspiring writers an idea of how you cooked up this collaboration?


Miss Det: Nagkataon lang talaga na puro babae kami. Ang totoo, noong 2009 ang kaibigan kong lalaki ang nagboluntaryong gumuhit para sa Ikaklit. Hindi ito natuloy dahil nadestino siya sa isang uri ng trabaho kumakain ng halos lahat ng kaniyang oras. Taong 2011 ko nakilala nang personal si CJ. Nagpadala siya ng personal na mensahe na nagboboluntaryo siyang gawin ang proyekto dahil naniniwala siya sa merito ng kuwento (Ipinabasa raw kasi ito sa kanila sa isang klase sa Panitikan ng Pilipinas.).


Nagpaunlak naman si Ate Jeni (Jennifer del Rosario Malonzo) na magsalin matapos din niyang basahin ang akda. Samantala, si Ate Poti (Jennifer Padilla Quintos) ay nakasama ko na sa ibang proyektong aklat at komiks kaya siya ang unang layout artist na naisip ko nang magdesisyon akong i-self publish ang Ikaklit. Pumayag si Ate Poti dahil, ayon sa kaniya, nakapanghihinayang kung hindi mailalabas ang kuwento ni Ikaklit at kung hindi ito magiging accessible sa mga bata at sa publiko.


Sa totoo lang, magkakalayo ang mga mundo/trabaho namin, at nagkaroon lang ako ng mga hiwalay na pulong sa kanila. Sa katunayan, unang nabuo o sabay-sabay na nagkita nang personal ang grupo sa mismong paglulungsad-aklat noong Setyembre 13, 2012. Pero bago pa iyon, nagkatagpo-tagpo na kami sa pamamagitan ng pagkilala sa isang partikular na pangangailangan (pagsasaaklat ng mga kuwentong katulad ng Ikaklit) at ng sari-sarili naming pasya na ibahagi ang aming talento/kaalaman sa pagtugon sa pangangailangang iyon.


Pero naisakatuparan lang ang paglilimbag dahil sa kurso ng anim na taon kong pag-iipon ay pinalad akong makatagpo ng mga taong tulad kong may pagmamahal sa kuwento ni Ikaklit, at handang magbahagi ng kanilang talento at panahon para maisakatuparan ang pagsasaaklat nito. Bukod kina CJ, Ate Jeni, at Ate Poti, mahalaga rin ang naiambag ni Sharon Anne Briones Pangilinan sa pagiging kritiko at tagapayo sa buong proseso. Gayundin si Mang Ciloy Melgar ng Raintree Publishing na nagbigay ng discount at libreng Ikaklit bookmarks dahil naniniwala sila sa proyekto. Kung wala sila, siguro ay nag-iipon pa rin ako ng pampalimbag ng Ikaklit. Haha!

3a8082e126
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages