----------
"Tito Bruno, alam mo bang ang sanggol na pinaiinom ng gatas ng elepante'y
bumibigat ng 20 kilo linggo-linggo?"
"Imposible, sino'ng sanggol ang nagkaganoon?"
"Iyon pong elepanteng sanggol."
----------
Wika ng monghe.
"Maaga akong matutulog ngayon, marami kasi akong tuksong pinaglabanan
kaya pagod na pagod ako."
----------
Wika ng paring nagbebendisyon sa isang bahay.
"Napakarami namang santo dito. Pati ba mga santo'y hindi na nagpa-
family planning?"
----------
"Darling, huwag mong masyadong tulinan ang pagpapatakbo."
"Bakit?"
"Hindi makahabol iyong highway patrol sa likod natin eh."
----------
First night ng dalawang newly wed.
"Totoo mahal ko, ang pag-ibig ay bulag. Pero ang mga kapitbahay nati'y
hindi - kaya isara mo muna ang mga bintana."
----------
AMO: "Lahat ng mga problema dito sa bahay, sabihin mo kaagad bago kami
kumain ng hapunan."
KATULONG: "Bakit ho?"
AMO: "Para tabangan sa pagkain ang misis ko at makatipid kami sa pagkain."
----------
Medyo korny, pero puede ng/nang pagtiyagaan?! :-)
Odie, Odilio J. Calima, cal...@earth.eecs.uic.edu, "ano kamo? ..."