Ang pangagatwirang ito'y susog sa pagnanais ni Dr. Jose Rizal na ang nais ay ang asimilasyon ng Filipinas sa Espanya. Bilang isa sa mga Filipinong nangibang bayan, batid niya na higit ang ikabubuti ng Sambayanang Filipino kung ito'y bibigyan ng parehong karapatan gaya ng Kastilang taga-Espanya, na nakikita niyang sa paraang asimilasyon makakamtan.
Gaya ni Rizal, hindi ko iminumungkahing talikdan ang Inglis kundi hayaang maging ganap ang ating paggamit dito, at kaalinsabay nito'y ang pagpapatatag ng wikang Filipino at ang pagpapatibay ng mga wikang mula sa lalawigan. Kung tutuusi'y hindi maaaring ikumpara ang iba ang salimbayan ng wikang Inglis sa wika natin, at higit na mas tutuong magkakamag-anak ang ating mga dila kaysa dila ng mga Kano. Ang susi ay huwag maging pinid ang ating isipan sa mga bagay na bago't hindi konbensyonal.
At habang naghihimutok ang ibang Cebuano'y ang mga nakilala kong tagaruo'y hindi rin sang-ayon sa kanila. At habang pinagsasarhan nila ng pintuan ang Tagalog, buksan naman natin ang atin para sa kanila. Dahil dito'y lalo lang uunlad ang salitang Filipino. Narito ang ilang halimbawa.
Katarungan. Ayon kay Virgilio S. Almario na may-akda ng Filipino ng mga Filipino, sa Florante at Laura ay walang matatagpuang salitang "katarungan." At bagkus ang ika ginamit ni Balagtas ay "awa," "habag," "bait," "katwiran," at "kagandahang-loob." Dahil ayon kay Lope K. Santos, ang "katarungan" ay salitang Cebuano. Nakaugat ito sa tarong (mabilis ang bigkas) na may hawig sa "makatwiran" o kaya'y pantay na pagpapasiya sa bagay-bagay. Nitong ika-20 siglo, hiniram ng barkadang nina Lope K. Santos na nilagyan ng unlaping ka at hulaping an at ito'y itinumbas sa salitang justicia ng Espanyol.
Banyaga. Ang salitang banyaga (malumi ang bigkas) na ngangahulugang dayuhan sa Tagalog at Kapampangan ay siya ring salita sa Cebu. Pero magara ang kahulugan sa Cebuano na ang ibig sabihin ay "salbahe" o scroundrel sa Ingles. Hindi nga ba mas maganda ang salitang "isip-banyaga" kaysa "isip-dayuhan?" Bukod sa inilalarawan, ang salitang banyaga ay may kasama pang bigwas.
O di ba't maganda ang magbukas kaysa magsara? :)
edgar tibayan
> Gaya ni Rizal, hindi ko iminumungkahing talikdan ang Inglis kundi
> hayaang maging ganap ang ating paggamit dito, at kaalinsabay nito'y ang
> pagpapatatag ng wikang Filipino at ang pagpapatibay ng mga wikang mula
> sa lalawigan. Kung tutuusi'y hindi maaaring ikumpara ang iba ang
> salimbayan ng wikang Inglis sa wika natin, at higit na mas tutuong
> magkakamag-anak ang ating mga dila kaysa dila ng mga Kano. Ang susi ay
> huwag maging pinid ang ating isipan sa mga bagay na bago't hindi
> konbensyonal.
Sang-ayon ako riyan sa sinaad mo, Ka Edgar. Mas malalapit ang mga iba't-
ibang wika sa isa't-isa kaysa sa wikang Ingles. Kung pakikinggan, talagang
parang wala sa lugar ang pagsingit ng salitang Ingles. Kung tutuusin, mas
malapit pa ang wikang Espanyol, na hango sa pamilya ng mga wikang Romansa,
kaysa sa Ingles na hango naman sa pamilya ng mga wikang Aleman. At kung
ating pakikinggan uli, mas angkop at suwabe ang paghalubilo ng Espanyol
sa anumang lengguwahe, maging Tagalog, Ilokano, Bisaya, atbp.
> Banyaga. Ang salitang banyaga (malumi ang bigkas) na ngangahulugang
> dayuhan sa Tagalog at Kapampangan ay siya ring salita sa Cebu. Pero
> magara ang kahulugan sa Cebuano na ang ibig sabihin ay "salbahe" o
> scroundrel sa Ingles. Hindi nga ba mas maganda ang salitang
> "isip-banyaga" kaysa "isip-dayuhan?" Bukod sa inilalarawan, ang
> salitang banyaga ay may kasama pang bigwas.
Totoo, higit na may kulay ang ganitong kahulugan. Kung ating papansinin,
maging ang ating pangkat na SCF ay napupuno ng mga banyaga at mga isip-
banyaga. Bakit ba nagsasapumilit sila sa pag-iisip na may hawak pa sila sa
Pilipinas? Lumisan na sila, nguni't patuloy pa rin ang palagay nila na
sila ang taga-alaga ng bansa natin. At pilit pa rin ng iba ang makakamit
ng asawa sa paraan ng korreo. Kaya tuloy hindi maganda ang turing sa atin
ng mga kapitbahay sa Asya, pati na rin ng mga ibang mga bansa. Kaya tuloy
nasasamantala ang iba sa ating mga kababaihan, dahil sa kanilang ginintuang
pithaya na makarating dito sa Estados, kahit sino na lang ang pakasalan.
Aywan ko ba, Ka Edgar. Mahal ko ang ating kultura at ang ating mga kabayan.
Hindi ko nga lang masikmura ang nagiging reputasyon natin gawa ng mga ito.
Bagama't mayroong mga walanghiya, karamihan sa mga Pinoy ay mayroon. Sana
ay malaman nila ang nagiging dulot ng ganitong pagkiling sa pag-iisip na
kano. Ang suliranin ay kung paano ito maiaalis. Parang isang kamisetang
puti na natapunan ng tinta, napakahirap tanggalin ng mantsang ito.
Iiwan ko na lang sa inyo, mga giliw na tagabasa, ang mga mungkahi.
John
------------------------------------------------------------------------
John J. Cristobal jjcri...@hotmail.com