ni Andres Bonifacio
Alin pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka dalisay at pagka dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
alin pag-ibig pa? wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa isahing talastasing pilit
ang salita't buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito'y namamasid.
Banal na pag ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino't alin man
imbit taong gubat maralita't mangmang
naguiguing dakila at iguinagalang.
Pagpupuring lubos ang palaguing hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat
umawit tumula kumatha't sumulat
kalakhan din nila'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng mga pusong mahal sa Bayang nagkupkop
dugo yaman dunong katiisa't pagod.
buhay may abuting magkalagot lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalung mahal na kapangyayari
at guinugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Yto'y ang Ynang bayang tinubuan
siya'y ina't tangi na kinamulatan
ng kawiliwiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kania'y utang ang unang pagtanggol
ng simuy ng hanging nagbibigay lunas.
sa inis na puso na sisingasingap
sa balong malalim ng siphayo't hirap.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalung sa gunita'y mahal
mula sa masaya't gasong kasangulan.
hangang sa katawa'y mapa sa libingan.
Ang nanga ka panahun ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa bayan man tatanghalin?
At ang balang kahuy at ang balang sanga
na parang nia't gubat na kaaya aya
sukat ang makita't sasa ala ala
ang inat ang guiliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw na anaki'y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambut na huni ng matuling ayos
na naka a aliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita may laguing sakbibi ng lumbay
walang alaala't inaasaw asaw
kung di ang makita'y lupang tinubuan.
Kung ang bayang ito'y nasasa panganib
at sia ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang kapatid
isang tawag nia'y tatalikdang pilit.
Datapwat kung ang bayan ng katagalugan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katuiran puri niya't kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di-gaano kaya ang paghihinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at alin kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sapanghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihigantit gumugol ng buhay
kung wala ding iba na kasasadlakan
kung di ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagka baun niya't pagka busabos
sa lusak ng dayat tunay na pag ayop
supil ang pang hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pina a agos
Sa kaniang anyo'y sino ang tutunghay
na di-aakain sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pakasukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kaya na itoy malangap
ng mga tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Ynang na sa yapak
na kasuklam-suklam sa kastilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga tagalog
nasaan ang dugung dapat na ibuhos?
baya'y inaapi bakit di kumikilos?
at natitilihang itoy mapanood.
Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
sa pag-asang lubos na kaguinhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan
kaya nat ibiguin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
kahuy niaring buhay na nilantat sukat
ng balabalakit makapal na hirap
muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang (?)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal
ngayon ay magbanguit baya'y itanghal
aagawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging(?)
kundi ang mabuhay sa dalita't hirap
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
pagkat ang guinhawa niya ay sa lahat.
Ypahandog handog ang boong pag-ibig
hanggang sa mga dugo'y ubusing itiguis
kung sa pagtatangol buhay ay (?)
ito'y kapalaran at tunay na langit.
---------------------------------
Sagot ni Tonyo
Ano po ang dahilan sa pinoste ny'ong ito?
Mukha po atang makabayan din kayo
Bagama't ako'y isang tunay na gago
Hinahangaan ko rin ang dakilang Bonifacio
Ano ba ang yong tukoy magiting na ginoo
Ituring mo't sabihin at wag masiphayo
Bagama't ako'y isang gagong tarantado
Utak at puso ko'y alay ko sa bayan ko
Ano ba ang yong mithiin sa kapwa Pilipino
Na narito sa SCF na mga mukha ring gago
Pero me isang bading na dapat basahin to
Si Reyna Rety ng Liliput na ang ulo'y puro kuto
Sir IC pasensya na trip lang. I love Bonifacio's poem and I live it.
Merry Christmas and a Happy New Year Mr. Ice.
Tonyong Gago
At Dahil ngayo'y Pasko,
Tayo'y magsaya sa tulang gawa ni Rizal
tungkol sa "Sanggol Na Si Hesus."
Sa Sanggol Na Si Jesus
by Rizal
O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't
Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?
Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?
--
to God be the glory &c.
Virgie S Zapanta "Life is like a piano what u get out
http://triton.towson.edu/~vzapa of it, depends on how u play it."
this is a must read poem, writen by one
of our great heroes, Andres Bonifacio,
who lead the Philippine Revolution.
-gie:)
http://triton.towson.edu/~vzapa
BSCIS '98
----
Katapusang Hibik Ng Pilipinas
Andres Bonifacio
(1896)
Sumikat na Ina sa sinisilangan
ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong PIlipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.
Wala nang namamana itong pIlipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.
Sarisaring silo sa ami'y inisip,
kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at buhay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.
Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,
kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.
Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.
Di na kailangan sa iyo ng awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.
Just to stir things up a little, historically, Glenn May, in his recent
study "Inventing a Hero: The Posthumous Re-Creation of Andres
Bonifacio," states that the evidence that Bonifacio actually wrote this
poem is somewhat dubious -- a position that has earned him criticism by
many Filipino historians, especially from UP.
If you find the poem in itself inspiring, great. But if you are
primarily interested in the "Bonifacio" connection, you might want to
read May and his critics and then make up your own mind.
Norman Owen
ngo...@hku.hk
http://www.bibingka.com/phg/books/bonifacio.htm
Available ang aklat na ito sa Amazon.com on special order for $19.95.
Bibili ako ng copy pagkatapos kung mabayaran ang aking mga xmas bills.
:)