Google Groups no longer supports new Usenet posts or subscriptions. Historical content remains viewable.
Dismiss

Sino ang mas bobo?

43 views
Skip to first unread message

Pietro E Reyes, III

unread,
May 1, 1998, 3:00:00 AM5/1/98
to

SINO ANG MAS BOBO?"

Isang araw, nag-uusap yung dalawang mag-kaibigan, si Joey at si Mark.

Joey: Alam mo, Mark, talagang napaka-bobo ng boy naming si Pedro.
Mark: Wala iyan! Sinisiguro ko sa iyo, mas bobo yung boy naming si Jose.

Nag-talo silang dalawa....

Joey: O sige, patutunayan ko sa iyo a. Watch this! PEDRO,'ALIKARITO!
Pedro: Yes sir! What can I do to you?
Joey: Eto piso, bumili ka ng apat na case ng beer.
Pedro: Yes boss! Coming up!
Joey: O Mark, bilib ka na ba sa kabobohan niyan, piso--bibila siya ng apat
na case ng beer.

Mark: Wala pa rin iyan kay Jose, ikaw naman ang manood.... JOSE,'ALIKA RITO
SANDALI!
Jose: Yes Sir! Ano po iyon!?
Mark: Pumunta ka sa opisina ko, tignan mo kung nandoon ako....
Jose: Yes Sir! Pupunta na po ako!
Mark: O Joey, kita mo naman na mas bobo pa iyan kaysa kay Pedro....

Later, nag salubong yung dalawang boy.....

Pedro: Jose, alam mo ang bobo talaga ng amo kong si Sir Joey....
Jose: Wala iyan....mas bobo si Boss Mark ko.
Pedro: Hinde! Mas bobo si Sir Joey, isipin mo, binigyan ako ng piso para
bumili ako ng APAT na case
ng beer......e, alam naman niyang HINDI KO KAYA BUHATIN IYON NANG
MAG-ISA!!!!!!!

Jose: Mas bobo naman si Boss Mark noh! Pinapupunta pa ako sa opisina niya
para tignan kung nadoon siye....e, MAY TELEPONO NAMAN!

Johnny "Tubby" Thor

unread,
May 5, 1998, 3:00:00 AM5/5/98
to

Pietro E Reyes, III wrote in message <6icns5$h...@sjx-ixn1.ix.netcom.com>...
>
>SINO ANG MAS BOBO?"


>
>Jose: Mas bobo naman si Boss Mark noh! Pinapupunta pa ako sa opisina niya
>para tignan kung nadoon siye....e, MAY TELEPONO NAMAN!
>


Pero ang pinaka-bobo ay ang amo kong si Bambam. Akalain ninyong binigyan ako
ng piso para bumili ng kotse. Aba, hindi naman sinabi kung anong kulay!
Mwahahawrrr!!!

JT
MatalinongAtsoy


0 new messages