Google Groups no longer supports new Usenet posts or subscriptions. Historical content remains viewable.
Dismiss

Mga Pinoy Jokes

217 views
Skip to first unread message

vi...@info.com.ph

unread,
Jun 2, 1998, 3:00:00 AM6/2/98
to

Did you guys get this before ... it's funny:

-----------------------------------

Subject: MGA PINOY JOKES
Date: Sunday, May 24, 1998 10:32 PM

here are some jokes culled from e weekly tv show here entitled
Tropang Trumpo. Once in a while they feature a spoof on a local
quiz show entitled "Battle of the Brains". Natural, dahil spoof, the show
is,thus,named "Battle of the Brainless".

Take a look, napaka-profound ng title:

MER
Source : Tropang Trumpo


>>>> > >>
Host : Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue : starts with the letter S (salbabida)
Beep!
Contestant : Sirena?
Host : Hinde! Hindi ito babae.
Beep!
Contestant : Siyokoy?
Host : Hindi! Hindi ito lalake.
Beep!
Contestant : Siyoke?
------------------------------------------
H : Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsisimula sa "Octo"
C : October?
H : Hindi, walo ang tentacles nito.
C : Octo-walo?
H : Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
C : Octoart dancer?
H : Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
C : Octoarts dancers?
H : Hindi pa rin.
C : Octomechanix?
------------------------------------------
H : What is the national fish of the Philippines?
Clue : It's name starts with the letter "b"
C : Butete?
H : Hinde, may "s" sa dulo.
C : Butetes?
--------------------------------------------
H : What is the national tree of the Philippines?
Clue : Starts with the letter "N"
C : Niyog?
H : Mas matigas pa diyan.
C : (In a strong-sounding voice) NIYOG!
>---------------------------------------------
H : Ano ang total ng 2 + 2?
C : Three!
H : Hinde, mas mataas pa diyan.
C : (In a high pitched voice) Three!
>---------------------------------------------
H : Saan binaril si Jose Rizal?
Clue : "B" ang simula (Bagumbayan)
C : Sa back?
H : O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta)
C : Sa likod?
H : Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P" and initials ng modern name niya
(Rizal Park)
C : Sa rear part?
>----------------------------------------------
H : Saan tayo madalas pumupunta pag summer upang maligo?
Clue : Starts with "B" (Beach)
C : Banyo?
H : Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
C : Sa bubong?
H : Hindi, marami kang makikita doong mga babaeng naka-bikini.
C : Sa beerhouse?
>----------------------------------------------
H : What is the national bird of the Philippines?
Clue : Starts with the letter "M" (Maya)
C : Manok?
H : Hindi, brown ang kulay nito.
C : Piniritong manok?
H : Hindi, nagtatapos sa letter "A"
C : Piniritong manoka?
H : Hindi, mas maliit pa sa manok.
C : Maggie chicken cube?
>----------------------------------------------
H : What is the national flower of the Philippines?
Clue : It starts with the letter "S" (Sampaguita)
C : Sunflower?
H : Hindi. Binebenta ito sa kalye.
C : Stork?
H : Hindi. Bulaklak sabi, eh.
C : Sitsarong bulaklak?
H : Hindi pa rin. Ends with the letter "A"
C : Sitsarong bulaklak na may suka?
H : O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pC
: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at
kapangalan ito ng isang sikat na singer.
C : Si Sharon Cuneta!
>--------------------------------------------------------
H : Ano ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue : "L" ang simula ng pangalan niya.
C : Lifebuoy?
H : Hindi, pero kahawing nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
C : Safeguard?
H : Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
C : Safe boy?
H : Hindi siya 'boy' at matipuno nga ang kaniyang katawan.
C : Si Mr. Clean!
>--------------------------------------------------------
H : Sino ang kauna-unahang chess grandmaster of Asia?
Clue : Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre)
C : Carole King?
H : Hindi, mas mababa sa King.
C : Al Quinn?
H : Hindi, tagalog ang apelyido niya.
C : Armida Siguion-Reyna?
H : Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
C : Bishop Bacani?
H : Mas mababa pa sa bishop.
C : Johnny Midnight?
H : Mas mababa pa sa knight.
C : Jerry Pons?
H : O ayan, ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang
piyesa na lang.
C : Sylvia la Torre?

>-----------------------------------------------------------
H : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 peso bill?
Clue : Ang initials niya ay N.A. (Ninoy Aquino)
C : Nora Aunor?
H : Hindi, ang last letter ng palayaw niya ay 'Y'
C : Guy Aunor?
H : Hindi, dati siyang senador.
C : Si former Senator Guy Aunor?
H : Hindi, patay na siya.
C : Ano!? Patay na si Nora Aunor!!??


____________________________________________________

-----== Posted via Deja News, The Leader in Internet Discussion ==-----
http://www.dejanews.com/ Now offering spam-free web-based newsreading

Isip Bata

unread,
Jun 2, 1998, 3:00:00 AM6/2/98
to

H:Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?
Clue: Ang initials niya ay J.R. (Jose Rizal)
C: Jeric Raval?
H: Hindi. Isa siyang doctor.
C: Dr. Jeric Raval?

Isip Bata


vi...@info.com.ph wrote in message <6l0bbl$mec$1...@nnrp1.dejanews.com>...

Ngiiii

unread,
Jun 2, 1998, 3:00:00 AM6/2/98
to

Kapag bumili ka ng isang litro ng coke sa lunes at nilagay mo sa pridge
at bumili ka rin ng isang litro sa Martes at nilagay mo din sa pridge
pagdating ng biyernes inilabas mo yung dalwa
Ano ang mas malamig sa dalawa?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NGiiii!!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
http://members.aol.com/ngiiii/
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
siopao optional ~ mami to go
orig na musik para sa inyong
~~~~~~sakit ng ulo~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yett

unread,
Jun 3, 1998, 3:00:00 AM6/3/98
to

Ngiiii wrote:
>
> Kapag bumili ka ng isang litro ng coke sa lunes at nilagay mo sa pridge
> at bumili ka rin ng isang litro sa Martes at nilagay mo din sa pridge
> pagdating ng biyernes inilabas mo yung dalwa
> Ano ang mas malamig sa dalawa?

Wala. Walang malamig dahil nag-brownout noong Miyerkoles.
Tama ba?

--Yett

mald...@usa.net

unread,
Jun 4, 1998, 3:00:00 AM6/4/98
to

Hey Vina,

I reall like those Filipino jokes. Could you send some more? Matagal
tagal narin kasi akong hindi nakarinig ng mga jokes sa atin eh!

Thanx.


In article <6l0bbl$mec$1...@nnrp1.dejanews.com>,

MarcL

unread,
Jun 5, 1998, 3:00:00 AM6/5/98
to

Trying searching SCF in www.dejanews.com and hopefully all the 'juks'
are still available.

mald...@usa.net wrote:
>
> Hey Vina,
>
> I reall like those Filipino jokes. Could you send some more? Matagal
> tagal narin kasi akong hindi nakarinig ng mga jokes sa atin eh!
>
> >

kit_a...@my-dejanews.com

unread,
Jun 6, 1998, 3:00:00 AM6/6/98
to

>Kapag bumili ka ng isang litro ng coke sa lunes at nilagay mo sa pridge
>at bumili ka rin ng isang litro sa Martes at nilagay mo din sa pridge
>pagdating ng biyernes inilabas mo yung dalwa
>Ano ang mas malamig sa dalawa?

Hindi po kaya pareho lamang ang lamig nung magkabilang cokes. Ito po marahil
ay totoo kahit na hindi umaandar yung pridge. -kit from nj.

0 new messages