YAOHUSHUA
ANG TAGAPAGLIGTAS
(TAGALOG VERSION)
Dito ibinibigay sa inyo ang mga paliwanag at ang mga
paghahayag na maraming katotohanan ukol sa wagas ng Pangalan
ng tutoong Maykapal, at ang tunay na Messias, Tagapagligtas
at Hari ng mga hari. Sa pagbabasa nito, inyo po lamang
buksan ang inyong isipan at iwaksi ang anomang mga maling
akala noong nakaraan, upang ang katotohanan mula sa Banal na
Kasulatan ay makapasok sa inyong puso't isipan ngayon.
Kami'y naniniwala na ang Rukha Yaohushua ang Siyang
magbibigay liwanag at magtuturo sa inyo ng lahat ng ito, sa
biyaya ng YAOHU UL sa inyo upang Siya'y inyong lubusang
makilala at pagpasakupan. Al Shuam Ul Malkhiul Yaohushua
Mehushkhay.
Q. Bakit hindi "Yahweh" ang totoong pangalan ng Maykapal?
A. Hindi ito tutugma sa ibang mga katibayan sa Kasulatan.
Isa pa, ang tawag sa mga Judio ay "Yaohudim" at sila ang
bansang tinawag sa Kaniyang Pangalan. Kung ang Pangalan ng
tunay na Maykapal ay "Yahweh", dapat sana'y tawaging
"Yahwedim" ang mga Judio. Kaya nga po Judio sa Tagalog, at
hindi "Wehdio." Kaya ang talagang tama at tumpak at iisang
Pangalan ng ating Maykapal na nasa langit ay "YAOHU." Kaya
nga mga Judio ang tawag sa kanila dahil sa "YAO-HUDIO" at
hindi "Yah-wehdio." Maliwanag na maliwanag po!
Q. Bakit hindi "Jehovah"?
A. Kung tagalang ito nga ang tutoong Pangalan ng Maykapal,
dapat na ang itawag sa Messias ay "Jehoshua." Dahil nga sa
ang Anak ng Maykapal ay isinugo na lakip ang Pangalan ng
Ama. Subalit walang letrang "J" sa salitang Hebreo! Kaya
hindi maaaring iyan ang wagas at tutoong Pangalan ng
Maykapal. Kung talagang "Jehovah," sa gayon ang pangalan
ng mga propeta sa Kasulatan ay dapat palitan na rin sa
ganitong paraan:
Isaias ay magiging Isajeh
Zacarias ay magiging Zecarajeh
Sofonias ay magiging Sofonjeh
Yaokhaonam ay magiging Jehkhawnam
Hindi lamang ito katawa-tawa para sa mga Judio kundi
imposible pa rin dahil nga sa angmga salitang iyan ay
napaka-imposible sa salitang Hebreo. Uulitin ko pong muli:
ang dahilan ay walang letrang "J" sa panlangit na salita o
wikang Hebreo!
Ang salitang "jehovah" ay isang inimbentong pangalan lamang.
Ito ay gawa lamang ng tao. Ang apat na letra sa orihinal na
Hebreong Banal na Kasulatan ay pabaliktad na nilagyan ng mga
"vowels" ng salitang "adonay" (pangalan ng isang paganong
idolo noong sinauna) kaya't nabuo ang inimbentong pangalang
ito. Ngunit hindi talaga ito ang Pangalan ng Maykapal! Ang
magandang halimbawa na ginawang pag-iimbento ng pangalang
"jehovah" ay halimbawang ang salitang "portugal" tapos
kukunin ang mga "vowels" ng salitang "florida" at ihahalili
ng pabaliktad sa mga "consonants" nito, ang kalalabasan ay
panibagong inimbentong salitang: "partigol"! Katawa-tawa
talagan ngunit ganoon talaga ang katawa-tawang paraang ng
paghahalili sa totoong Pangalan ng Maykapal. Marami talaga
ang napaniwala sa malaking dayang ito at marami rin ang
napasamba. Kaawa-awa talaga. Ang totoong kahulugan ng
salitang "yehova" sa sinaunang Hebreo ay kapuksaan, kawalan
at kapierdehan! Wala kasing letrang "j" sa lenguaheng
Hebreo. Kaya't ang totoong Pangalan ng Maykapal ay "YAOHU"
at hindi ang gisadong pangalang: "jehovah." Maliwanag po!
Ang wikang Hebreo ang salitang ibinigay ng ating Maykapal sa
mga unang nilalang na tao sa Hardin ng Eden, ang likas na
salita ng tao! Orihinal ang sinaunang Hebreo, ang malinis,
puro at walang bahid na wika, at ito ang kauna-unahang
salita ng tao! Kaya nga ang tunay at pinakatumpak na
Pangalan ng ating Maykapal ay "YAOHU" (binibigkas ng:
YAO-HOO).
Ang ibang maaaring pagbigkas ukol sa "Tetragama" (o ang apat
na letrang Hebreo na bumubuo sa Pangalan ng ating Maykapal
sa Biblia Hebraica) ay hindi na dapat pang pag-usapan,
dahil malayong-malayo na sa tutuo, at hayag na mali.
Q. Bakit hindi "Yashua" o "Yeshua"
A. Ang kahulugan po sa wikang Hebreo ng mga katagang "az" o
"ez" ay kambing. Kaya't kapag inyong tinawagan ang
pangalang "yashua" o "yeshua," ang tutuo pong kahulugan ay
"ang kambing na tagapagligtas." At alam naman po ninyo sa
Biblia, ang tinutukoy na kambing ay si satanas, na
lumilinlang sa sangkatauhan.
Q. Bakit hindi na lamang "diyos" o kaya'y "god" ang
itawag natin sa Kaniya?
A. Ang pinagkunan ng salitang "god" ay ang salitang "khuda"
at ang "dios" naman ay mula sa salitang "zeus" na siyang
sinaunang dios-diosan ng mga taga-Persia at ang mga taga
Babilonia at Grecia. Dahilan sa kanilang mga kaugalian at
mga tradisyon, kinuha nila ang pangalan ng dios-diosan (o
"lo-ulhim" sa wikang Hebreo) upang gamitin bilang isang
"generic" o pangkalahatang pangalan, tulad ng paggamit sa
pangalan ng isang sikat na "brand" o tatak, at gawin itong
pangkaraniwang pangalan para sa ibang kahalintulad na bagay.
Halimbawa: Tinatawag na "chicklet" ang chewing gum o kaya
ang tawag nila sa kamera ay "kodak" o ang tawag nila sa
toothpaste ay "colgate", atbp. Ito ay maliwanag na
pandaraya, na siyang napaka-mapanganib dahil ito ay
patutungkol o tutukoy sa mga dios-diosan (o "lo-ulhim") alam
mo man o hindi!
Kaya kinakailangan na ating pagpalain, purihin, iangat at
sambahin ang Kaniyang nag-iisa at tanging Pangalan --
"YAOHU" at hindi si "khuda." Hindi sa kung ano ang iyong
iniisip kundi sa kung ano ang sinasambit ng iyong bibig.
Nagaganap ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating
pagpapahayag o pagbibigkas sa ating bibig!
Ikaw ay humaharap at tunay na nakikipag-usap sa kung sino
ang tinatawag mo. Maaaring naniniwala ka na ikaw ay
nakikipag-ugnayan sa iyong kaibigan subalit kung mali naman
ang iyong dinayal na numero sa telepono, ibang tao ang iyong
makakaugnay, at kung mahusay pa siyang magpanggap, baka nga
malinlang ka na ang kausap mo'y ang kaibigan mo. Ganoon rin
naman sa ating panalangin at pakikipag-usap sa ating
di-nakikitang Mayakapal! Mahigpit na ipinagbabawal sa
Banal na Kasulatan na banggitin man lamang ang pangalan ng
mga dios-diosan (o "lo-ulhim") -- ang tawag sa makalumang
Hebreo) sa ating mga labi; unawain po ninyo ngayon ang mga
nasusulat na ito sa Banal na Kasulatan:
"Pakatiyakin mong tuparin ang lahat ng mga tuntuning ito; at
pakatatandaan mo, huwag mong babanggitin ang pangalan ng
anomang dios-diosan sa iyong mga labi!" Exodo 23:13 Tanakh
(Biblia Hebraica)
Hindi nakahihiya ang magkamali; ang nakahihiya ay manatiling
nasa kadiliman matapos na makita ng tunay na liwanag.
Tandaan po nating mabuti. Kapag itinakwil ang liwanag, ito
ang magiging sanhi ng sukdulang pagdidilim ng inyong isipan!
Kaya magsimula na kayong tumawag ngayon sa wagas, nag-iisa
at tunay na Pangalan ng tutoong Maykapal -- "YAOHU" at hindi
ang "diyos" o "zeus."
Q. Bakit hindi si "Hesus" o "Hesukristo" ang tunay na
Messias?
A. Ang mga salitang ito ay hinango mula sa saling Griego ng
Bagong Tipan, na hinango rin naman mula sa orihinal na
Hebreong mga Kasulatan. Ang paraang ginamit ng mga
tagapagsalin ng Biblia mula sa Hebreo, tungo sa Griego,
tungo sa Ingles at sa Tagalog, ay pinagpapalitan ang mga
pangalan na nilalaman ng Biblia, sa kanilang pagsasalin sa
iba't-ibang wika. Sa pagsasalin ng Banal na Kasulatan sa
wikang Griego, ang kanilang inihalili sa orihinal na
"Yaohushua" ay "Iesous" upang maging katanggap-tanggap sa
mga Griego noong sinauna, dahil hindi na ito iba sa kanilang
nakasanayang sinasambang si "Zeus" at si "Dionysius" -- mga
dios-diosan o huwad ng maykapal.
Mula naman sa salitang "iesous" hinango ang salitang "jesus"
o "hesus" sa Tagalog. Ito ay maling paraan dahil wala pong
pahintulot ang Maykapal na baguhin ang Kanyang Pangalan at
ng Kanyang Anak.
Isa pang dahilan: ang tunay na Pangalan ng ating Manunubos
na -- "YAOHUSHUA" -- ay mahirap bigkasin para sa mga Griego,
kaya naisip nila na mas mabuting palitan ito upang madaling
bigkasin, hindi nila naisip na kanilang pinaglalaruan ang
Pangalan na sa pamamagitan Niya ay nilikha ng mga bagay na
nalikha!
Ang ginawang pagpapalit ay walang kapahintulutan at ito'y
tahasang pagpapalagay na sila'y tama. Sinabi ni propeta
Jeremias sa Jeremias 8:8 -- "Paano ninyong masasabing kayo
ay matatalino, kahit pa sumasainyo ang mga salita ng YAOHU
UL, gayong binago na ng mga eskriba (o mga tagapanulat) ang
mga ito?"
Kaya nga tayo'y maging tunay na matatalino at huwag
paghahaluin ang ating taus-pusong pagsamba sa mga alamat ng
mga Griegong dios-diosan (o "lo-ulhim")! Tandaan po ninyo
na, ayon sa Banal na Kasulatan, ang kaligtasan ay mula sa
mga Judio at hindi mula sa mga Griego. Kaya nga ang ating
sambahin ay ang tunay na Banal ng Israel -- "YAOHU" at ang
tunay na Messias -- "YAOHUSHUA" -- ang ating gawaing tunay
na Tagapagligtas at Pinuno ng ating buhay! Walang ibang
Pangalang ibinigay sa silong ng langit na sukat ikaligtas
ng tao, maliban sa Pangalang -- "YAOHUSHUA!" Ang kaligtasan
ay hindi matatagpuan kahit kaninoman, uulitin ko pong muli,
wala kahit kaninong iba pa man! Walang ibang pangalan ang
ibinigay para sa ating kaligtasan maliban sa nag-iisang
Pangalang -- "YAOHUSHUA"!
"Ang Kanyang Pangalan ay tatawaging: "YAOHUSHUA" dahil
ililigtas Niya ang mga tao mula sa kanilang kasalanan!"
Mateo 1:21 Banal na Kasulatan
Q. Hindi ba't ang YAOHU UL ay ang puso ang tinitingnan?
A. Tama! Kaya nga nagpapakilala Siya sa iyo ngayon dahil
nakikita Niya ang buong pusong pagnanais mong makilala
Siyang tutuo at tapat. Ang iyong Maykapal! At inaasahan
Niya na makikilala mo Siya sa Kanyang Pangalan at tumawag,
tunay na sumamba sa Kaniya, ang Mapanibughuing UL! Huwag
kayong magkakaroon ng ibang mga dios-diosan (o "lo-ulhim")
liban sa Kanya!
Ipagpalagay na sa halip na "jehovah," ang pangalan na naging
sikat, ang kanilang ipinalit sa tunay na Pangalan, ay
"saturn" at nangyaring maraming mga tao na nagsimulang
manalangin sa kaniya, at tumanggap din ng mga kasagutan, sa
pamamagitan ng pagtawag sa pangalang iyan, sa gayon,
nangangahulugan bang si "saturn" na ang ating maykapal?
Dahilan ba sa milyun-milyon ang tumatanggap kay saturn bunga
ng mga kinamulatang mga tradisyon ay magiging "saturn" na
ang Pangalan ng ating Maykapal? Never! Ang kamalasan ay
kasunod rin ng inakalang nilang mga katugunan, na huwad
naman, kung inyong susuriing mainam ang mga pangyayari!
Ang katotohanan ay katotohanan at walang panghalili dito,
kahit na ano pa ang akalain nating maaaring pamalit dito.
Ito ay hindi mananatili! At ang kasinungalingan ay
kasinungalingan, ay kasinungalingan, ay kasinungalingan!
Sa katunayan, ang tunay na pangalan ni satanas o ng kaaway
ay "satur" ayon sa Hebreong Kasulatan. Sa kaalamang ito
tiyak na madali mong itatakwil ang pagtawag sa pangalan ng
diablong iyan! Subalit hindi ba't ang YAOHU UL ay
tumitingin sa puso? Ngayon, ang katanungang iyan ay
katawa-tawa sa pandinig, di ba? Kaya huwag kang maging isa
sa mga biktima ng mga pandaraya, maging tunay kang matalino
at gising sa katotohanan!
Kung hindi mahalaga ang pangalan para sa ating kaligtasan,
ay hindi na sana ipinaalam pa ito sa mga tao sa pamamagitan
ng Banal na Kasulatan, o kung hindi natin kailangan pang
malaman ito para sa ating kaligtasan, bakit pa Niya ito
inisip na higit na mabuting maitala ang Kanyang Pangalan ng
mahigit sa anim na libong (6,000) ulit sa "Tanakh" o "Biblia
Hebraica"?
Maaari na lamang palang tumingin sa puso ng sangkatauhan at
iligtas na ang puso ng nakakiling sa Kanya, nang hindi na
ipinapaalam kung sino Siya at kung ano ang Kaniyang
Pangalan? Sa hindi namin kilalang Maykapal, sino ka man at
nasaan ka man, iligtas n'yo po kami! Subalit Siya ay hindi
nagkukubli! Siya ay nagpakilala sa sangkatauhan sa
pamamagitan ng Banal na Kasulatan bilang katibayan na kung
saan ang Kataas-taasang "YAOHU UL" ay ipinakilala ang sarili
Niya at ang Kaniyang Banal, ang Kaniyang Messias!
Mantakin na lamang n'yo ito: ano kaya ang magiging reaksyon
ng inyong asawa kung palagi niyang naririnig na tinatawag mo
siya sa pangalan ng dati mong kasintahan, sa halip na sa
tunay niyang pangalan? Hindi mo man lamang mapangahasang
banggitin ang pangalan ng dati mong kasintahan sa harap ng
iyong asawa o ni sa kaniyang pandinig, gagawain mo ba?
Hinding hindi bilang paggalang sa iyong asawa at upang
maiwasan mong masaktan o manibugho kaya siya.
Palagay nang palagian mo siyang tinatawag sa pangalan ng
dati mong kasintahan, siya ay maiinis, magagalit at
magseselos! Pagkatapos ang ikakatuwiran mo ay, "subalit
ikaw naman ang taong tinutukoy ang aking puso." Iyan ay
hindi paniniwalaan ng iyong asawa -- dahil: "kung ano ang
laman ng puso, iyon ang bubulalas sa iyong bibig!" Sasabihin
niyang: "ano man ang lumabas sa iyong bibig ay nagpapakita
kung sino ang tunay at talagang nilalaman ng iyong puso, at
hindi ako! Kung talagang ako, bakit hindi mo ako tawagin
sa aking pangalan? Di ba? Kaya nga ikaw ang aking asawa na
tinawag sa aking pangalan! Ginamit mo nga ang aking
apelyido, di ba?" Ganoon din naman kapag tayo'y
nakikipag-usap sa "YAOHU UL" -- ang Banal ng Israel!
"Sapagkat ang iyong Maykapal ang iyong magiging asawa, YAOHU
UL ang Kanyang Pangalan. Siya ang Tagapagligtas, ang Banal
ng Israel, ang UL ng buong sandaigdigan." Isaias 54:5 Tanakh
"Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios-diosan. Sapagkat si
YAOHU na inyong UL (o Maykapal), na ang Kanyang Pangalan ay
"YAOHU-QAN-AO" ay Mapanibughuing UL." Exodo 34:14 Tanakh
"Kung ano ang laman ng iyong puso, ang siyang nunulas sa
inyong bibig!" sabi ng Malkhiul Yaohushua Mehushkhay sa
Mateo 12:34, Banal na Kasulatan.
Nalalaman kung ano ang nasa puso mo, sa pamamagitan ng iyong
sinasabi! Tandaan po ninyo ito!
Napakaraming mga "panginoon" at mga "dios" at kahit na mga
"messias" daw na inilalako sa buong mundo ng iba't-ibang mga
relihiyon, para sa inyong kaalaman. SINO ang inyong
kinikilalang Maykapal at Hari? At Tagapagligtas? Sino? Ano
ang kanyang pangalan? Ang pangalan ay pantukoy at pag-alam
kung sino ang tiyak na pinatutungkulan!
Ang isang pangalan ay siyang palagian at tamang
pagkakakilanlan ng isang tao! "YAOHU -- ito ang Aking
Pangalan magpakilan man na inyong aalalahanin mula ngayon at
magpakailan man!" Exodo 3:15 Tanakh.
Ang Malkhiul Yaohushua ang Katotohanan! Siya ang Daan, ang
Katotohanan at ang Buhay! Wala ni isa man ang makaparoroon
sa Ama maliban sa Kanya! Walang ibang pangalang ibinigay sa
silong ng langit na sukat nating ikaligtas! Walang ibang
pangalan! Ang Pangalang YAOHUSHUA ang Siyang tunay na
Pangalan na higit sa lahat ng pangalan!
Q. Napakahalaga ba nito para sa akin?
A. Isipin na lamang natin ang mga salitang ito ng YAOHU UL,
ang Banal ng Israel, na nasusulat sa Banal na Kasulatan:
"Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kaninoman, sapagkat
walang ibang pangalang ibinigay sa silong ng langit na sukat
ikaligtas ng sangkatauhan." Mga Gawa 4:12 Banal na
Kasulatan
"Itinuturo ang pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan sa
pamamagitan ng Kaniyang Pangalan." Lucas 24:4 Banal na
Kasulatan
"Kaya naman itinanyag Siya ng YAOHU UL sa pinakamataas na
lugar at binigyan Siya ng Pangalang higit sa lahat ng
pangalan!" Filipos 2:8 Banal na Kasulatan
"Kaya't sa pagbanggit sa Pangalang "YAOHUSHUA" ang lahat ng
tuhod na nasa langit at dito sa lupa at sa ilalim ng lupa
ay kinakailangang manikluhod at lahat ng dila ay magsasabing
si YAOHUSHUA ang Haring dapat tupdin ng lahat, sa
ikaluluwalhati ng YAOHU UL sa langit!" Filipos 2:9-10
"Subalit ang mga ito ay naisulat o naitala upang maniwala
kayo na si YAOHUSHUA ang Messias. Ang anak ng Maykapal o
"UL" (ang Pinaka-makapangyarihan sa lahat), nang sa gayon ay
magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng pagsampalataya sa
Kaniyang Pangalan!" Juan 20:31
"Ang sinomang sumampalataya ay hindi na hahatulan pa,
subalit ang hindi sumampalataya ay hinatulan na, dahil hindi
sila naniwala sa iisa at tanging PANGALAN ng Anak ng UL."
Juan 3:18
"YAOHU, ito ang Aking Pangalan magpakailan pa man, ang
Pangalang aalalahanin ng mga lahi!" Exodo 3:15
Kaya nga ang inyong buong pagkatao, pati na sa kabilang
buhay, ay nakasalalay sa kapangyarihang magligtas ng
Pangalang "YAOHUSHUA". Sa maniwala ka man o hindi na
sisikat ang araw bukas, sisikat din iyon. Ganoon rin, sa
maniwala ka o hindi na ang iyong tanging daan patungo sa
walang hanggang kaligayahan ay ang nag-iisa at tanging daan
-- ang "Malkhiul Yaohushua," ito ay totoo dahil ito ay
ipinahayag na ng YAOHU UL ng Israel na mangyayari!
Ano man ang Kaniyang sabihin ay magaganap! Ano pa ang
saysay ng Kaniyang kapangyarihan kung hindi rin lang
susundin? At ang YAOHU UL ang Siyang pinanggagalingan ng
ating hininga bawat sandali. Ipinahayag ng YAOHU UL na
walang sinomang makalalapit sa Kaniya maliban sa pamamagitan
ng tangi, nag-iisang tagapamagitan sa Maykapal at sa tao --
ang Malkhiul (Hari) Yaohushua Mehushkhay!
Sino ang mangangahas na kalabanin ang Kaniyang panuntunan?
Tiyak na tayo ay lalapit sa Maykapal sa Kaniyang paraan!
Hindi sa kung ano ang ating pala-palagay na Kaniyang daan o
paraan. Siya ang Pinaka-makapangyarihan at Siya ang
nakasisindak, na dapat katakutan!
YAOHU UL, ang nag-iisang Banal ng Israel! Siya lamang ang
pinakamahalaga na inyong makikilala sa inyong buong buhay at
sa kabilang buhay! Pinakamahalaga, pinakamamahalin,
pinakadakila -- ang YAOHU UL ng Israel, tunay na Maykapal!
Q. Sino si "Gallio" at ano ang kaniyang ginawa?
A. Siya ang Romanong opisyal, konsul sa Achaia, at kung
ating sisiyasating mabuti ang mga pangyayari, sinabi sa
Banal na kasulatan: "Sa gayon ang sakdal ninyo ay may
kinalaman tungkol sa mga salita, sa mga pangalan at sa
inyong sariling kautusan, kayu-kayo ang bahalang mag-ayos ng
mga iyan, wala akong panahon sa mga bagay na ganyan." Mga
Gawa 18:15
Kung siya ay nanatiling hindi naniniwala, hulaan ninyo kung
saan niya ngayon ginugugol ang kaniyang kawalang hanggan!
Subalit ang mga salita at mga pangalang kaniyang kinamuhian
ay nananatiling naririto! Huwag ninyo siyang tularan!
Maging mapagpakumbaba kayo at maging matalino! Paniwalaan,
saligan, sampalatayanan ngayon din ang Malkhiul Yaohushua,
ang tutoong Tagapagligtas ng lahat ng tao!
Q. Gaano kahalaga ang Pangalang ito sa paningin ng ating
Maykapal?
A. "Ang sinomang tumawag sa Pangalan ng YAOHU UL ay
maliligtas." Joel 2:32 at Mga Gawa 2:21 Biblia
"Talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabinyag ang
bawat isa sa inyo sa Pangalan ng Malkhiul Yaohushua
Mehushkhay. Upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan,
at kayo ay tatanggap ng kaloob ng Rukha-Yaohu (o Espiritu ng
YAOHU UL)." Mga Gawa 2:43 Banal na Kasulatan
"Ang lahat ng propeta ay nagpatutuo tungkol sa Kaniya, na
ang sinomang manalig sa Kaniya ay tatanggap ng kapatawaran
sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang PANGALAN."
Mga Gawa 10:43 Banal na Kasulatan
"Sumulat ako sa inyo mga anak, dahil ang inyong mga
kasalanan ay pinatawad na sa pamamamgitan ng Kaniyang
PANGALAN!" I Juan 1:12
"Tatawagin mong "YAOHUSHUA" ang Kaniyang Pangalan sapagkat
Siya ang magliligtas sa mga tao mula sa kanilang mga
kasalanan!" Mateo 1:21 Banal na Kasulatan
"Sa lahat ng tumanggap sa Kaniya, sa mga nanalig sa Kanyang
Pangalan, ay binigyan ng karapatang maging anak ng YAOHU
UL." Juan 1:12
"Dahil sa inibig ninyo Ako, ang sabi ng YAOHU UL, ililigtas
Ko kayo; pangangalagaan Ko kayo dahil sa kumikilala kayo sa
Aking PANGALAN; tatawag sila sa Akin at Akin silang
tutugunin, ililigtas Ko sila at pararangalan; bibigyan Ko
sila ng mahabang buhay na magiging kasiyahan nila at
ipakikita Ko sa kanila ang Aking pagliligtas!" Mga Awit
91:14-16, Biblia
"Ang ating tulong o saklolo ay nasa Pangalan ng YAOHU UL.
Ang Maykapal ng langit at lupa!" Mga Awit 124:8
"Sino ang umakyat sa kalangitan at muling bumaba? Sino ang
nakapagtipon ng hangin sa Kaniyang mga palad? Sino ang
nagbalot ng mga tubig sa Kaniyang kasuotan? Sino ang
nagtatag ng lahat ng sulok ng daigdig? Ano ang Kanyang
PANGALAN at ano ang PANGALAN ng Kaniyang Anak? Sabihin mo
sa akin kung iyong alam." Kawikaan 30:4
"Magtitiwala sa Iyo ang nakababatid ng Iyong Pangalan!" Mga
Awit 9:10
"O YAOHU, YAOHU, napakadakila ng Iyong Pangalan sa buong
daigdig!" Mga Awit 8:1
"Sinabi ni Moises sa YAOHU UL, "Ipalagay po Ninyo na ako ay
pumunta na sa mga Israelita at sabihin sa kanila na --
'Sinugo ako sa inyo ng UL ng inyong mga ninuno,' at kanila
akong tanungin, 'ano ang Kaniyang Pangalan?' Ano po ang
sasabihin ko sa kanila? Sinabi ng YAOHU UL kay Moises, "Ako
ay si Ako nga!" Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita --
sinugo ka ni YAOHU UL. Sabihin mo sa mga Israelitang sinugo
ka ni "YAOHU" -- ang UL ng inyong mga ninuno, ang UL ni
Abraham, Isaac at Jacob ang nagsugo sa iyo. Ito ang Aking
Pangalan magpakailanman. Ang Pangalang aalalahanin ng lahat
ng salinlahi!" Exodo 3:13-15 Banal na Kasulatan
Q. Kung ito nga ang tunay na katotohanan, bakit hindi ito
itinuturo ng mga dalubhasa sa pag-aaral tungkol sa
Maykapal (o Theology) at ibang mga batikang tagapagturo
ng relihiyon?
A. Sinabi ng Malkhiul Yaohushua Mehushkhay: "Pinupuri kita
Ama, Tagapamuno ng langit at lupa, sapagkat inilihim Mo ang
mga bagay na ito sa mga marurunong at pantas, at ipinahayag
Mo sa mga maliliit na bata. Oo Ama, sapagkat iyon ang
nakasisiya sa Iyo." Lucas 10:21 Biblia
"Ngunit pinili ng YAOHU UL ang kamangmangan ng sanlibutan
upang hiyain ang sanlibutan. Pinili Niya ang mahihina sa
sanlibutan at mabababa -- at ang mga bagay na walang halaga
upang pawalang kabuluhan ang mga itinuturing na dakila, sa
gayon ay walang makapagmalaki sa harap Niya." I Corinto
1:27-29, Banal na Kasulatan
At isa pa, "...Pinalitan na ng mga eskriba ang mga
nakasulat" lalo na ang mga Pangalan! Tandaan po ninyo ang
Jeremias 8:8 mula sa Tanakh o Banal na Kasulatan! Ang ibig
sabihin po ng "eskriba" ay iyong mga nagsasalin o nagsusulat
ng sipi ng Banal na Kasulatan.
"Sinabi pa ang Malkhiul Yaohushua: Sa aba ninyo mga
dalubhasa sa relihiyon! Pagkat itinago ninyo ang
katotohanan mula sa mga tao! Ayaw ninyong tanggapin ang mga
ito para sa inyong sarili, at hinahadlangan pa ninyo ang
ibang mga ibig maniwala!" Lucas 11:52.
Inalis, itinago, ikinubli nila ang susi ng karunungan -- ang
PANGALAN!
"Sinabi pa ng Malkhiul Yaohushua: Makipot at mahirap ang
daan patungo sa buhay, kaya kakaunti ang nakatatagpo
n'yon. Subalit maluwang ang daan at madali ang daan patungo
sa kapahamakan, at marami ang dumaraan dito." Mateo 7:13-14
Ang langit ay mapapasok lamang sa pamamagitan ng makipot na
pintuan -- at ang Malkhiul Yaohushua ang Pintuan ng kawan ng
mga tupa. Walang sinomang makapupunta sa YAOHU UL maliban
sa pamamagitan Niya -- at ito ang mga katotohanang inihayag
sa Banal na Kasulatan! Uulitin pong muli, walang
makalalapit sa Kataas-taasan maliban lamang sa
pakikipag-ayos sa Malkhiul Yaohushua Mehushkhay. Maliwanag
po ba? Amnao! (Amen)
At gayon din, kung karaniwan na sa inyo ang ilang mga
nakasaad na pangyayari sa Tanakh o Kasulatang Hebreo,
siguradong alam n'yo na rin na ang karamihan ay kadalasang
mali! Palagiang sa kakaunti nalulugod ang YAOHU UL! Sa
kakaunti lamang! Sa retaso, sa kapirasong bahagi lamang!
Kaya huwag ninyong ibabatay ang inyong walang hanggang
hinaharap sa pabo-paborito, mga uso, tradisyon, kinagisnan
at mga pamahiin lamang ng nakararami. Sa Biblia ninyo
ibatay ang inyong kaligtasan at kawalang-hanggan, upang
makatiyak kayo! At sa tamang Pangalan, na atin nga ngayong
itinutuwid dahil mali nga ang pagkasalin ng mga pangalan sa
mga inilalakong Biblia sa ngayon. Ang sanlibutan ay
pinamumunuan ni satur, ang mabangis na kambing! (Sa wikang
Aleman, ang tawag sa "god" ay "gott," na "goat" o kambing
naman sa Ingles.)
Pakatandaan po ninyong palagi: Makipot ang daan! Kakaunti
ang nakatatagpo nito! Malkhiul Yaohushua Mehushkhay (ang
Messias na taga-Nazareth) ang Kanyang wagas at original
na Pangalan! Ang tunay ang pinaka-mahusay! The original
is the best!
Q. Bakit binabago ninyo ang Pangalan?
A. Hindi po, uulitin pong muli, hindi po binabago o
pinapalitan. Sa katunayan, ay ibinabalik nga natin sa tutoo
at orihinal. At hindi nagbabago ang Pangalan ng Ating
Maykapal at ng Messias! Ibinabalik lamang po natin sa
orihinal at the best! "Malkhiul Yaohushua" ang orihinal at
tutoong Pangalan ng Messias sa salitang Hebreo! Nang ang
Banal na Kasulatan ay isalin sa salitang Griego,
nakalulungkot sabihin subalit tutoo, na ang Pangalan ng
ating Maykapal at ang Kaniyang Messias ay isinalin din!
Napakalakas na lindol ang naganap noong pangyayaring iyon.
Ultimong lupa ay nagimbal sa nangyari.
Sa tutoo lang, upang maging tapat sa mga orihinal sa
pagsasalin ng mga kasulatan, ang tamang paraan ay
kinakailangang sa paraang "TRANSLITERATION" upang ang mga
Pangalan ay maisalin ng walang labis, walang kulang o letra
por letra at hindi binabago. Samakatuwid ang mga Pangalan
ay kailangang isalin ng ayon sa tunog sa tunog, pantig sa
pantig kapag may kinalaman sa mga tumpak o wastong pangalan
lalo na ang ating Maykapal at ang Kaniyang Messias o Banal.
Subalit sa kasamaang palad, hindi ganoon ang nangyari. Pati
ang Pangalan ay napalitan din at ang kinalabasan ay nabago!
"Malkhiul Yaohushua" ang Pangalang pinakamataas sa lahat ng
pangalan. Kinakailangang hindi isalin sa salitang "iesous"
na kasintunog ng "zeus" dahil dito labis na nabago ang
espiritung nasa likod ng pinaka-makapangyarihang Pangalang
ito!
Tandaan po nating mabuti: Ang pangalan ang kumakatawan o
nagsasalarawan sa lahat ng kapangyarihan ng isang tao na
nasa likod nito. Kapag binago ang mga pangalan, magbubunga
ito sa pagbabago na rin ng ugali't pagkatao at ang katauhan
mismo ng mga nasa likod ng pangalang ito o ang kaniyang
pagkatao o ugali, pati na kaniyang tungkulin sa buhay gayon
din ang espirituwal na kapangyarihan na siyang makakikilos
sa bisa ng pangalang iyon. At isa pa, pinahintulutan ba ng
YAOHU UL, ang Maykapal, ang ganiyang pagbabago ng Kanyang
kaisa-isa't pinaka-Banal na Pangalan?
"Ito ang Aking Pangalan magpakailanman (magpakailan pa man!)
Ang Pangalang aalalahanin ng lahat ng saling lahi! Exodo
3:13-15
Tutoo, iba't ibang salita ay may mga pangalang magkakatapat
sa pagitan ng mga ito. Halimbawa: ang pangalang "James" sa
salitang Ingles, ay "Santiago" ang katapat sa wikang
Kastila, ang "George" naman ay "Gorgonio" ang katapat sa
wikang Pilipino, atbp. Ang mga ito ay pasimula ng mga
kinaugalian at kostumbre ng mga tao, para sa kapakanan ng
mga kaangkupan, upang maging madali o magaang bigkasin.
Ngunit hindi dahil sa magkatapat ay magkahalintulad na rin.
Magkaiba pa rin po!
Ipinapaalala sa inyo kung gaanong tiniyak at mahigpit na
itinagubilin ng YAOHU UL ang mga bagay ukol sa mga kahulugan
na nakalakip sa mga pangalan. Maalala ninyo kung bakit Niya
pinalitan ang mga pangalan nina Abraham at Jacob at kung
paano Niya mahigpit na pinagbawalan na pangalanan si Juan
Bautista ng ibang pangalan, tingnan ang Lucas 1:59-64, gayon
din sa pagbabago ng pangalan ni Pedro. Bakit? Dahil sa ang
mga pangalan ay malaki ang kahalagahan! Ito ay kumakatawan
sa buong katauhan, katangian, reputasyon, kakayahan,
kapangyarihan at ang kabuoan ng isang tao na tinutukoy nito!
At ang isipin na ang Pangalan ng Messias ay pinili o
itinalaga ng YAOHU UL mismo, na inihatid ng Kaniyang anghel
kay Maria! Sino tayo upang baguhin ang Kaniyang mga
itinakda? tsk! tsk! Mangyari nawa ang Inyong kagustuhan
YAOHU UL! Hindi ang mga kinawilihan ng mga tao lamang!
Kaya nga kapag ginamit natin ang mga pangalang binago ay
para na ring lumalakad ka sa kumunoy! Masisiyahan ang
YAOHU UL kung ang tao mismo ang makikibagay o mag-aadjust
at tatalima sa Kaniyang Pangalan at hindi sa ibang paraan.
Tandaan po ninyo, Siya ang pinaka-makapangyarihan!
Isa pa, paano ka makatitiyak na ikaw ay nakikipag-ugnay o
nakikipag-usap sa YAOHU UL kung ikaw ay tumatawag sa ibang
mga isinaling alyas na itinatawag sa Kaniyang Pangalan, na
sa isang banda ay hindi Niya pinahintulutan, at hindi naman
Siya ang tinutukoy?
Ito ay tulad sa sinusubukan mong kontakin ang iyong kaibigan
subalit ibang numero ang idinadayal mo sa telepono! At
isang mapagpanggap ang sasagot at lilinlangin ka sa
kabilang linya: ang Abril na araw ng mga panloloko ay
magiging araw-araw para sa iyo, di ba? Mag-ingat ka!
Ikaw'y binigyang babala na.
Tandaan po ninyo, ang tumtak na Pangalan ay hindi dapat
isalin at baguhin, ang dapat ay "transliteration." Walang
labis, walang kulang o letra por letra ang pagsasalin ng mga
pangalan sa Banal na Kasulatan sa iba't ibang wika!
"Subalit kailangan nating palitan ang mga Pangalan ng
Maykapal sa pangalang lokal na dios-diosan (o "lo-ulhim") ng
mga tao, upang madali nilang matanggap ang Biblia."
Halimbawa, sa isang ilang na lugar o isla kaya sa gitna ng
dagat, may kalipunan ng mga tao na nakawilihan na ang
sumamba sa kanilang dinidios na ang pangalan ay "BEL." Sa
maling paraan ng mga tagapagsalin na umiral, sa pagsasaling
gagawin upang magkaroon ng sipi ng Biblia ang mga taong iyon
na nakasulat sa sarili nilang wika, ay ganito ang lalamanin:
"Sa pasimula, nilikha ni Bel ang langit at lupa!"
Kataka-taka at malaking kahibangan ang mangyayaring ito, di
po ba? Kahindik-hindik dahil malaking kasinungalingan ang
maitatala. Isa pa pong magandang halimbawa ay ito: sa isa
namang dako, ang nakagisnan ng sinasamba ng lipunan dito ay
nagngangalang "ee-zeus." Kaya't kung susunding muli ang
maling paraan ng mga tagapagsalin ng Biblia, ganito po naman
ang lalamanin ng Biblia na isinalin sa wika ng lipunang ito:
"Si 'ee-zeus' and daan, ang buhay at ang katotohanan!"
Dapat rin kayong magimbal tulad kanina. Bakit hindi? Dahil
ba sa madalas na naririnig o atin na ring nakagisnan ang
kamaliang ito kaya't ating tinanggap na katotohanan na
walang pagsisiyasat kung ito nga'y tutoo o hindi?
Maaaring ikatwiran ng iba na magkaiba naman ang spelling
kaya't hindi maaaring magkapareho. Ipagpalagay nating tama
ang pangangatwirang iyan. May nagmumungkahi na pangalanan o
bansagan ang iyong anak na lalaki sa pangalang "zey-tahn"
papayag ka kaya? Bakit hindi ganoong magkaiba naman ang
spelling? Hindi ka kakagat, di ba? Ganoon rin naman, kahit
magkaiba ang spelling, kapag ang mga tunog ng salitang
lalabas sa ating mga bibig ay patutungkol sa mga huwad na
Tagapagligtas, hindi natin masisikmura dahil malaking
kasinungalingan, di po ba? At isa pa, bakit hindi natin
tawagin sa orihinal at tutuo Niyang Pangalan na maliwanag
namang inihayag sa orihinal na mga Kasulatang Hebreo, at
madali namang masuri ang mga orihinal na ito, kahit sa
ngayon? Ano ba ang masama sa tawagin ang Maykapal at ang
Messias sa tutuo nilang Pangalan? Isa pa, sino ang nagturo
sa atin na dapat bagu-baguhin ang Pangalan ng Maykapal at
Messias sa pagsasalin ng Banal na Kasulatan sa iba't-ibang
wika? May batayan ba ang maling paraang ito sa Biblia?
Wala po! Ito'y isang lisyang kaugalian at kinagisnan
lamang ng tao. Aral lamang ng mga tao, ngunit hindi sa
YAOHU UL nagmula. Kaya't dapat na nga tayong magising mula
sa malaking panlilinlang na ito ng kaaway na si satur o
satanas.
Ngunit milyon-milyon ang gumagawa nito? Ang kasinungalingan
ba'y nagiging katotohanan batay sa dami ng mga
mananampalataya nito? Kailanma'y hindi! Ang katotohanan ay
katotohanan, may maniwala man rito o wala. Ang
kasinungalingan naman ay kasinungalingan pa rin kahit na ang
buong sandaigdigan ay mapaniwala rito. Hindi po nababatay
sa dami ng mananampalataya ang katotohanan. Kung ang dami
ng mananampalataya ang gagawaing batayan, lalabas na ngang
panginoon si satanas dahil higit na marami ang taong
masasama na palagiang tumutupad sa kanyang mga utos.
Nangangahulugan bang siya na ang tama dahil higit na marami
ang kanyang mga alagad? Kailanma'y hindi!
Disisyunan na ninyo ngayon ang pagpanig sa katotohanan.
Gagawin po ba natin? Amnao!
Kaya nga kailangan tayong magsisi ngayon pa man, humingi
tayo ng tawad sa YAOHU UL, dahil nga sa ating mga pagsamba
noong nakaraan sa mga huwad na Maykapal o "lo-ulhim" kung
tawagin sa wikang Hebreo. Sinabi ng YAOHU UL, "sinomang
magkasala o lumabag sa Aking mga kautusan, alam man niya o
hindi, ay kinakailangang parusahan." Bakit? Dahil tungkulin
nga bawat nilalang ang kilanlin, hanapin at tupdin ang
kanyang Pinagmulaan, Maykapal at Manlilikha.
"Nawawasak ang Aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman."
Oseas 4:6 Tanakh o Biblia.
"Ang sinomang lumabag sa alinmang kautusan ng YAOHU UL
bagaman hindi Niya nalalaman ay may kasalanan pa rin siya o
guilty pa rin!" Levitico 5:17 Tanakh
Ang ibig sabihin ng "guilty" ay isang taong nararapat
parusahan.
"Ang sinomang nagkukubli ng kaniyang kasalanan ay hindi
magtatagumpay o uunlad subalit ang sinomang magpahayag o
magkumpisal at tumalikod sa mga ito ay tatanggap ng
habag!" Kawikaan 28:23 Tanakh
"Ngunit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan,
Siya ay tapat at makatarungan na patatawarin Niya tayo sa
ating mga kasalanan at lilinisin mula sa lahat ng kalikuan."
I Juan 1:9
"Halikayo, magliwanagan tayo, kahit na ang mga kasalanan
ninyo ay maging kasimpula ng eskarlata, iyon ay magiging
kasimputi ng niyebe, kahit na ang mga iyon ay kasimpula pa
ng krimson, puputing gaya ng balahibo ng tupa." Isaias 1:18
"Kung handa kayo at magiging masunurin, kakainin ninyo ang
pinakamaigi sa lupain; ngunit kung lalaban kayo at
maghihimagsik, malilipol kayo sa pamamagitan ng tabak
(giyera), pagkat ang bibig ng YAOHU UL ang nagsalita."
Isaias 1:19-20 Tanakh
Kaya nga magsisi na kayo! Sa pamamagitan ng pagsisisi at
pananahimik ay ang ating kaligtasan! Tigilan na natin ang
pananalangin, pagsamba at pagpuri kay "zeus," "diyos," at
kay "god." Dahil kinapopootan ng YAOHU UL ang lahat ng uri
ng pagsamba sa huwad na maykapal (o "lo-ulhim") na iyan!
Si "zeus" o "diyos" po ay mga panginoon ng kidlat, bagyo,
ipu-ipo o tornado, unos at iba't-iba pang mapinsalang
pangyayari sa panahon.
Subalit milyun-milyon ang namihasa na sa paraang ito?
Mababago ba ng marami ang katotohanan tungo sa
kasinungalingan? Tandaan po ninyo, malawak ang daan patungo
sa kapahamakan at marami ang tumatahak dito. Uulitin ko
pong muli: marami ang dumaraan dito; subalit makipot at
mahirap ang daan patungo sa buhay! Maliwanag pong nakasulat
sa Biblia ang mga ito.
Kakaunti lamang, kakaunti lamang, kakaunti lamang!
Pakatandaan po ninyong mabuti! Retaso lamang. Labi
lamang.
Subalit maraming tao ang napapaniwala sa Biblia sa ganitong
pamamaraan, marahil isipin ninyo. Maaari, subalit para
kanino nadadala ang kanilang kaluluwa? Para kay "god"
"adonis," "zeus," at iba pang mga huwad na maykapal (o
"lo-ulhim")! Walang saysay ang pagsisikap ng marami sa
ganitong maling paraan; malaking pag-aaksaya, maliban na nga
lamang kung sila'y magsisisi at babaling sa katotohanan.
Kaya't ipamalita na ninyo sa iba ang tunay na nasa likod ng
lahat ng Banal na Kasulatan: ang YAOHU UL, ang tunay na
hininga sa likod ng lahat ng buhay, ang tunay na Maykapal,
at ang Malkhiul Yaohushua ang tunay at tutoong Messias!
Ipaalam rin sa marami na hindi pala si "zeus" o si "deus" o
si "theos" ang Maykapal. Ang mga ito pala'y mga huwad na
maykapal, mga peke, na nagdudulot ng mga pinsala sa
pamamagitan ng kalikasan at panahon (weather).
Ngayon nauunawaan na ninyo kung paanong naging mapanlinlang
ang mga pangangatwiran na siyang pinaniniwalaan ng mga
eskriba, upang matupad kung ano ang nakasulat na kanila
ngang inalis ang susi ng kaalaman. Kanilang BINURA ang
original na Persona sa likod ng aklat at pinagpalagay na ang
pinanggalingan ng buong aklat ay mula sa iba't ibang huwad
na maykapal (o "lo-ulhim") -- maliban sa Banal ng Israel:
ang YAOHU UL!
Tingnan na lamang ninyo ang mangyayari kapag ating itinuro
ang "Tanakh" o ang Banal na Kasulatan batay lamang sa mga
kapritso at bisyo ng mga tao upang ito ay maging mabili o
maging kasiya-siya. Hindi nabibigyang katwiran ang
kahihinatnan sa pamamagitan ng maling pamamaraan!
Kaya nga pinagsisihan na natin iyan at simula ngayon, ang
palagiang nating kikilanlin ng may buong katapatan ay ang
tunay na pinanggagalingan ng lahat ng buhay, ang tunay at
mapananaligang Persona sa likod ng aklat ng Banal na
Kasulatan -- ang YAOHU UL ng Israel! Purihin natin ang
YAOHU UL, ang ating tunay na Maykapal! Ang tunay na
Pinaka-makapangyarihan!
Ipagpalagay natin, ng walang halong pag-amin at pagtanggap,
na ang isinaling Pangalan ng ating Maykapal o ng Kaniyang
Banal ay pinahintulutan nga, kung gayon ang tumpak na
katapat o katugma ng Pangalang "YAOHUSHUA" sa salitang
Ingles ay nararapat na "Joshua" at hindi "jesus" kung
tutuusin. Kaya't talaga pong mali kahit na pagbigyan pa,
mali pa rin! Suriin po nating mabuti ang mga salitang ito
na mula sa banal na Kasulatan:
"Makinig ka, YAOHUSHUA na Punong Saserdote at kayong iba
pang mga saserdote, ikaw ang larawan ng dakilang darating,
hindi mo ba natatalos? Si YAOHUSHUA ang sumasagisag sa Aking
Lingkod, "Ang Sanga" -- Siya ay lalago o magsasanga mula sa
Kaniyang sarili, at itatayo Niya ang templo ng YAOHU UL.
Sa Kaniya nauukol ang titulong marangal; mamamahala Siyang
bilang hari at saserdote, ng mayroong ganap na pagkakaisa sa
dalawang tungkuling ito!" Zacarias 6:12
Ang mga salitang ito ay mula sa Kataas-taasang YAOHU UL
GAVOHA! Kung tatanggapin natin ang makataong pamamaraan ng
pagsasalin ay masasalalay ang ating pagsamba at walang
hanggang kaligtasan sa tulad nang nagtayo ng iyong bahay sa
buhanginan! NAKAYAYANIG! PELIGROSO! DELIKADO!
Tandaan po natin, tayo ay nakikitungo sa gumawa ng langit at
lupa! Isasalin ba o babaguhin ba ng tao ang mga pangalan ng
presidente, mga hari, at ng ibang mataas na opisyal sa iba't
ibang wika, o ito ba ay isasalin ng letra por letra at ng
walang labis, walang kulang? Transliteration, tiyak!
"Ito ang Aking Pangalan magpakailan pa man!" At "walang
ibang pangalang ibinigay tungo sa ating kaligtasan!"
Nasusulat po. Kaya ating sambahin ang Maykapal sa Rukha
(o Espiritu) at sa katotohanan, dahil sa iyan ang hinahanap
ng YAOHU UL na uri ng pagsamba. Ating purihin, sambahin,
panalanginan, pasalamatang lubos at luwalhatiin ang Kaniyang
PANGALAN! Wala ng iba pa! Hindi ang mga gawa-gawang
pangalang lamang ng tao. Mga inembento lamang. "YAOHU,
YAOHU -- anong dakila ang Iyong Pangalan sa buong daigdig!"
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang Pangalan Mo! Sa
kaninong pangalan nakasalalay ang iyong buong buhay? Kung
ito ay iba kaysa sa Malkhiul Yaohushua -- kailangang
magsisi't magbago ka na ngayon din!
Dahil sa walang ibang pangalang ibinigay sa silong ng langit
na sukat ikaligtas ng tao maliban sa Pangalang YAOHUSHUA!
Walang ibang pangalan! Walang ibang pangalan! Walang
ibang pangalan!
Lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay nasa likod ng
Pangalang ito! Walang pagsasalin sa pinaka-kagalang-galang
na Pangalan ang pinahintulutan ng Banal ng Israel, wala,
kahit na ito ay dahil pa sa pangangailangan. Ang mga
nilalang ay hindi kailangang ipinipilit ang kanilang mga
kaugalian, kapritso at mga nakagawian sa kanilang Maykapal!
Ang YAOHU UL ang tunay na tanging Maylalang ng lahat kaya't
huwag na po tayong lumalang ng iba pang huwad na maykapal!
Ang YAOHU UL ang Maykapal, tayo ay Kaniyang mga nilalang.
Huwag tayong lumikha ng ibang manlilikha! Ang baguhin ang
orihinal tungo sa ibang pangalang isinalin lamang ay ang
pagpapalit ng mula sa pinaka-makapangyarihang Pangalan tungo
sa pangkaraniwan na nga lamang!
Malkhiul Yaohushua Mehushkhay ang tanging nag-iisang Anak ng
ating Maykapal, ang Banal ng Israel! Kawikaan 30:4 Tanakh
ang nagsabing mayroon Siyang Anak! "YAOHUSHUA" ang
Kaniyang ANAK! Ang anak ng isda ay isda, ang anak ng tao ay
tao, ang anak ng UL ay UL. Handugan natin ng parangal ang
Kaniyang Pangalan na Siyang karapat-dapat parangalan,
pakiusap lang! Mula pa noong ilang libong taong nakalipas,
ay nariyan na ang mga kinaugalian at tradisyon ng mga lipi
at tribo ng mga pagano na sumasamba at naglilingkod sa
kapirasong larawan o mga rebulto na tinatawag sa iba't ibang
pangalan sa iba't ibang bayan, munisipyo o barangay kaya.
Iisang larawang inukit ngunit iba't-ibang pangalan, talagang
gawaing pagano. Bakit, ilan ba ang Maykapal? Bakit ang
dami ng mga huwad na maykapal na iyan? Huwag nating gayahin
ang mga ginawaga ng mga pagano! Huwag kayong sumang-ayon sa
mga paraan at mga tradisyon ng sanlibutang ito, dahil si
satanas o si "satur" ay tinatawag na "diyos" ng sanlibutang
ito! 2 Corinto 4:4 Banal na Kasulatan
"Bakit ninyo nilalabag ang kautusan ng YAOHU UL dahil lamang
sa inyong mga kinaugalian?" tanong ng Malkhiul Yaohushua sa
mga eskriba sa Mateo 15:3, Banal na Kasulatan.
"Yamang ang mga taong ito ay lumalapit sa Akin sa
pamamagitan ng kanilang bibig at pinararangalan Ako sa
pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit ang mga puso nila'y
malayo sa Akin, at ang pagkatakot sa Akin ay batay lamang sa
mga tuntuning ginawa ng mga tao, masdan mo, dahil dito, muli
Akong gagawa ng mga kamangha-manghang gawa sa mga tao, isang
kamangha-manghang gawa at kababalaghan; mapapawi ang
karunungan ng matatalino, at ang kaalaman ng mga paham ay
mawawala!" Isaias 29:13-14 Tanakh o Biblia.
Huwag nating ilagay ang salita ng YAOHU UL sa
kawalang-saysay dahil lamang sa mga kaugalian at mga
tradisyong kinagisnan. Ito ay kasuklam-suklam! Kahibangan,
kasinungalingan at pinagmumulaan ng mga salot at pinsala sa
ating pansariling pamumuhay at kabuhayan. Malkhiul
Yaohushua Mehushkhay ang tunay na Pangalan!
Ang tunay ang siyang pinakamahusay!
The original is the best!
Q. Bakit tayo magsasalita ng Hebreo gayong hindi naman tayo
mga Judio?
A. "Sa panahong iyon, dadalisayin Ko (YAOHU UL) ang salita
ng Aking bayang nagbabalik, sa dalisay at purong salitang
Hebreo, nang sa gayon silang lahat ay sama-sama at
nagkakaisang sumamba at maglingkod sa YAOHU UL!" Nasusulat
sa Sofonias 3:9 Tanakh o Biblia Hebraica!
Ngayon nakita na ninyo, ito ang palagiang layunin ng YAOHU
UL ang ating Maykapal, ang dalisayan ang dila o bibig ng
Kaniyang bayang nagbabalik sa Kaniya, dahil maaala-ala ninyo
na, noon pa man ang tanyag na tore ng babel na ang mga dila
ng tao ay nasumpa, maliban sa orihinal o tunay na salitang
Hebreo.
Hindi ninyo maiiwasan ang salitang Hebreo, kung kayo ay
tunay na humahanap sa Banal ng Israel, ang inyong Maykapal:
YAOHU UL. Sa tuwing bubuksan n'yo ang iyong Tanakh o Banal
na Kasulatan, kayo ay nasa dakong Hebreo! Ang sabihin man
lamang na "amen" ay salitang Hebreo na! Ang YAOHU UL ang
pinagmumulaan ng ating buhay, ay nakipag-usap sa salitang
Hebreo kina Adan at Eba sa paraiso. Kahit na ang mga anghel
ay nakikipag-usap sa mga tao sa Banal na Kasulatan sa
salitang Hebreo, ang ating Manunubos ay Hebreo, ang mga
apostoles at mga propeta ay nagsasalita rin sa Hebreo!
Ito ay makalangit at banal na salita! Kaya nga galit na
galit si satanas (dragon) dahil sa kinamumuhin niya ang
anomang bagay na banal sa ating Ama, YAOHU UL; maski na ang
laman ay kontra rin dito, subalit tayo ay lumalakad sa
larangang ruchal (o espiritu), dahil tayo ay mga
mananampalataya na mga sa Malkhiul Yaohushua Mehushkhay.
"Samakatuwid ay hindi ka na dayuhan pa, kundi isa ng kapwa
mamamayan na kasama sa bayan ng YAOHU UL at kaanib sa
sambahayan ng YAOHU UL!" Efeso 2:9 Banal na Kasulatan
"Ang tunay na Judio ay yaong ang puso ay nabago na sa
paningin ng YAOHU UL.... sapagkat ang YAOHU UL ay
tumitingin sa mga nabago na ang puso at isipan!" Roma 2:29
Banal na Kasulatan.
"Dahil dito'y lumuluhod ako sa Iyo YAOHU UL, na Siyang
pinagkukunan ng PANGALAN ng lahat ng sambahayan sa langit at
lupa!" Efeso 3:14-15 Banal na Kasulatan.
Kaya kung ikaw ay tunay na muling binuhay o nabago na sa
larangang espirituwal ay itinuturing ka ng YAOHU UL na tunay
na Judio, at kung talagang karapat-dapat ka na sa Ama bilang
kaisa sa Kaniya at sa Kaniyang lipi, kung gayon hindi ba ito
ay isang napakalaking kapahintulutan, ang magsalita ng
salita ng Hari? Anong pagpapala! Anong biyaya! Anong
himala! Kamangha-mangha!
Huwag tayong mabalisa sa maling akalang ang Hebreo'y mahirap
pag-aralan. Kung gusto, may paraan! At isa pa, mayroon
kayong Rukha-Yaohu (o Espiritu ng YAOHU UL) na siyang
gagabay sa inyo at magbibigay sa inyo ng kakayahan. Siya
ang "MENAOKHEM-NU" (ang ating Tagaagapay)!
Hindi naman kailangang pag-aralan ang lahat sa wikang ito
kundi ang mga kapaki-pakinabang sa iyong panalangin,
pagsamba at pagpupuri. Maniwala kayo, ito ay
napaka-daaaliii!
Alisin ninyo ang gumugulo sa inyong isipan bunga ng inyong
laman! Gawin ito ngayon din! Ang patuloy na pagsasagawa
ang pagsasanay ay mauuwi sa kaganapan! Ang pag-aaral ng
Hebreo ay hindi nakalilito o magulo; ang magulo ay ang
pag-dedesisyon mo kung gagawin mo ito, ang lahat ng bagay ay
magiging madali na matapos mong desisyunang isagawa. Hindi
mahirap ang magbago. Ang mahirap para sa marami ay ang
magdesisyong magbabago na nga.
At kapag ating natalos na ito ay kagustuhan ng YAOHU UL,
walang makapipigil sa atin sa pagpapakita sa Kaniya kung
gaano natin kamahal at kinikilala ang Kaniyang kabutihan sa
pamamagitan ng paggawa ng ating sukdulan o ang ating 'the
best' upang mapaluguran Siya.!
"Ibigin mo ang YAOHU UL, ang iyong Maykapal, ng buong puso,
ng buong kaluluwa, buong kakayahan at ng buong pag-iisip!
Ito ang una at pinaka-mahalagang utos (pinaka-mahalaga)."
Mateo 22:37 Banal na Kasulatan.
Kaya magsimula na tayo ngayon sa pagtawag at paggamit sa
tunay na Pangalan ng ating Ama at ng Messias sa Hebreo. Ito
ang unang hakbang, ang lahat ng bagay ay magiging madali na
sa pagsulong! Masunod ang Inyong kagustuhan, YAOHU UL,
hindi ang sa amin!
Ang Ama: YAOHU UL (Yao-hoo ool)
Ang Anak: YAOHUSHUA MEHUSHKHAY (Yao-hoo-shua)
Ang Espiritu: RUKHA-YAOHU (Rookha-Yao-hoo)
Ito ay pagkain ng mga bata. Napakadali nito! Tandaan po
ninyo: ang palagian at patuloy na tamang pagsasanay ay
nauuwi sa kaganapan! Continual right practice makes
perfect!
Ang pagsasalin ng di-mababagong Pangalan ng Messias na
tumanyag ay batay sa pagsasalin sa wikang Griegong pangalan.
Ang kaligtasan ay galing sa mga Judio, at hindi sa mga
Griego, ayon sa nasusulat. Isa pa, ang pinaka-banal na
Pangalan ng ating Maykapal ay hindi rin dapat isinasalin,
uulitin pong muli, hindi dapat pinapalitan ang Pangalan ng
Maykapal ayon sa nasyonalidad ng tao! Ito ay kinaugalian ng
mga pagano at ng mga walang takot sa pagsamba sa kanilang
mga "lo-ulhim"! Hindi naman Griego ang karamihan ngunit
bakit sila tumatawag sa pangalang ng isang huwad na maykapal
na Griego? Sinong nagturo sa iyo na ang Pangalan ng ating
Maykapal ay dapat palitan ng ayon sa bawat bansa, o sa bawat
lugar? Saan natin nakuha ang ganiyang turo? Tiyak na hindi
iyan galing sa Tanakh o Banal na Kasulatan! Ito ay galing
sa sanlibutan! Kaya simula ngayon ay dapat tayong magbago
at magsimulang tumawag sa ating tutuo at tunay na Maykapal!
Amnao! (iyan po ay "Amen" sa puro at sinaunang Hebreo!).
Ito'y napakadali!
"Dadalisayin Ko ang salita ng Aking bayang magbabalik sa
Akin sa puro o dalisay na Hebreo, upang silang lahat ay
sama-sama at nagkakaisang sumamba at maglingkod sa YAOHU
UL!" Kaya ipahayag natin ang YAOHU UL, ang Banal ng Israel!
Sofonias 3:9 Tanakh
Q. Ano ang ibig sabihin ng "buhay na walang hanggan?"
A. "Ito ang buhay na walang hanggan: na makilala Ka nila,
YAOHU UL ang tutoong Maykapal, at ang Iyong isinugo -- ang
Malkhiul Yaohushua Mehushkhay!" Juan 17:3, Banal na
Kasulatan.
Q. Subalit hindi ba't ang Biblia o ang Banal na Kasulatan
(ang Tanakh) ay kinasihan. Walang mali at hiningahan ng
YAOHU UL?
A. Ang mga orihinal, opo! Uulitin pong muli, ang mga
orihinal, opo! Subalit tandaan po ninyo na ang Banal na
Kasulatan na nasa inyo ngayon ay bunga na lamang ng
pagsasaling ginawa lamang ng tao mula sa orihinal.
Mag-ingat din kayo dahil sa ang mga taong nagsalin ng banal
na kasulatan mula sa orihinal o ng ibang mga pinagkukunang
kasulatan ay mayroong sariling relihiyon at kani-kanilang
mga maling paniniwala!
Maaaring namangha kayo subalit ang bawat nag-aaral ng Biblia
ay talos na ang isinaling Biblia o Banal na Kasulatan ay
hindi na ang tinutukoy na "kinasihan" at "hiningahan" ng
YAOHU UL. Ang ganitong katawagan ay nauukol lamang sa mga
orihinal na kasulatan o manuskripo o authographs! Kung ang
Biblia ang pag-uusapan, ang orihinal ay palagiang
pinakamahusay! The original is the best!
Kaya anong dapat gawain? Saliksikin mo ang katotohanan, at
ito ang magpapalaya sa iyo! Sinabi sa iyo ng Malkhiul
Yaohushua na, "Patuloy na humingi, patuloy na maghanap at
patuloy na kumatok" upang tayo'y bigyan, upang ating
matagpuan at upang pagbuksan tayo ng pintuan! Ang Malkhiul
Yaohushua Mehushkhay ang pintuan ng kawan ng mga tupa at
iyan ang dapat nating gawin.
Ang YAOHU UL ay mabait sa atin na nagpakilala Siya mismo at
ang Kaniyang Banal -- upang maipahayag natin sa bawat isa
ang tunay na katotohanan! Ito ay dahil sa kaluguran ng
YAOHU UL na ipaalam sa animo'y mga maliliit na bata! Sa
Inyo YAOHU UL, kami po ay walang sawang nagpapasalamat!
Maraming salamat po, YAOHU UL!
Q. Tutuo ba na ang original na pagbigkas sa apat na
letrang (Tetragamma) na Hebreong Pangalan ng
kataas-taasan sa Hebreong Kasulatan ay nawala na,
nakalimutan na at walang kahit isa ang tunay na nakakaalam
kung paano ito bigkasin?
A. Ayon sa tsismis, opo! Subalit ito'y ganoon lamang --
tsismis at maling-haka. Isipin n'yo ngayon at nilay-nilayin
ang ganitong pangyayari: hanggang ngayon, ang Kaniyang Bayan
ay tinatawag pa ring "YAOHUDIM" (YAOHU-DIM, upang lumitaw
ang Pangalan ng UL) sa kanilang sariling wika, sa wika ng
mga Israelita hanggang sa ngayon. Samakatuwid tinutukoy
nila ang kanilang sarili bilang mga "YAOHUDIM." May ilang
mga Judio ang nagpapangalan hanggang ngayon sa paraang
naglalarawan sa kagalang-galang na Pangalan ng
Pinaka-makapangyarihan. Ilan sa mga halimbawa ay: Eliyaohu,
Khanamyaohu, Netanyaohu, Yaohukhanam, atbp.
Kahit na ang mga pangalan ng mga propeta sa Tanakh (Banal na
Kasulatan) at ang ibang pang mga tao at lugar na nabanggit
dito ay palagian pa ring naghahayag ng Kaniyang maringal na
Pangalan!
Pagkakasalin sa Tagalog Orihinal na Hebreo
Isaias Yaoshuayaohu
Elias Ulyaohu
Zacarias Zocharyaohu
Sofonias Zapnayaohu
Juan Yaohukhanam
Mateo Manaimyaohu
Josue Yaohushua
Santiago Yaohucaf
Kaya ang katotohanan ay matagal nang nasa Hebreong
Kasulatan! Ang dapat na nga lamang nating gawain ay ang
humingi at bibigyan tayo ng YAOHU UL ng karunungan! Kaya
manatiling naghahanap at tayo ay makakikita! Ang mga
Kasulatan na rin ang magpapatunay sa inyo ukol sa mga
katotohanan ito!
Hanggang ngayon ay alam ng ilan sa mga Judio ang tumpak at
tamang pagbigkas ng PANGALAN, subalit wala silang lakas ng
loob na ito ay banggitin sa takot na malapastangan ang
kapita-pitagang Pangalan sa buong daigdig. Ito ay kanilang
pamahiin lamang, dahil sa buong Tanakh o Hebreong Kasulatan,
ang mga propeta ay palagiang nagbabanggit ng Pangalan ng
Makapangyarihan sa kanilang pagpapahayag sa mga tao, sa
makasaysayan at makatang bahagi ng mga Kasulatan ay
palagiang binabanggit ang Pangalan, kaya bakit ka matatakot?
Ang YAOHU UL ang may ibig na sa pamamagitan ng Kaniyang
Rukha (o Espiritu), ang Kaniyang Pangalan ay maitala ng
higit sa anim na libong (6,000) ulit sa Tanakh, upang
palagian nating maala-ala na ito ang pinakamahalagang salita
sa lahat! Ang ipinagbabawal ay ang paglapastangan sa
Pangalan, hindi ang tamang paggamit nito. Kung ito ay
binibigkas mo ng may pagkatakot at paggalang, hindi ito
kasalanan, nakuha mo na? Amnao!
"Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhan ang Pangalan
ng YAOHU UL ng Israel, sapagkat walang pagsalang parurusahan
ng YAOHU UL ang sinomang gagamit nito sa walang kabuluhan."
Deuteronomio. 5:11 Tanakh o Banal na Kasulatan.
Ang ganitong tamang paraan ng pagbigkas ng Pangalan ay
pinanatiling lihim ng Judio mula sa mga Hentil, upang
maiwasan ang paglapastangan nito. Maaaring tutoo, subalit
tiyak at walang duda na di nawala o nakalimutan na, at
siguradong alam ng marami sa kanila! Kaya ang tama at
matuwid na paraan ng pagbigkas ng Tetragammang Hebreo ay
alam ng maraming Judio hanggang sa mga araw na ito!
"Dahil dito ipapaalam Ko (YAOHU UL) ang Aking Pangalan sa
Aking bayan at malalaman nila ang kapangyarihan ng Pangalang
iyan, sa wakas malalaman nila na Ako, oo, Ako, ang nagsalita
sa kanila!" Isaias 52:6 Tanakh
Upang maiwasang malapastangan ang Pangalan, ang ginawa ng
ilang mga relihiyosong pinuno ng Israel noong sinauna ay
pinalitan ito at hinalinhan ng ayon sa kanilang kinaugalian
tulad ng "ha-shem" (ang pangalan), "adonai" (panginoon),
atbp. Ngayon, nasaan ang daya? Ang mga ugat na
pinanggalingan ng mga inihaliling ito ay mula sa kalapit na
kapaligiran mga pagano, pantukoy sa kanilang mga sinaunang
mga huwad na maykapal daw (o "lo-ulhim")! Taus-puso at
tapat, maaari, subalit tapat na nagkamali!
Sa tutoo lang, marami ang talagang tapat na kaluluwa ang
natutupok sa sheol (impyerno) sa ngayon dahil sa kakulangan
ng kaalaman!
"Ang Aking bayan ay napupuksa dahil sa kakulangan ng
kaalaman!" Oseas 4:6 Tanakh
Ayon sa Kaniyang kaalaman, nakita o nalaman na ang YAOHU UL
na ang Kaniyang Pangalan ay lalapastanganin ng masasamang
tao, ito ang dahilan kung bakit Niya inatasan ng parusa ang
sinomang lumapastangan sa Kanyang Pangalan:
"Ang sinomang lumapastangan sa Pangalan ng YAOHU UL ay dapat
patayin, babatuhin siya ng kapulungan, maging dayuhan o
katutubong mamamayan. Kapag kanyang nilapastangan ang
Pangalan ng YAOHU UL, dapat siyang patayin!" Levitico 24:16
Tanakh
Para sa YAOHU UL na Siyang may kinalaman, ito'y sapat na
pampigil sa bawat isa mula sa paggawa ng ganitong krimem o
pagkakasala. Hindi na kailangan pang mag-isip ng pangalang
panghalili upang idagdag sa kung ano ang palagay ng YAOHU UL
na husto o sapat na pamigil upang huwag malapastangan ang
Kanyang dakilang Pangalan. Minabuti Niyang sapat na ang
babala't parusa upang mapigilan ang pangkaraniwang tao.
Hindi na kailangang dagdagan pa ng tao ang Kanyang mga
alituntunin.
Ang daan at paraan ng tao upang tumulong sa Kataas-taasan sa
pangangasiwa sa Kanyang bayan ay palaging natutungo sa
pagkalito. Ang nahayag na mga salita ng YAOHU UL ay sapat
na upang pangasiwaan ang Kaniyang pamahalaan ng may
katarungan at katuwiran! Hindi na kailangan pa ang
pagbabago ng tao. Kaya balikan natin ang paggamit ng
Kaniyang original na Pangalan ng may tunay na katapatan at
ng may higit na paggalang!
Ang tunay na pangyayari na ang Tetragramma ay isinulat ang
mahigit sa anim na libong (6,000) ulit sa Hebreong Kasulatan
o Tanakh ay nagpapahiwatig na ang Kataas-taasan -- YAOHU UL
-- ay nagpalagay na ito ang tama para sa babasa ng Banal na
Kasulatan na palagiang tumutukoy sa Kaniya sa pamamagitan ng
Kaniyang nag-iisa at tanging Pangalan, sa gayon kikilanlin
Siya bilang Persona na nagpapakilala at nagpapatupad ng
banal na kasulatan o Malyao-Ul! Ito ang Aking Pangalan
magpakailan man, ang Pangalang aalalahanin ng lahat ng
salinglahi -- "YAOHU!"
Tulad ng regalo na walang nagbigay ay walang kabuluhan,
gayon din ang Banal na Kasulatan na walang pinagmulan na
nasa likod nito. Ating ibalik na muli ang May-akda, ang
YAOHU UL, ibalik kung saan Siya nararapat sa Banal na
Kasulatan o ng Tanakh!
Q. Ang Pangalang "YAOHU UL" ba ay isang "abbreviation" o
pinaikling palayaw ng Kanyang higit pang buong Pangalan?
A. Ang Pangalang "YAOHU" ay hindi isang daglat o pinaikli
lamang. Ang "YAOHU" ay buong-buo at tanging Pangalan na
ipinaalam! Kapag binabanggit, ito'y parang tunog ng
malumanay na pag-ihip ng hangin, higit na sa ikalawang
pantig ng maluwalhating Pangalang ito. Walang alinlangan
dahil Siya ang nagbibigay buhay o hininga! Ang ating YAOHU
UL ay Rukha (o Espiritu), sa Hebreo ang salitang Rukha ay
nangangahulugan ring hangin.
Sa pagbubuo ng pangalan ng karamihan sa Israelita, higit na
sa mababasa sa Banal na Kasulatan, ang kaisa-isang
Pangalan ng YAOHU UL ay kadalasang dinudugtungan ng iba pang
Hebreong mga salita't kataga upang mahayag ang iba't-ibang
paraan ng pagbibiyaya o pagliligtas kaya ng YAOHU UL sa
Kanyang mga hinirang. Narito po ang ilang mga maiinam na
halimbawa nito:
Yaohukhaonam ang YAOHU UL ay mapagbiyaya (Juan)
Yaoshuayaohu ang kaligtasan ay mula sa UL (Isaias)
Manaimyaohu mabait ang YAOHU UL (Mateo)
Yaoromyaohu itinataas ang YAOHU UL (Jeremias)
Yaohushua ang YAOHU UL ang kaligtasan (Josue)
Kaya YAOHU ang tumpak at kumpletong Pangalan ng ating UL o
Maykapal!
Q. Marami bang Pangalan ang Kataas-taasang Maykapal?
Bakit maraming tao ang nananalangin sa iba't ibang
Pangalan na napakalayo naman sa tumpak at likas na
Pangalang YAOHU UL?
A. Iisa lamang ang inihayag na Pangalan, subalit maraming
titulo o tag-uri na ginagamit lamang o bilang pang-ugnay sa
dakilang Pangalan na ito: "YAOHU"!
Kailangang matalos ninyo ang kaibahan ng "Pangalan" sa
"Titulo." Maraming titulo o tag-uri na ginagamit ang mga
tao kapag patungkol sa Maykapal, ito ay hango sa Biblia at
ang iba naman ay hindi, ang iba ay mga titulong hango sa mga
paganong pagsamba sa mga huwad na maykapal daw. Ang
pangalan, higit pa sa larangang ruchal o espirtiwal, ay
upang matiyak kung sino ang tinutukoy. Samakatuwid, ang
pangalan ay para matukoy kung sino ang pinatutungkulan. A
name is for proper identification! Ang titulo naman po ay
mga idinaragdag na pang-uri o pantangi o kaya'y paggalang sa
pangalan ng sinoman. Sa mga pangalan ay idinadagdag ang
titulo o pang-uri na siyang nagpapakilala sa mga ilang
katangian ng isang tao ayon sa kaniyang katungkulan,
katayuang sibil, trabaho o katangian, kapamahalaan,
propesyon, atbp.
Halimbawa: Pangalan: Juan dela Cruz, taguri o titulo:
Mister, Arkitekto, Pangulo ng PTA, Gobernador, Doktor,
Abogado, Mrs., Miss, Hari, Patrolman, atbp. Ang iba pang
pangkaraniwang titulo ay: Pangulo, Senador, Mayor,
Mambabatas, Barangay Chairman, atbp. Kaya iisa lang ang
pangalan, subalit maraming tag-uri o titulo kung tawagin.
Ang pangalan ay para pagkilanlan, ang mga titulo o pang-uri
ay pampaganda o palamuti.
Katulad din niyan, ang ating Maykapal ay may iisang
Pangalan: "YAOHU" subalit maraming titulo o pang-uri: Ang
Kataas-taasan, ang Banal ng Israel, ang Manlilikha, atbp.
Kahit na sa Kaniyang Anak, iisa rin lamang ang Pangalan:
"YAOHUSHUA"! Ang mga titulo o pang-uri ay: Malkhiul (Hari),
Nuzrothiy (ang Sanga, ang Binhi), Mehushkhay (ang Pinahiran
ng langis) at Hari ng mga hari, gayon din ang Prinsipe ng
Kapayapaan, ang Tinapay ng Buhay, Tagapagligtas, Manunubos,
atbp.
Sa Banal na Kasulatan, sinabi sa atin na purihin, sambahin,
iangat, luwalhatiin at pagpalain ang Kanyang Pangalan!
Mabuti ring isama ang kahit na anong titulo subalit ang
"Pangalan" ay kailangang palagiang kasama, bilang angkop at
tukoy na pagkikilanlan! Ang mga titulo ay idinaragdag upang
higit pang ipahayag ang mga kagalang-galang na katangian ng
sinomang tinutukoy!
Maraming tao sa Kasulatan ang pinangalanang "YAOHUSHUA" --
sino ang tinutukoy mo? Sinong "YAOHUSHUA?" Ang Messias o
ang alalay ni Moises? Kaya ginagamit natin ang "Malkhiul,"
"Nuzrothiy," at ang "Mehushkhay" bilang mga pang-angkop:
upang maging tiyak kung sino talaga ang ating walang
pag-aalinlangang tinutukoy. Maliwanag po ba? Amnao!
Higit pa ba sa nagkataon lamang na ang kahalili ni Moises na
mababasa sa Biblia ay pinangalanan ring "YAOHUSHUA?" At ang
pangalan bang ito ay ibinigay sa kaniya bilang kapalit sa
dati niyang pangalang "HOSEA?" Ito ba ay maaaring tanda
upang makilala ang ipinangakong "PROPETA" na siyang isusugo
ng YAOHU UL pagkatapos ni Moises? "YAOHUSHUA!" Tingnan sa
Bilang 13:8, Tanakh
"Magtatayo ang YAOHU UL para sa inyo ang isang Propetang
tulad ko, isang Israelita; pakinggan ninyo Siya at sundin.
Sapagkat noong magtipon kayo sa bundok ng Horeb ay ito ang
hiningi ninyo sa YAOHU UL. Sa paanan ng bundok sinabi ninyo
na huwag ng iparinig ng YAOHU UL, o ipakita man lamang ang
nakapangingilabot na apoy, sapagkat mamamatay kayo."
"Mabuti, ang sabi ng YAOHU UL sa akin, gagawin Ko ang
kanilang kahilingan. Maglalagay Ako para sa kanila ng isang
Propeta, isang Israelitang tulad mo, sasabihin Ko sa Kaniya
ang dapat Niyang sabihin, Siya ang Aking magiging
Tagapagsalita, at Aking pananagutin ang sinomang hindi
duminig sa Kanyang sinasabi!"
Walang napaka-bulag pa sa di-ibig makakita at
nagbubulag-bulagan!
Original na Pangalan Mga Titulong Ginamit
sa Hebreong Kasulatan
"YAOHU" - - - - - - - - - Manlilikha,
Makapangyarihan, Ama,
Kataas-taasan, ang Banal at
Tagapangalaga ng Israel atbp.
"YAOHUSHUA" - - - - - - - - Messias, Guro, Manunubos,
Tagapagligtas, Hari ng mga
hari, ang Sanga, Nazareno,
atbp.
"RUKHA-YAOHU" - - - - - - - Mang-aaliw, ang Espirito ng
katotohanan, Mahabaging
Espiritu, atbp.
Pansinin na mayroong iisa lamang na pangkaraniwang pangalan
sa Tatlong Persona ng ating Maykapal o "Creator Head".
"Binyagan n'yo sila sa Pangalan (hindi sa "mga pangalan") ng
Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo." Mateo 28:19 Banal na
Kasulatan.
"Amang Banal, ingatan Mo sila sa kapangyarihan ng Iyong
Pangalan -- ang Pangalang ibinigay Mo sa Akin -- upang
sila'y maging isa tulad Nating iisa. Nang Ako'y kasama
nila, iningatan Ko sila at pinanatiling ligtas sa
pamamagitan ng PANGALAN na ibinigay Mo sa Akin!" Juan
17:11-12, Banal na Kasulatan.
Isipin po ninyo at pakatandaan po ninyo: tulad Nating iisa,
"Natin" pero nagkakaisa! Tatlong Persona na lubusang
nagkakaisa! Kaya nga ang ating Maykapal ay may iisang
Pangalan lamang. Uulitin pong muli, iisang Pangalan lamang,
maraming titulo. At ngayon alam n'yo na ang kaibhan ng
titulo at ng pangalan! Napakalaking tulong nito sa inyo!
Pakatatandaan po ninyo: purihin at sambahin ang Kanyang
Banal na Pangalan, hindi ang mga titulo lamang. Ang
pangalan ay pantukoy!
Q. Kailangan ko pa bang matuto ng Hebreo upang maligtas?
A. Gumagamit ka na nga ng salitang Hebreo sa iyong
bukabularyo, nalalaman mo man o hindi. Hindi mo mauunawaan
ang malalim na kahulugan ng Banal na Kasulatan hanggat hindi
ka nabababad sa Hebreo. Sa sandaling buksan mo ang iyong
Biblia o Kasulatan upang basahin, ikaw ay nasa dakong
Hebreo!
Halimbawa ang mga salitang Hebreo na kadalasan nating
nagagamit, lalo na sa mga nakakaalam ng Banal na Kasulatan
ay: "amen," "Bethlehem," "Malchizedeq," "Zion," "Solomon,"
"Abraham," "Lemuel," "Israel," "Jacob," "halika," "lumakad"
at maging ang salitang "Messias" at "Immanuel" ay mga
salitang Hebreo. Lahat ng wika ng tao na sa ngayo'y umiiral
ay nagmula sa Hebreo dahil ito ang ugat na lenguahe na
pinagmulaan ng lahat ng wika. Ito ang kauna-unahang wika,
ang wikang ibinigay ng YAOHU UL sa sangkatauhan.
Nagkaiba-iba na nga lamang matapos sila'y masumpa at
magkahiwa-hiwalay ng landas sa mundo, noong pinarusahan ang
ating mga ninuno sa Babylon, sa pagtatayo nila ng Tore ni
Babel.
Ang ating mga sinaunang ninuno ay nagsalita ng Hebreo, si
"Noe" ay Hebreo ang winika, ang Messias ay nagmula sa lahi
ng mga Hebreo, ganoon din ang mga apostol at mga propeta.
Hindi mo maisasawalang bahala ang Hebreo at mauunawaan ang
Tanakh o Banal na Kasulatan sa malalim na kahulugan!
Makakatagpo mo ito sa isang paraan o ibang paraan. Isa pa,
ang mga katibayan ay lumilitaw na nagpapatunay na ang
karamihan sa mga aklat sa Bagong Tipan ay orihinal na
isinulat sa Hebreo. Tama nga dahil sa karamihan ng
manunulat nito ay mga Hebreo at kapag sinuri ang paraan ng
pagsasalaysay sa mga nakasulat dito, makikitang Hebreo ang
tatak ng orihinal na pinagmulaan ng mga ito, kung susuriing
mainam ang pagkakasulat ng mga talata't pangungusap rito.
Ang Pangalan ng ating Maykapal ay nasa Hebreo, ang Pangalan
ng ating Tagapagligtas ay nasa Hebreo, lahat halos ng Banal
na Kasulatan ay isinulat sa Hebreo.
Kaya ito ay napakahalaga sa pagiging banal at pagdadalisay
sa ating espiritwal na paglago, sa ating panibagong buhay
kasama ng Malkhiul Yaohushua Mehushkhay! Subalit ang
matutuhang maging bihasa sa pagsasalita ng Hebreo ay HINDI
kondisyon upang tumanggap ng bagong kapanganakan mula sa
YAOHU UL. Kailangang maisilang kang muli sa larangang
espiritwal, at matapos ito, ikaw ay magsisimula nang
maglakbay sa daigdig ng mga Hebreong tao't pananalita sa
iyong palagiang pagsasaliksik ng mga nilalaman ng Biblia.
Para sa mga dati nang tumanggap ng mga Malyao-Ul o salita ng
YAOHU UL, ang pag-aaral naman ng Hebreo ay bahagi ng
paglagong espirituwal sa Kaniyang sambahayan, habang kayo ay
binabago, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian,
hanggang sa kayo'y maging kawangis ng Kaniyang minamahal na
Anak -- ang MALKHIUL YAOHUSHUA MEHUSHKHAY, na Siyang
nagsalita ng Hebreo nang Siya ay nasa daigdig na ito!
Hanggang ngayon! Subalit kinakailangang maniwala ka muna sa
Kanyang Pangalan, upang makatanggap ka ng kaligtasan, at ang
Kanyang Pangalan ay nasa wikang Hebreo!
"Ang sinomang tumawag sa Pangalang YAOHU ay maliligtas!"
Joel 2:32 Tanakh
"Ang kaligtasan ay hindi masusumpungan kaninoman, sapagkat
walang ibang PANGALAN sa silong ng langit ang ibinigay sa
mga tao na sukat nating ikaligtas -- maliban sa Pangalang:
YAOHUSHUA!" Mga Gawa 4:12 Banal na Kasulatan.
"Datapwat ang lahat ng tumanggap sa Kanya, sa lahat ng
naniwala sa Kanyang PANGALAN, ay pinagkalooban Niya ng
karapatang maging anak ng Kataas-taasang YAOHU UL." Juan
1:12 Banal na Kasulatan.
"Dadalisayin Ko (YAOHU UL) ang salita ng mga taong
magbabalik sa Akin sa wagas na Hebreo upang sama-sama
silang sumamba sa YAOHU UL." Sofonias 3:9 Tanakh.
Dahil ito ay nakasulat, kaya dapat na ito ay maganap!
Q. Anong wika ang sinalita ng Malkhiul Yaohushua noong
Siya ay naglilingkod pa sa lupa?
A. Ipinahayag ng mga iskolar at ng mga nagsasaliksik na ang
wikang ginamit Niya ay Aramaic. Katanggap-tanggap dahil sa
ang Aramaic ang pinakamalapit sa puro, sinaunang Hebreo.
Ang wikang Aramaic ay kaunti lamang ang kaibhan sa Archaic o
antigong Hebreo, sa pagbigkas lamang, subalit ang
pinagbabatayan ay pareho lamang, lalo na sa mga ugat ng
katinig at sa mga pantig.
O, Malkhiul Yaohushua, ipahintulot po Ninyo na maging
katulad pa namin Kayong ng lubusan! Tulungan po Ninyo kami
na makapagsalita ng Inyong wika at itulot po Ninyo na maging
bihasa sa mga bagay ukol sa Judio, upang aking tunay na
mapahalagahan ang puno ng olibo na kung saan ako ay
naiugpong o kung saan ako ay tunay na sanga!
"Dadalisayin Ko ang pananalita ng Aking bayang magbabalik sa
dalisay na Hebreo!" Ang sabi ng YAOHU UL, ang Banal ng
Israel. Sofonaias 3:9 Biblia o Tanakh.
Q. Hindi ba ako maibibilang na kaisa sa isang kulto kapag
ako ay naniwala sa tunay o orihinal na Pangalan?
A. Kahanga-hanga! Ikaw ay nasa tamang samahan ng mga
mananampalataya sa tunay na Maykapal at sa totoong Messias!
Ang mga sinaunang mananampalataya ng Messias ay binansagan o
minarkahan bilang kasama sa kulto o sekta ng mga Nazareno!
Basahin sa Mga Gawa 24:5 Banal na Kasulatan.
Kahit na ano pa mang etiketa o bansag ang itawag sa iyo ng
mga tao, ang mga ito'y walang halaga. Ang mahalaga ay kung
sino ang iyong tagapagligtas at manunubos, kanino
nakasalalay ang buo mong buhay dito at sa kabilang buhay,
sino ang iyong tunay at talagang pinupuri at sinasamba; ito
ang mga napakahalagang bagay sa iyong buhay!
"Ito ang buhay na walang hanggan; na makilala Ka nila, YAOHU
UL, ang tanging tutoong Maykapal, at ang Iyong isinugo,
Yaohushua Mehushkhay!" Juan 17:3.
"Sinabi Ko na sa inyo ang lahat ng ito upang huwag kayong
malito o sumuray sa lahat ng mga kasinungalingang darating,
palalayasin kayo sa mga sinagoga; darating ang panahon na
ang sinomang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod
siya sa Maykapal. Gagawin nila ang mga bagay na ito pagkat
hindi nila nakikilala ang Aking Ama o Ako; Oo, sinabi Ko sa
inyo ito upang kung mangyari na ay magunita ninyo na
binalaan Ko na kayo," ang sabi ng Malkhiul Yaohushua sa Juan
16:1-4.
Ang buhay ay isang pakikipagkasundo na makipagpalit o
"barter." Ibigay mo ang iyong panahon sa pag-aaral,
makakakuha ka ng titulo o diploma. Ibigay mo ang iyong
kakayahan sa paglilingkod sa iyong amo, tatanggap ka ng
sahod, ibibigay mo naman ang sahod upang makamit mo ang
iyong pang-araw-araw na pangangailangan, atbp.
Tulad din kung ibig mong magkamit ng buhay na walang
hanggan, o buhay sa langit, kinakailangang ibigay mo ang
anomang kapalit, halimbawa sabihin nating, ibigay mo ang
iyong kabuhayan dito sa lupa o ibigay mo ang iyong buhay.
Ibigay mo ang nararapat sa kung ano ang kukunin mo.
Magtamin ka muna bago umani. Ito ang pangkalahatang
patakaran o alituntunin ng YAOHU UL na umiiral saan pa man!
Kaya kung ibig mong mapabilang sa katawan ng mga
mananampalataya na siyang itinuturing ng Kataas-taasan na
Kaniyang sarili, at makaisa ng Malkhiul Yaohushua
Mehushkhay, kinakailangang isuko mo ang maraming bagay sa
iyong buhay!
"Ang sinomang nag-iingat ng kaniyang buhay ay siyang
mawawalan nito, ngunit ang sinomang maglaan ng kanyang buhay
dahil sa Akin, ay siyang magkakamit nito," sabi ng Malkhiul
Yaohushua sa Mateo 10:39 Biblia.
"Kaya hindi maaaring maging alagad Ko ang sinoman hanggat
hindi muna siya nauupo at bibilangin ang lahat ng kaniyang
kabuhayan at mga ari-arian -- at pagkatapos ay itatakwil ang
mga ito alang-alang sa Akin," sabi ng Malkhiul Yaohushua
Mehushkhay sa Lucas 14:33.
"Kaya't ang lahat ng bagay na minsan ay inisip kong
napakahalaga -- ay itinakwil kong lahat upang matuon ang
aking tiwala at pag-asa sa Messias lamang. Oo, lahat ng
bagay ay walang kabuluhan kung ihahambing sa hindi
mababayarang aking nakamit -- ang makilala ang Malkhiul
Yaohushua, ang aking Pinuno! Isinantabi ko ang lahat ng ano
pa man, ibinilang ko itong mga basura, upang kamtin ang
Messias, at ang maging lubos na kaisa Niya, hindi upang
maligtas dahil sa pagiging matuwid, kundi sa pamamagitan ng
pagtitiwala sa Malkhiul Yaohushua Mehushkhay na iligtas ako.
Ngayon ibinigay ko na ang lahat ng bagay -- nakamit ko ito
sa paraang tunay na makilala ang Messias at maranasan ang
kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na mag-uli, at makita o
malaman kung paano ang magdusa at mamatay ng dahil sa Kanya.
Kaya ano man ang mangyari sa akin, ang hangad ko'y mabuhay
sa bagong pamumuhay kasama ng mga nabuhay mula sa
kamatayan!" sabi ni Apostol Shaul sa Filipos 3:7-11 Banal
na Kasulatan.
Ano ngayon ang makakamit ng isang tao sa kanyang ipinagpalit
dahil sa pagsuko ng lahat ng ito?
"Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang sinoman pagkat ang YAOHU
UL ang nagbibigay sa inyo ng lahat ng inyong kailangan.
Ibinigay Niya ang buong mundo sa inyo upang inyong magamit,
at maging ang impyerno't kamatayan ay inyo nang mga alipin.
Ibinigay na Niya sa inyo ang lahat ng kasalukuyan at sa
hinaharap, ang lahat ay sa inyo na, at kayo ay pag-aari ng
Messias, at ang Messias ay pag-aari ng YAOHU UL." Ang sabi
ni Apostol Shaul sa I Corinto 3:21 Banal na Kasulatan.
"Sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan na walang nag-iwan ng
ano pa man: tahanan, kapatid na lalaki, kapatid na babae,
ina, ama mga anak o mga ari-arian -- alang-alang sa Akin at
sa paglalagnap ng Magandang Balita, na hindi ibabalik, ng
maka-isang-daang ulit, tahanan, kapatid na lalaki, kapatid
na babae, ina, ama, mga anak, at mga lupa -- kasama nito ay
mga pag-uusig. Ang lahat ng ito ay mapapasakaniya dito sa
buhay na ito, at sa panahong darating magkakaroon siya ng
buhay na walang hanggan!" sabi ng Malkhiul Yaohushua sa
Marcos 10:29-30.
Mahusay bang "barter" o pakikipag-palitan? Kamangha-mangha!
Tiyak na kayo'y makikipagpalit! Hinihingi ng Malkhiul
Yaohushua ang LAHAT mula sa IYO sapagkat ibinigay Niya ang
lahat upang tubusin ka! At tiyak na gagawin Niya muli ang
lahat ng Kanyang pagdurusa alang-alang sa iyo, kahit ikaw
lamang ang nag-iisang tao sa daigdig upang tubusin. Ganyan
ka Niya kamahal! Mahal ka ng YAOHU UL! Dahil sa
napakahalaga mo sa Ama, YAOHU UL! Ang ating YAOHU UL ay
pag-ibig! Tandaan po ninyo: Life is just an exchange!
Q. Ano ang ibig sabihin ng salitang Hebreo na "Nuzrothiy"?
A. "Nuzrothiy" "Nuzor" -- Ibig sabihin "Ang Sanga"
"Zoro" -- Ibig sabihin "Ang Binhi" Kung
saan nanggaling ang salitang
'zero.' Tingnan ninyo ang
simbolong ginamit upang
kumatawan dito, o, kung titignan
mo ay buto o binhi!
"Rothiy" -- Ibig sabihin ay ang "palatandaan
ng aking tagapangalaga" ang
lahat ng ito ay batay sa
orihinal na kahulugan ng mga
sinauna, puro o walang halong
mga salitang Hebreo.
"Makinig ka sa Akin, YAOHUSHUA, na punong saserdote, at
kayong ibang mga saserdote, ikaw ang larawan ng mga
kamangha-manghang isang darating, hindi mo ba nakikita? Si
YAOHUSHUA ang sumasagisag sa Aking lingkod -- ang Sanga, na
Aking isusugo!" Ang sabi ng YAOHU UL sa Zacarias 3:8
Tanakh.
"Iputong ang korona sa ulo ni Yaohushua, ang punong
saserdote -- "ikaw ang sagisag ng taong darating, na ang
Pangalan ay "ang Sanga" (Nuzor) -- Siya ay magsasanga mula
sa Kaniyang sarili ("Zoro" - seed) at itatayo Niya ang
Templo ng YAOHU UL. Sa Kaniya nauukol ang titulong
maharlika. Maghahari't mamamahala Siya bilang hari at
saserdote, ng may ganap na pagkakaisa sa dalawang
tungkuling ito!"
"Ito ang katuparan ng hula ng mga propeta: Siya ay
tatawaging Nazareno (o ang Sanga)!"
"Nasubsob ako sa lupa at narinig ko ang isang tinig na
nagsabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo Ako pinag-uusig?
Sino po Kayong nagsasalita sa akin, Sir? Ang tanong ko. At
tumugon Siya, Ako si Yaohushua Nuzrothiy (na taga-Nazareth),
ang iyong inuusig!"
"At walang alinlangan na ang YAOHUSHUA NUZROTHIY (na
taga-Nazareth) ay pinuspos ng YAOHU UL ng 'Rukha Yaohushua'
at kapangyarihan at nagtungo sa paligid, gumawa ng mabuti at
nagpagaling ng lahat ng nasasailalim ng kapangyarihan ng
diablo, sapagkat sumasakanya ang YAOHU UL!" Mga Gawa 10:38
Banal na Kasulatan.
Q. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang Hebreo na
"Mehushkhay?"
A. "Mehushkhay" -- sinaunang Hebreo na ang
ibig sabihin ay "Pinahiran ng langis" sa
salitang tagalog ay "Messias"
Sa katunayan, ang tunay na pangalan ni Moises ay "Maushua"
kaya akmang lahat! Sinabi ng YAOHU UL na ipadadala Niya ang
propeta na katulad ni Moises, na Siyang dapat pakinggan at
sundin, walang iba kundi ang Malkhiul (Hari) Yaohushua
Nuzrothiy Mehushkhay ang ipinangakong Messias, Propeta,
Tagapagligtas, Hari at Hukom ng lahat!
Ngayon kayo ay sumasampalataya na sa Kanyang Pangalan at
tinanggap ang tunay na Messias, sabihin, bigkasin, uulitin
ko pong muli, kailangang inyong bigkasin na taus puso ang
panalanging ito upang kayo ngayon ay tumanggap ng Rukha
Yaohushua o ng Espirito ng Malkhiul Yaohushua sa inyong
puso. Isagawa na po ngayon din at huwag nang ipagpaliban
pa. Bigkasin na po ngayon ang mga sumusunod:
PANALANGIN NG PAGSISISI
YAOHU UL na sumasa langit, ang UL ni Abraham, Isaac at
Jacob; Akin po ngayong Kayong kinikilala at inaamin bilang
aking nag-iisang Manlilikha, Maykapal at wagas na
Makapangyarihan sa lahat; Kayo po ang YAOHU UL, ang Banal ng
Israel, aking pinagmulaan;
Inaamin ko po sa Inyong harapan ngayon, na ako ay labis na
nagkasala laban sa Inyo at ngayo'y humihingi ng kapatawaran,
habag, awa at paglilinis mula sa lahat ng aking mga nagawang
kasamaan, at sa mga labis-labis na paglabag sa Inyong mga
kautusan;
Hugasan po Ninyo ako ngayon sa pamamagitan ng banal na "dam"
o dugo ng Malkhiul Yaohushua Mehushkhay;
Akin po ngayong ginagawa at kinikilalang nag-iisang
pansarili kong Tagapamuno at Tagapagligtas ngayon at
magpakailanman ang Malkhiul Yaohushua Mehushkhay, ang Inyong
Messias na isinugo;
Naniniwala po ako na walang ibang pangalan sa silong ng
langit ang Inyong ibinigay upang ikaligtas ng tao maliban sa
Pangalang Yaohushua Mehushkhay; at YAOHU UL ang Inyong
iisang Pangalan na aming alalahanin sa lahat ng salinglahi,
ayon sa mga nasusulat sa Inyong Banal na Kasulatan;
Naniniwala po ako na ang Malkhiul Yaohushua ay namatay
bilang aking kahalili at kapalit, Siya na walang kasalanan
ay hinatulang masama upang ako naman na makasalanan ay
maituring na matuwid sa Inyong paningin, sa aking
pagsampalataya sa Malkhiul Yaohushua;
Naniniwala po ako na ang Malkhiul Yaohushua ay namatay
alang-alang sa akin, inilibing, nabuhay na mag-uli, umakyat
sa langit, ngayo'y nakaupo sa kanan ng YAOHU UL, at muling
magbabalik, di na maglalaon, upang maghari't hatulan ang mga
makasalanan;
Naniniwala po ako sa muling pagkabuhay ng mga matuwid tungo
sa buhay na walang hanggan sa piling Ninyo; at ang mga
masasama naman ay tungo sa walang hanggang kaparusahan;
Akin pong hinihiling ngayon at tinatanggap ang 'Rukha
Yaohushua' sa aking puso, upang ako ay turuan, dalhin sa
ganap na katotohanan, tulungan at paalalahanan, ngayon at
magpakailanman;
Maraming salamat po sa Inyong kapatawaran, habag, awa at
paglilinis na akin na ngayong tinatanggap ng may ganap na
pananampalataya;
Nasusulat po na sinomang tumawag sa Inyong tunay na
Pangalang YAOHU UL ay maliligtas; at ito po'y aking
pinaniniwalaan ng taus puso.
Ginagawa ko po ang lahat ng ito ngayon sa Pangalan ng
Malkhiul Yaohushua Mehushkhay, amnao!
Ngayon kayo ay malaya na, malusog, masagana, pinatawad,
binasbasan at pinananahanan na ng Rukha Yaohushua sa inyong
mga puso! Purihin nati't pasalamatan ang YAOHU UL, ang
Pinakadakila sa lahat!
Sa inyong panibagong buhay, simulang tupdin ang dalawang
pinakamahahalagang utos ng YAOHU UL ABUHEE:
"Ibigin mo ang YAOHU UL ng buong puso, buong kaluluwa, buong
kakayahan at buo mong pag-iisip!" at "Ibigin mo ang iyong
kapwa tulad ng iyong pag-ibig sa iyong sarili!"
Dahil sa kayo po ay bagong mananampalataya sa Malkhiul
Yaohushua Mehushkhay, kinakailangan po kayong magpabinyag sa
tubig sa Kanyang Pangalan. Makipag-ugnay lamang po sa amin
ukol sa bagay na ito at sa iba pa ninyong mga lalahukang
gawain sa katawan ng Malkhiul Yaohushua Mehushkhay.
Alalahanin pong dumalo sa bawat pagtitipon at mga gawain ng
inyong Oholyao at ipaaalam po sa inyo kung saan at kung
kailan ginaganap ang mga ito. Magsimula po kayong magbasa
ng Biblia at mananalangin araw-araw upang magpasalamat,
magbigay papupri at mangumpisal sa YAOHU UL ABUHEE sa mga
kasalanang nagagawa pa araw-araw. At mahalaga rin namang
magsimulang humingi at ilagak sa YAOHU UL ABUHEE ang lahat
ng inyong mga problema o suliranin sa buhay, sa kalutasan ng
mga ito sa paraan ng YAOHU UL. Unahin po muna ninyo ang
Kaharian ng YAOHU UL ABUHEE at ang lahat ng iba pang bagay
ay idaragdag sa inyo.
Amin po kayo ngayong inilalagak sa pangangalaga ng YAOHU UL
ABUHEE, sa inyong paglago sa Kanyang Kaharian hanggang sa
maging kawangis ninyo ang pag-uugali ng Malkhiul Yaohushua
Mehushkhay, hanggang sa Kanyang nalalapit nang pagbabalik!
Ngayon, aming kayong tinatalian sa pagsunod, pagluhod at
ganap na pagpapasakop sa Malkhiul Yaohushua Mehushkhay,
magpakailanman! Amin rin kayo ngayong kinakalagan mula sa
lahat ng uri ng pandaraya, pambibihag, kasinungalingan at
lahat ng gawa ni satur at ng kanyang mga masasamang
espirito, sa pamamagitan ng "dam" o dugo ng Malkhiul
Yaohushua Mehushkhay at ng Kanyang Pangalang -- YAOHUSHUA!
You are free, you are delivered, you are whole, and you are
blessed now and forever!
Al Shuam Ul Malkhiul Yaohushua Mehushkhay, amnao!
Kung mayroon po kayong anomang uri ng pangangailangan,
espiritwal man o materyal, o kaya'y kailangan ninyo ng
walang bayad na babasahin, lalo na ng Bibliang Tagalog o
kaya'y Hebreo, makipag-ugnay lamang po sa amin direkta o
kaya'y sa pamamagitan ng inyong mga Bokir Shuaney o Alalay
na Nangangalaga. Lumiham po kayo o kaya'y tumawag sa
telepono, anoman po ang inyong pangangailangan, handa po
kaming tumulong, bilang aming paglilingkod sa YAOHU UL
ABUHEE, ang ating Ama. Huwag po kayong mahihiya. Bukas po
ang aming puso't palad sa pagtulong sa inyo, bilang mga
alipin ng Malkhiul Yaohushua Mehushkhay sa Kanyang katawan,
ang Oholyao Malkhiul Yaohushua Mehushkhay.
Nawa'y ang pagpapala ng YAOHU UL ay sumainyo lagi; Nawa'y
ang Kanyang mukha ay laging ibaling sa inyo upang kayo'y
pangalagaan; Nawa'y kayo'y palagiang puspusin ng kapayapaan,
biyaya, kalusugan at walang hanggang pag-ibig at kagalakan,
ngayon at magpakailanman; Haolal YAOHU UL Shualeym, UL
Nadab, UL Khanyao-am!
Al Shuam Ul Malkhiul Yaohushua Mehushkhay, amnao!
Shualeym po!
Contact Now!
"OHOL YAOHUSHUA"
P. O. BOX 1482,
JERUSALEM, ISRAEL 91014
CompuServe E-mail Address: YAOHUSHUA 100274,225
Internet: yaohushua<10027...@compuserve.com
"Walang ibang pangalan ang ibinigay sa silong ng langit
upang ikaligtas ng tao liban sa nag-iisang Pangalang --
YAOHUSHUA!" Mga Gawa 4:12
"Sa Pangalang YAOHUSHUA, ang lahat ng tuhod sa langit, sa
lupa at sa ilalim ng lupa, ay luluhod at lahat ng dila ay
magsasabing ang Malkhiul Yaohushua ang Pinunong dapat tupdin
ng lahat, sa ikaluluwalhati ng YAOHU UL GAVOHA (ang
Pinakamataas) sa langit!" Filipos 2:10
YAOHUSHUA -- ang iisang pag-asa sa buong daigdig!
=== End Of File ===
--
uzgav orulyao