Comments
Sayaw rito, sayaw roon
Ni Luis Marasigan, kabayaonline Hulyo 03
Sadyang mayaman ang kultura na kinagisnan ng mga Pilipino. Hanggang ngayon nga
ay patuloy pa ring ipinagmamalaki at pinauunlad ang mga sayaw na umabot na ng
sandatang taon. Tunghayan natin ang ilan sa mga inyo na nagpaindak at nagpasaya
sa mamamayang Pilipino.
Habanera:
Isang sayaw na pangkasal para sa handaan na nagsimula sa bayan ng Botolan sa
lalawigan ng Zambales. Ang karaniwang mga pagkakasunud-sunod ng mga tauhan ay
kasama ang hanay ng mga magulang ng mga ikakasal na babae at lalaki, pila ng
mga abay na babae at lalaki sa entablado, at isang solo na itinatampok ang
ikakasal.
Imunan:
Isang sayaw ng ligawan na sinimulan ng mga Ilocano. Isang magandang babae ang
papasok sa sayawan para mamasyal isang hapon kasama ang kanyang mga manliligaw.
Sa katapusan ng sayaw, ang kaibig-ibig at kaakit-akit na mahinhing dalaga ay
hindi pa nakapamili ng sinuman sa kanyang mga manliligaw.
La Jota:
Ang La Jota ay binubuo ng sari-saring uri ng mga sayaw na naimpluwensyahan ng
mga Kastila at sinamahan ng paggamit ng mga kawayang kastanyetas, magkahiwalay
na hinahawakan at hindi magkatali. Maraming uri ng La Jota sa Pilipinas na ang
mga pangalan ay kinuha mula sa kanilang mga lugar na pinanggalingan. Ang isang
pangkaraniwang pagkakasunud-sunod ay ang isang mabilis at masiglang tula,
kasunod ang isang mabagal na kakabit, at nagtatapos ng isang tula sa masiglang
bilis tulad noong simula.
Jota Española:
Ang pinakamahalagang bahagi sa sayaw na ito ay ang mga kastanyetas at ang mga
tamburin.
Jota Gumaqueña:
Ang sayaw na ito'y dating sikat na sikat sa mga mayayamang pamilya ng Gumaca,
Tayabas (ngayon ay Quezon). Si Señor Herminigildo Omana, isang
kilalang-kilalang lokal na musikero noong panahong iyon, ay ang siyang
nagsimula ng sayaw na ito. Naging sikat ito sa mga kabataan at ipinamana sa mga
salinlahi.
Jota Manileña (Manila) :
Nagsimula ang sayaw na ito sa kapital na lunsod ng Maynila noong mga ika-19 na
siglo.
Jota Moncadeña (Moncada, Tarlac) :
Isang sayaw na pinaghalong mga hakbang at musika ng Kastila at Ilokanong sayaw.
Jota Pangasinana (lalawigan ng Pangasinan) (pahng-gah-seeh-NAH-nah):
Isang sayaw na nagpapakita ng karangyaan ng pumapadyak na mga paa at nagtatapos
sa pagsigaw ng Ole!
Jota de Paragua (Cuyo, Palawan):
Isang sayaw na nagpapakita ng impluwensya ng Kastila sa pamamagitan ng
Zapateados (galaw ng mga paa), Labrados (galaw ng mga bisig), at damit na
estilong Sevillana. Iwinawagayway ng mga babaing mahinhin ang kanilang mga
manton, o panggayak na mga balabal, samantalang ang mga maginoo naman ay
sumasabay sa bilis ng hakbang at may mga kastanyetas na kawayan.
Jovencita:
Isang sayaw na naglalarawan ng debu o pati ng kasal ng isang babae. Ang
kasamang awit na nagsasalaysay ng pag-ibig ay isinulat ng Maestro Nitoy
Gonzales noong nililigawan niya si Jovita Frieste, na siya namang nag-ayos ng
magandang sayaw na habanera na may kaakit-akit na kilos na kasama niyon. Ang
ibig sabihin ng salitang Kastilang Javencita ay "batang babaing mahinhin."
Lanceros de Negros:
Noong panahon ng Kastila sa Pilipinas, ang sayaw na ito'y isa sa sikat na
kasiya-siyang sayaw para sa apat na magkatambal. Ito'y katulad sa maringal na
Rigodon de Honor at sinasayaw sa mga mahahalagang sosyal na pangyayari upang
pormal na buksan ang isang malaking sayawan. Ang isang bersyon mula sa Silay,
Negros Occidental ay ginanap sa isang pahabang pagsasaayos.
Mazurka Boholana:
Ito'y isang sikat na sayaw sa mga baylihan sa Bohol at sa iba pang mga
lalawigan noong mga panahon ng Kastila.
Panderetas (pahn-deh-REH-tahs):
Ang sayaw na ito, pinangalanan alinsunod sa mga walang kalansing na tamburing
dala-dala ng mga babae, ay nanggaling mula sa Tanza, Iloilo. Mula ika-16 ng
Disyembre hanggang ika-6 ng Enero, isang grupo ng mga tao sa panig ng Visayas
ay magbabahay-bahay upang awitin ang Pamaskong tinatawag na "Daigon." Sa ilang
mga lugar, ang awit ay karaniwang sinusundan ng ilang mga sayaw, at ang isa sa
mga sayaw na ito'y ang Las Panderetas.
Paseo de Iloilo :
Ang sayaw na ito'y kilala rin sa pangalang "andaluz" Andaluz. Paso Doble Ang
ibig sabihin ng Paso Doble ay "dalawang hakbang." Sa katunayan, ang pangalang
ito'y mali, dahil ito'y isang pangkaraniwang hakbang lamang ng paglalakad o
pagmamartsa, na tinatawag na "isang-hakbang." Tinutukoy ng pangalang ito ang
masiglang musikang pangmartsa na tinutugtog bilang "background music" sa mga
huwego-de-toro at mga pista sa buong Espanya.
Polkabal:
Isang sayaw na naimpluwensyahan ng dalawang natatanging estilo mula sa Europa:
polka at valse.
Putritos :
Isang pangpiyetsang sayaw mula sa Atimonan, Tayabas (ngayon ay lalawigan ng
Quezon), na itinatampok ang makiri at mapaglarong kaugnayan ng magkatambal.
Ito'y sinasayaw sa magkasalit na mabagal at mabilis na indayog ng balse at
nagtatapos sa isang masiglang pag-ikot ng babae.
Rigodon de Honor:
Ang maringal na sayaw na ito'y dinala rito sa Pilipinas ng mga Pilipinong
bumalik mula sa kanilang paglalakbay sa ibang bansa noong panahon ng Kastila.
Kinuha ang pangalan ng sayaw na ito mula sa pagbubukas ng mga pagtatanghal sa
pormal na mga pangyayari tulad ng Pampasinayang Sayawan ng Pangulo. Ang mga
kasapi ng pamahalaan, kasama ang Pangulo at ang Unang Ginang, mga diplomatikong
grupo, at iba pang mga opisyal ng estado ay karaniwang nakikilahok sa Rigodon.
Kinaugaliang susundan ang Rigodon ng sayawan ng balse o waltz.
Sabalan Lulay :
Ang sayaw na "Lulay," tulad ng kuratsa, jota, pandango, at polka, ay
isinasagawa sa maraming bahagi ng Pilipinas. Ang sayaw na ito'y nagmula sa
baryo ng Malamig sa bayan ng Goria, Oriental Mindoro. Ito'y bahagi ng seremonya
ng kasal na may apat na bahagi: sabalan, pamalaye, sabog at dapit. Ang sayaw ay
nagsisimula sa pagsayaw ng maginoong sa paligid ng kanyang katambal na babae na
sa wakas ay susuko sa pakikipagsayaw sa lalake.
Saguin-Saguin :
Mula sa Bicol, dumating ang sayaw ng panliligaw na ito, na nagsasalaysay ng
kuwento tungkol sa isang may-ari ng isang tableriyang nagbigay ng isang sayawan
para sa kanyang mga trabahador. Ang isang babaing kamag-anak ng isa sa mga
trabahador ay inialok sa may-ari bilang kanyang kapareha sa sayaw. Magiliw
naman niyang sinayaw ang babae, at sa katapusan ay hinarana pa siya ng lalake.
Timawa :
Ang ibig sabihin ng Timawa ay "tinalikurang manliligaw." Ang Timawa ay isang
sayaw na panliligaw, karaniwang ginaganap ng mga babae, at nagsimula ito sa
Lamot, isang baryo sa Capiz. Sinasalaysay sa kuwento na may isang babae at
isang lalaki na kapwa timawas, na nagkatagpo sa isang sosyal na pagtitipon at
nagkakilala. Sa kanilang pag-uusap, natuklasan nilang kapwa sila nagkaroon ng
kasawiang-palad, at kaya, bumaling sa kapwa ang isa't isa para makamit ang
pagkakaisa ng damdamin at kaaliwan.