Paghahanda para sa Kalamidad (Bagyo)
Bago Dumating ang Bagyo
• Mag-imbak ng sapat na inumin at pagkain. Makabubuti kung ang pagkain ay hindi na kailangang lutuin gaya ng tinapay, sardinas, prutas.
• Maghanda ng mga gamot at pang pangunang lunas (first aid). Ilagay sa isang supot na hindi mababasa. Bukod sa mga pang-maintenance na gamot, maglagay din ng band-aid, alcohol, antibiotics at mga gamot sa panglagnat, sipon at sa pagtatae.
• Maghanda rin ng mga kandila, posporo, flashlight, radyong de baterya at baterya.
• Kung mayroon kayong emergency lights, i-full charge ang mga ito.
• I-charge na rin ang mga cellphone.
• Suriin ang inyong bahay at kumpunihin ang mga mahihinang bahagi.
• Putulin ang mga sanga ng punong kahoy na delikadong bumagsak.
• Itali ang mga kasangkapan na maaaring bumagsak gaya ng aparador. Maari ring ibaba ang mga salamin sa dingding at mga pigurang pampalamuti.
• Alamin kung saan ang evacuation center. Alamin din ang mga mga emergency signals na napagkasunduan sa inyong komunidad.
• Makinig ng balita at alamin ang mga bagong babala tungkol sa bagyo.
• Anihin na ang mga tanim na maaaring anihin.
• Isilong ang mga alagang hayop.
• Para sa mga nakatira sa mabababang lugar o madaling ma-landslide, lumikas sa mas ligtas na lugar.
Habang Dumadaan ang Bagyo
• Manatili sa loob ng bahay.
• Makinig ng balita at alamin ang mga bagong babala tungkol sa bagyo.
• Kung maubusan ng malinis na tubig, pakuluin ang tubig nang hindi kukulangin sa 20 minuto.
• Bantayan ang mga nakasinding kandila at lampara. Patayin ang mga ito bago matulog.
• Huwag lumusong sa baha. Baka makuryente o makasagap ng sakit.
Sa Paglikas (Evacuate)
• Patayin ang main power switch.
• Ipatong sa mataas na lugar ang mga importanteng papeles.
• Magdala ng damit, pagkain, inumin at gamot. Ilulan sa isang maliit na bag.
• Magdala rin ng kaunting pera.
• Isara ang mga bintana at pintuan ng bahay.
• Lumikas ng mahinahon.
• Iwasan ang mga daan patungo sa mga ilog o anumang daluyan ng tubig.
Pagkatapos ng Bagyo
• Siguraduhing ligtas at hindi babagsak ang inyong bahay bago pumasok.
• Mag-ingat sa mga mapanganib na hayop gaya ng ahas na maaaring sumilong sa inyong bahay.
• Mag-ingat sa mga kawad ng kuryente na maaring nababad sa tubig.
• Ipag-bigay alam sa kinauukulan ang mga natumbang poste ng kuryente.
• Sa paglilinis ng bahay, huwag hayaang magpondo ang tubig sa mga lumang gulong, lata ng sardinas atb. Dito maaaring mangitlog ang mga lamok na maaaring magdala ng sakit.
• Siguraduhing maghugas ng maayos pagkatapos lumusong sa baha.
Sources:
abs-cbnNEWS.com (Prepare yourself for a typhoon) posted 06/08/2010
Citizens’ Disaster Response Center Brochure