PASAWAY at MANANAKAY

1,266 views
Skip to first unread message

MatyagWika

unread,
Mar 2, 2005, 8:21:51 PM3/2/05
to Sawi...@googlegroups.com
Hindi ko alam kung puwedeng isama ang mga ito sa paghanap natin ng
Salita ng Taon 2005. Pero hindi ko talaga matanggap na ang "pasayaw" ay
maging pangngalan o pang-uri, gaya ng "Siya ay isang pasaway." o "Isa
siyang batang pasaway." Tama ba ang gamit nitong naririnig natin sa tv
at radyo?

Sa kaso ng "mananakay", madalas ko itong marinig sa interview sa bosing
ng LTFRB ba si Bautista, na ang ibig niyang sabihin ay "commuter". Ayaw
siguro niya ang "pasahero" dahil "pasenger" ito at ang nasa isip niya
iyong mga taong nagko-commute o sumamasakay ng mga pampublikong
sasakyan. A, ewan, naaalibadbaran lang ako sa salin ni Bautista.

Virgilio Almario

unread,
Mar 5, 2005, 1:07:59 AM3/5/05
to Sawi...@googlegroups.com
Mahirap talaga mapigil ang bagong salitang kumakalat sa pamamagitan ng mass media. At talagang nakaiinis kapag  nakikita mong medyo bunga ng padalos-dalos na paggamit ng wika.Gaya nga ng "pasaway" na kalat na kalat ngayon at sa gamit na ibang-iba sa orihinal na kahulugan ng "saway" sa Tagalog. Sa tesauro ni Panganiban (1972), nangangahulugan ito ng pagpigil o pagbawal. Ngunit sa gamit ngayon ng "pasaway" ay lumilitaw na ang tinutukoy ay isang tao na ayaw papigil o ayaw pabawal. Sa maikling salita, matigas ang ulo o kaya'y totoong suwail. Hindi ako magtataka kung lumitaw pa itong salita ng taong 2005.
 
Tungkol sa "mananakay," wala akong nakikitang kontrobersiyal sa likhang ito ni Bautista. Maaaring medyo nakagugulat dahil bago sa tainga. Ngunit matalino ang pagkatapat sa "commuter." Gayunman, para lamang din itong "pasahero" dahil hindi nakukuha ang kabuuang kahulugan ng "commuter" mula sa taong regular na nagbibiyahe paalis at pabalik sa bahay at opisina kaya gumagamit ng "commutation ticket" para makatipid sa pasahe. May maimumungkahi ka bang ibang pantapat sa "commuter"?

MatyagWika <perfect...@gmail.com> wrote:


Celebrate Yahoo!'s 10th Birthday!
Yahoo! Netrospective: 100 Moments of the Web

MatyagWika

unread,
Mar 5, 2005, 8:09:25 PM3/5/05
to Sawi...@googlegroups.com
Isang posibleng salin ng "commuter" ay "namamasahe" sa halip na
mananakay (na puwedeng nabulol na "mananalakay" o pinaikling
"mansasakay"?). Sa salitang ito, ang diin ay nasa "pamasahe" na siya
naman talagang diwa ng pagko-commute, at hindi sa "pagsakay" na
maaaring hindi nagbabayad ng pasahe. Isa pa, napupuntirya nito ang
talagang isyu sa transportasyong pampubliko ngayon: ang patuloy na
pagtaas ng ating pamasahe. Napakanatural at napakadaling intindihan,
maging ng mga tulad ni Bautista, ang salitang "namamasahe."

vim nadera

unread,
Jul 3, 2005, 3:34:13 AM7/3/05
to Sawi...@googlegroups.com
SHOWBIZ LENGUA
Jose F. Lacaba



Punk-tuation



The recent Sandara Park-Hero Angeles teamup, Can This
Be Love,
reportedly broke box-office records. It also broke one
other thing:
the rules of punctuation.

I will grant that declarative sentences used as movie
titles--Love Is
a Many Splendored Thing and Earth Girls Are Easy and
Hihintayin Kita
sa Langit--do not end with periods.

But when the titles are exclamatory or interrogative
sentences, they
normally end in exclamation points or question marks:
Go, Johnny, Go!
and Whatever Happened to Baby Jane? and Can Hieronymus
Merkin Ever
Forget Mercy Humppe and Find True Happiness?

Locally, you have Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?
and and
Hanggang Kailan Ako Papatay para Mabuhay? and O-Ha!
Ako Pa?

So how come Can This Be Love does not culminate in a
tandang pananong?

One reason may be that the movie title is also the
title of its theme
song--and songwriters are notorious punctuation
exterminators. Most
of them do away with end-marks altogether, expecting
line breaks to
perform the functions normally assigned to punctuation
marks. In
fact, the rock band Van Halen has a song called "Why
Can't This Be
Love" (no question mark, either).

Another reason is that "cruelty to punctuation"--to
expropriate a
term used by Lynne Truss in her runaway British
bestseller Eats,
Shoots & Leaves: The Zero Tolerance Approach to
Punctuation (Gotham
Books, 2003)--seems to be widespread.

"Everywhere one looks," Truss groans, "there are signs
of ignorance
and indifference." In the very beginning of her book
she cites a
showbiz example, the film Two Weeks Notice:
"Guaranteed to give
sticklers a very nasty turn, that was--in posters
slung along the
sides of buses in letters four feet tall, with no
apostrophe in
sight... If it were 'one month's notice' there would
be an apostrophe
(I reasoned); yes, and if it were 'one week's notice'
there would be
an apostrophe. Therefore 'two weeks' notice' requires
an apostrophe!"

In these parts, on the other hand, we put in
apostrophes where
they're no longer necessary. We continue to write 'til
although till
has been standard English since the 12th century. And
we write 'di,
'pag, and 'pagkat--admittedly contractions of hindi,
kapag, and
sapagkat--although the apostrophe-less di, pag, and
pagkat have been
recognized as words in themselves and used by
reputable Filipino
writers for nearly a century.

Worse, computers automatically convert an apostrophe
that comes at
the beginning of a word (curving outward) into an open
single
quotation mark (curving inward), as in Iba ang kilig
'pag kapuso. But
worst of all, we don't even know the difference
between an open
single quotation mark and an apostrophe! O, di ba?

YES!
2005 July


[Non-text portions of this message have been removed]

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages