Salita ng Taon (Retorika) | Feb 15, '11 2:45 AM for everyone |
Panuto:
Pumasok na ang taong 2011. Pumili ng isang salita na sa iyong palagay ay dapat tanghaling SALITA NG TAON 2011 dahil sa nakikita mong ito ay may mahalagang gagampanan sa ating pagka-Pilipino o sa ating paghahangad para sa isang maunlad na Pilipinas.
Saliksikin ang kasaysayan ng salitang napili. Alamin ang pinagmulan nito at ang taglay nitong kahulugan. Paano nabago o binago ang ispeling nito? Ibigay ang mga pagbabagong naganap sa kahulugan ng salitang napili.
Magbigay ng mga patunay ng paggamit ng sambayanan sa napiling salita. Halimbawa sa larangan ng edukasyon, kulturang popular, politika/pamahalaan, showbiz, at iba pa.
Saan-saan maiuugnay o ginagamit ang salitang napili? Bakit kaya ito nangyayari? Anong mga pangyayari sa lipunan ang makapagpapaliwanag nito?
Mahalagang magsaliksik ukol sa kasaysayan ng salita.
Sumangguni sa iba't ibang sources at di lamang sa google o wikipedia.
Magbigay ng salitang pamagat. Magandang panimula. Malalim na pananalisik. At nakahihikayat na pangwakas.
FORMAT
TNR o Arial
12 font size
2-3 pahina
2 espasyo
lagyan ng pahina sa ibabang kanang bahagi ng papel
Ang pasahan ng papel ay sa ika-18 ng Pebrero 2011 ngunit kailangang maipaskil na ito sa inyong blog sa ika-17 ng Pebrero. Gamiting pamagat ang mismong salita, halimbawa: JEJEMON (Apelyido, Pangalan, M.I.) Inaasahan ang pagsunod ng lahat sa aking ibinigay na panuto.
Salamat!
Genaro R. Gojo Cruz