BEC 13 WEEKS SEMINAR. Pormal na binuksan ng ating Kura Paroko Fr. Lito Jopson ang BEC 13 Weeks Seminar para sa mga mamumuno sa 72 kawan at 17 pamayanan ng ating Parokya noong ika-10 ng Julyo 2010. Hangad na matapos ang programang ito sa Oktubre 2010.
NI FR. LITO JOPSON
Sa kasalukuyang panahon mahalaga pa ba ang pagiging Simbahan? Ang pangangailan ng mga tao ay tunay. Ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin at kawalan ng trabaho at pagkakakitaan ang karaniwang mga hadlang upang ang tao’y maging aktibo sa Simbahan.
Ngunit habang napapalayo tayo sa Simbahan lalo lamang tayo nagkakaroon ng mga problema. Ang buhay na hindi nakatauon sa Panginoon ay nagdudulot ng mas matitinding mga problema tulad ng bisyo, korupsyon at kawalan ng respeto sa kapwa tao na hindi malulutas ng pera lamang.
Sadyang mahalaga ang papel ng pagi-ging Simbahan sa ating buhay. Sa pamamagitan ng WORSHIP o PAGSAMBA, sumisidhi ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga sakramento tulad ng Banal na Eukaristiya, Pagpapatawad at Sakramento ng Kasal. Mahalaga na tayo’y aktibong lumahok sa misa bilang mga MAMBABASA, ACOLYTE, U-SHERS, KORO, MBG, o EXTRAORDINARY MINISTER NG BANAL NA KOMUNYON.
Mahalaga ang patuloy na EDUKASYONG KATESISMO upang mahubog ang ating pananaw sa buhay batay sa buhay na Salita ng Diyos at turo ng Simbahan at kung paano mamumuhay ng moral sa mundong ito. Lahat ay tinatawag upang ipahayag ang Mabu-ting Balita ng kaligtasan.
Sa pamamagitan ng SOCIAL SERVICES AND DEVELOPMENT, pinaaalalahanan tayo na hindi lamang pamilya ang kailangang mabuhay kundi ang mas malaking pamilya ng Diyos at tulungan natin ang ating kapwang naghihirap.
Mayroon ding mga espesyal na mi-nisterio upang pangalagaan ang FA-MILY AND LIFE, YOUTH, MEDIA AT PUBLIC AFFAIRS, ECOLOGY, at iba pa na makatutugon sa hamon ng bagong panahon.
Kung maglalaan tayo ng panahon, ta-lento at kayamanan sa mga gawaing ito, tiyak na tayo’y pagpapalain ng Diyos!
GET YOUR LATEST BULLETIN HERE!
--
Posted By Santo Rosario de Pasig to
Santo Rosario de Pasig at 7/23/2010 01:15:00 AM