KUNIN ANG LATEST BULLETIN DITO!
Saad ng Santo Papa Benedicto XVI sa kanyang mensahe para sa Kwaresma: “Isang kaugnayan ang nagbubuklod sa Binyag sa Kwaresma upang maranasan natin ang mapagligtas na biyaya.”
Ayon sa Santo Papa, “Ang Sakramento ng binyag na ginaganap sa simula nang ang tao’y namatay sa kasalanan upang maging kabahagi ng bagong buhay kay Kristo ay nakatatanggap ng Spiritu ng Diyos na siyang bumuhay sa kanya.”
Patuloy pa ng Santo Papa: “Ang malayang biyayang ito nawa’y mabuhay sa atin; ang Kwaresma ay nagiging isang daan tulad ng sa isang Catechumen sa kasayasayan ng Simbahan na hindi maipagpapalit na paaralan ng pananamplataya at Kristiyanong Pamumuhay. Nag-iiba ang pananaw ng mga Kristiyanong nabibinyagan na nahuhubog ang kanilang buong buhay.”
“Upang maisakatuparan natin ang ating paglalakbay nang maayos patungong Muling Pagkabuhay, kailangan nating hayaan ang ating sarili na magabayan ng Salita ng Diyos. Ang mga pagbasa sa bawat linggo ay nagdadala sa atin sa mas matinding pagmumulat sa ating Panginoon, na natatawag sa ating balikan ang daan ng Kristiyano binyag, sa paghahanda sa pagtanggap ng sakramento ng pagsilang na muli sa mundo; at para sa mga nabingayan na, ang liwanag ng bago at tiyak na daan sa sequela Christi at ang ang ganap na pagbibigay ng sarli sa kanya.”
Prayer Hour against RH bill
Tinatawag po ang lahat ng Arsobispo ng Maynila Gaudencio Cardinal Rosales upang manindigan laban sa RH bill sa ika-25 ng Marso, sa kapistahan ng Pagpapahayag kay Maria (Annunciation).
Dahil sa nakikitang direktang pag-atake ng RH bill sa “pinahahalagahang kultura ng buhay, inaayanyayahan ng kanyang Kabunyian ang lahat ng nagpapahalaga sa pamilya at buhay sa isang “Prayer Hour” sa Quirino Grandstand. Sisimulan ito ng banal na misa sa ika-4:30 ng hapon.
--
Posted By Santo Rosario de Pasig to
Santo Rosario de Pasig at 3/22/2011 07:06:00 PM