Get your
latest bulletin here!
Bilang isang parokyang nakatalaga sa pangangalaga ng mahal na Birheng Maria, nararapat lamang na bigyan natin ng natatanging parangal ang ating mahal na Ina sa kanyang kaarawan nitong ika-8 ng Setyembre. Hinuhubog tayo ni Maria bilang buhay na Simbahan o bayan ng Diyos.
Isinilang sa Herusalem, si Maria’y inihain sa templo. Ayon sa Tradisyon, inakap niya ang pagka-Birheng panghabang panahon. Nakatira sa Nazaret, binisita siya ni Arkanghel Gabriel na ipinamalita na siya’y magiging ina ni Hesus sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Pumayag si Maria na maging Alipin ng Panginoon. Samakatuwid, ang kanyang kapanganakan ay kaugnay sa kapanganakan ni Hesus, ang “bukangliwayway ng Kaligtasan.”
Sa pagdiriwang natin ng kapangakan ni Maria, tayong mga Kristyano sa bawat salinlahi ay naghahangad na isilang si Kristo at ating buhay tulad ni Maria.
Kaya naman noong nagpulong ang mga kawan at pamayanan ng ating parokya, nabuo ang pananaw na nawa’y “ang Parokya ng Santo Rosario ay maging kabuuan ng mga pamilyang hinuhubog ng Diyos, magkakapit - bisig at masayang naglilingkod tungo sa buhay na ganap sa patnubay ni Maria, ang birhen ng Santo Rosario.” Maligayang bati, Maria! - Fr. Lito Jopson
--
Posted By Santo Rosario de Pasig to
Santo Rosario de Pasig at 9/09/2010 05:33:00 PM