[Santo Rosario de Pasig] Pagsulong ng SRP, Ipatutupad na!

2 views
Skip to first unread message

Santo Rosario de Pasig

unread,
Jan 16, 2010, 9:06:09 AM1/16/10
to santorosa...@googlegroups.com
VIVA, KAY SENOR SANTO NINO! Gayun na lamang nag pagtangi ng mga Pilipino sa batang si Hesus kaya naman laganap ang debosyon kay Santo Nino. Ipagdiriwang ito sa Parokya ng Sto. Rosario de Pasig sa pamamagitan ng prusisyon at Bambino Festival sa lungsod ng Pasig nitong linggo, ika-17 ng Enero.


ni Fr. Lito Jopson, Kura Paroko

Mga ginigiliw kong mga ka-Parokya,
Kapayapaan!
Sa pamamagitan ng Parish Bulletin na ito, maipaabot ko man lamang sa inyo ang taos-pusong pasasalamat simula pa ng aking paglilingkod sa ating Parokya ng Santo Rosario de Pasig.
Mula sa Canon Law ng Simbahan, malinaw po ang aking tungkulin bilang Kura Paroko: “Ang kura paroko ay nararapat na pastol ng parokyang ipinagkatiwala sa kanya. Ginagampanan niya ang pastoral na pangangalaga sa komunidad na pinagkatiwala sa kaya sa ilalim ng kapangyarihan ng Obispo, na kung kanino ang ministerio ni Kristo ay tinawag upang kanyang ibahagi, upang sa komunidad, maipatupad niya ang tungkulin ng pagtuturo, pagpapabanal, at pamumuno sa pakikipagtulungan ng ibang mga pari o diyakono, at sa tulong ng mga laiko na miyembro ng mga mananampalataya ni Kristo, ayon sa batas.” (Canon 519)
Samahan niyo po ako sa panalangin na magampanan kong nararapat ang tungku-ling iniatang sa akin ng Panginoon. Hinahangad ko na sa pamamagitan ng pagli-lingkod na ito, magkaroon ang bawat isa ng matibay na pananampalataya, tumatalima sa kalooban ng Diyos, at nagbibigay ng buhay sa mga komunidad sa pamamagitan ng BEC, tungo sa pagkakaisa ng mga pamilya, kasiglahan ng mga kabataan, at pag-angat ng antas ng kabuhayan ng ating mga kapwang nangangailangan ng tulong. Magaganap ang lahat ng ito sa pamamagitan ng inyong panalangin at ating sama-samang paggawa. Nawa’y maganap ang kalooban ng Diyos para sa ating pinakamamahal na parokya!

--
Posted By Santo Rosario de Pasig to Santo Rosario de Pasig at 1/16/2010 05:26:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages