[Santo Rosario de Pasig] Katesismo sa Paghahanda para sa Jubilee Year sa Santo Rosario de Pasig, part 1

10 views
Skip to first unread message

Santo Rosario de Pasig

unread,
Sep 1, 2013, 3:37:08 AM9/1/13
to santorosa...@googlegroups.com
Upang maihanda ang mga parishioners at buong Parokya ng Sto. Rosario de Pasig sa nalalapit na Jubilee Year ng Parokya, inihahandog po ang Katesismong ito na magsisilbing liwanag sa bawat pamilya at Kristiyanong Pamayanan (BEC) upang matanggap ang nag-uumapaw na biyayang igagawad ng Inang Simbahan at upang maging instrumento ang bawat pamilyang kinasasakupan ng Parokya at maging daluyan tayong lahat ng biyaya para sa mga bibisita sa ating parokya.

   Ano ba ang nilalaman ng Dikreto ng Santo Papa Francisco ukol sa Jubilee Year?
   Naglabas ng pormal na dikreto ang Santo Papa Francisco na ang Parokya ng Sto. Rosario de Pasig ay maging isa sa mga Pilgrim Churches nitong Year of Faith (makikita po ito sa malaking tarpaulin sa labas ng simbahan) dahil sa nalalapit nitong ika-50 anibersaryo sa pagkakatatag ng Parokya.  Ilan sa mga binanggit sa dikreto ay ang mga sumusunod:
   Una, “In a spirit absolutely free from sinful inclinations…” ibig sabihin, kailangan pong maihanda ang buong parokya sa spiritual na pamamaraan, malaya sa kasalanan at kakulangan sa kaalaman ukol sa Taon ng Biyayang darating.  Iminumungkahi po nating bago dumating ang ika-7 ng Oktubre ay tumanggap po ng sakramento ng kumpisal ang mga parishioners at busugin sa turo at aral ang ibig sabihin ng pagiging isang “Jubilee Church” ang parokya.  Sa pamamagitan ng mga pamayanan at kawan, mailulunsad natin ang mga pagtuturo at pagbibigay ng impormasyon sa lahat ng mga parishioners na sakop ng Parokya.
   Ikalawa, igagawad ang “Papal blessing together with the plenary indulgence …” Ipaliliwanag po natin ang ibig sabihin ng indulhensya sa mga susunod na isyu ng ating parish bulletin.
   Ikatlo, maigagawad din po ang “Plenary indulgence for those who could not physically attend the sacred rites …” Ipaliliwanag din po natin ang mga kondisyon kung paano ito matatanggap ng mga kapatid na hindi makadalo sa Misa ng pagbabasbas dahil sila’y maysakit;
   Ikaapat, tinatawag ang lahat “to be prepared properly by works of piety, penitence, and mercy to increase faith, hope, and charity.”  Tinatawagan po natin ang lahat ng mga ministries sa Pagsamba, Edukasyon, Family and Life, Social Services and Development, Youth, at Media sa pamamagitan ng BEC upang magsilbing tagapagpalalim ng kaalaman ng mga parishioners ukol sa Taon ng Jubileo;
   Ikalima, “Participate in some sacred function …” Igagawad ang Papal Blessing sa oras ng Banal na Misa ng ika-8 ng umaga, ika-7 ng Oktubre na pamumunuan ni Obispo Mylo Hubert Vergara, Obispo ng Pasig;
   Ikaanim, “occupy themselves with pious reflections …” Sa bawat pagbisita sa Simbahan ng Sto. Rosario de Pasig, magnilay at manalangin;
   Ikapito, “conclude with the Lord’s Prayer, Creed, invocation to the Blessed Virgin Mary” bilang ilan sa mga kondisyon ng paggawad ng indulhensya plenarya.  Para naman po sa “partial indulgence, with contrite heart, works of mercy, penitence, or evangelization.”  At huli, “Priests provided with the proper faculties to hear confessions and give Holy Communion to the sick.”  
   Inaanyayahan po ang lahat ng aktibong miyembro ng Simbahang lumahok sa pagpapalalim ng kaalaamang ito ng Jubileo sa ating mga kapitbahayan.

--
Posted By Santo Rosario de Pasig to Santo Rosario de Pasig at 9/01/2013 12:37:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages