Kunin ang latest bulletin dito
Sa wakas, mayroon na po tayong sama-samang pangarap para sa ating pinakamamahal na Parokya ng Sto. Rosario.
Ang Vision, Mission, at Goals ay nabuo sa Pulong Pamparokyang naganap sa St. Michael Retreat House na nilahukan ng 85 na mga delegato mula sa mga pamayanan, ministries, at organisasyon na binubuo ng Parokya kasama ang inyong lingkod bilang Kura Paroko ng Sto. Rosario de Pasig. Ang nagsilbing facilitator ay Macario Jusayan ng Philippine Partnership for the Development of Human Resources in Rural Areas.
Ang planong ito ang mgsisilbing gabay sa sama-samang paggalaw, buhay, at pag-unlad ng Parokya sa loob ng 5 taon. Ito ay ang mga sumusunod:
PANGARAP PARA SA PAROKYA
Kami na bumubuo ng parokya ng Sto. Rosario de Pasig, taglay ang buong pananalig sa Diyos, ay masayang naglilingkod bilang nagkakaisang pamilya tungo sa kaganapan ng buhay sa patnubay ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario.
ANG AMING MISYON
“Upang maisakatuparan ang aming minimithing pangarap, itinatalaga namin ang aming sarili sa isang kabuuang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain:
1. Patatagin ang pananalig ng bawat pamilya sa pamamagitan ng patuloy na paghuhubog sa kristiyanong pamumuhay.
2. Patuloy na palaguin at palalimin ang kaalaman sa pananampalataya.
3. Palakasin at palawakin ang mga Munting Kapitbahayang Kristiyano sa bawat pamayanan.
4. Pasiglahin ang pakikilahok sa gawain ng parokya na tumutugon sa pangangailangan ng bawat pamayanan.
Sa loob ng tatlong taon hangad naming:
1. Magkaroon ng Family Encounter isang beses sa isang taon;
2. Itaas ang bilang ng mga lumalahok ng 50% sa Sangpusong ginagawa tuwing ikaapat na buwan;
3. Magkaroon ng M.E. Seminar 2 beses sa isang taon.
4. Palahukin ang 100% ng mga magulang ng mga kabataang lumahok sa Kristo.net sa paghubog ng mga kabataan;
5. Makapagbigay ng 4 na beses sa isang taon na orientation/seminar patungkol sa RH Bill;
6. Magturo ng natural na pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya 4 na beses sa bawat taon sa 20 mag-asawahan sa 4 na pamayanan;
7. Makapagpakasal ng 5 nagsasamang lalake’t babae kada-buwan.
8. Turuan ng katesismo ang lahat ng mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralang pang-elementarya at pang-sekondarya;
9. Magkaroon ng dalawang spiritual formation bawat taon para sa 75% ng mga manggagawa ng parokya;
10. Madagdagan ang bilang ng kawan by 10% sa bawat pamayanan taun-taon;
11. Maglunsad ng 2 pagsasanay 3 beses sa isang taon sa paggawa ng sabon, pabango at basahan para sa 30 kababaihan at 30 kalalakihan sa parokya;
12. Ibaba sa bawat pamayanan ang programang SSDM;
13. Magsagawa ng medical at dental mission sa 1 pamayanan sa bawat buwan;
14. Makilahok sa job fair ng pamahalaan 2 beses sa bawat taon, para sa 300 na walang trabaho sa ating parokya.
--
Posted By Santo Rosario de Pasig to
Santo Rosario de Pasig at 3/05/2011 12:19:00 AM