EMHC PARA SA 2010. Itinalaga ang mga bago at muling nanumpang mga miyembro ng Extraordinary Ministers of Holy Communion o EMHC noong ika-30 ng Mayo 2010, ika-9:30 n.u. sa banal na misang pinamunuan ni Fr. Lito Jopson, kura paroko ng Sto. Rosario Parish. May mga 87 miyembro ayon kay Bro. Narse Viray, coordinator ng nasabing grupo. Cristy Evidente
NI FR. LITO JOPSON
Sa pagtatapos ng Taon ng mga Pari nitong kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus, nilinaw ng Santo Papa Benito XVI na ang pamumuno ng mga pari ay sa pagli-lingkod para sa kabutihan ng tao at sa kaligtasan kay Kristo.
Sa kanyang homiliya na binigay noong ika-26 ng Mayo sa St. Peter’s Square, pinaalalahanan ng Santo Papa ang mga pari na intambal ang kanilang pamumuno sa kanilang katapatan sa ministerio at ganap na pagtalima sa pamumuno ni Kristo.
Hiniling din ng Santo Papa na ipagdasal siya sa kanyang pastoral na ministerio para sa pagiging mabunga sa gawaing kaligtasan.
Sa Diyosesis ng Pasig, nanawagan ang Obispo Francisco C. San Diego na magdaos ang mga parokya ng siyam na araw ng nobenaryo mula ika-2 hanggang ika-10 ng Hunyo para sa Dakilang Kapistahan ng Banal na Puso ni Hesus na magaganap sa ika-11 ng Hunyo.
Ang mga tema ng misa ay mga sumusunod: Hunyo 2 – para sa lider ng Simbahan: ang Santo Papa at mga Obispo; Hunyo 3 – para sa katapatan ng mga pari sa kanilang mga pangako at mi-nisterio; Hunyo 4 – para sa mga paring nabibigay ng paghubog o “formation”; Hunyo 5 – para sa mga paring naglilingkod sa mga pagamutan at piitan; Hunyo 6 – para sa mga paring naglilingkod sa pandaigdigang misyon; Hunyo 7 – para sa mga paring may krisis at yaong nagdurusa; Hunyo 8 – para sa mga paring matatanda o “retired”; Hunyo 9 – para sa mga parang maysakit at/o nasa bi-ngit ng kamatayan; Hunyo 10 – para sa mga paring lumisan na.
Magkakaroon po ng Banal na misa sa Katedral ng Imakulada Konsepsyon sa ika-11 ng Hunyo sa ganap na ika-5 ng hapon na pamumunuan ni Obispo San Diego. Inaanyayahan ang lahat lalo na ang Parish Pastoral Council na dumalo sa misang ito bilang pakikiisa nila sa mga kaparian ng Diyosesis.
Sa ating parokya magaganap ang mga misa-nobenaryo sa ganap na ika-6 ng gabi hanggang sa Dakilang Kapistahan ng Banal na Puso ni Hesus nitong ika-11 ng Hunyo.
--
Posted By Santo Rosario de Pasig to
Santo Rosario de Pasig at 6/05/2010 04:46:00 PM