[Santo Rosario de Pasig] Hamon ng Bagong Taon

6 views
Skip to first unread message

Santo Rosario de Pasig

unread,
Jan 1, 2011, 4:38:51 AM1/1/11
to santorosa...@googlegroups.com
Idownload ang latest bulletin






ni Fr. Lito Jopson, Kura Paroko

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

   Sa nalalapit na Parish Planning sa Enero 2011, tinatawag po natin ang mga pamunuan ng mga organisasyon, ministries, mga pamayanan at kawan upang magpulong at pagnilayan ang mga sumununod na katanungan, magbahaginan ang bumuo ng sama-samang tugon sa mga resulta ng survey na inilahad noong nakaraang bulletin:
    1. Sa inyong palagay, gaano katotoo ang resulta ng Parish Survey ng SSDM noong 2009?  Ano sa mga ito ang naglalarawan ng situwasyon ng inyong mga kasapi sa organisasyon o komunidad?  Alin sa mga ito ang hindi naglalarawan ng inyong situwasyon sa inyong komunidad at mga organisasyon?
   2. Sa 81% Katoliko, 60% na lamang ang nagsisimba tuwing linggo, at 56% lamang ang kasal sa Simbahang Katolika, ano ang mga programang Pansamba, edukasyon at pampamilya ang maaari nating gawin upang himukin ang ating kapwa Katolikong magsimba at/ o magpakasal sa Simbahang Katolika?
   3. Sa 77% na hindi tanto kung sila’y may bibliya at 42% lamang ang nagbabasa nito, ano ang programa ang maaaring gawin  ng Bible Apostolate upang maipangalat ang turo ni Kristo at ng Simbahan sa nibel ng mga magkakapitbahayan?
   4. Sa 8% na aktibo sa Simbahan at 6% lamang na may alam ukol sa Munting Sambayanang Kristiyano o B.E.C., ano ang inyong maipapayong mga pangkalahatang programa ang maaaring gawin ng mga aktibong miyembro sa makabagong panahon?
   5. Sa 31% na walang trabaho, gaano ito katoo at anong maaaring gawin ng SSDM ng ating Parokya at pamayanan?
   6. Sa sitwasyong 81% ang ayaw umamin kung ang kanilang mga lupa’t bahay na sinasakupan ay sa kanila o hindi, ano ang maaaring tayo ng Simbahan ukol sa mga programang pabahay?
   7.  Sa mga 40% na may sweldong P20,000 pababa hanggang sa wala, ano ang maipapayo ninyong programa ng Social Services?
   8.   Sa mababang pagtugon ng mga sumagot ukol sa mga napakahalagang isyu nakaapekto sa buhay ng pamilya’t komunidad tulad ng edukasyon (55%), kabuhayan (49%), magkapitbahay (67%) habang ang isyung pangkalusugan na meron talagang problema sa pagtustos nito (25%), anu-anong programa ang maaaring mialay ng Simbahan upang maibsan ang problemang bumabalot sa mga tao?
   9.  Sa lahat ng ito, ano ang magandang pananaw o VISION ng bawat mananampalataya ng Sto. Rosario?
    Sa tamang pagtugon ng mga katanungang ito ay makahaharap tayo sa Bagong Taon na may ibayong pag-asa’t paghamon na malutas ang mga problemang bumabalot sa Kristiyanong pamilya ngayon.

--
Posted By Santo Rosario de Pasig to Santo Rosario de Pasig at 1/01/2011 01:38:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages