[Santo Rosario de Pasig] BEC: mga buhay na kapitbahayang Kristiyano

12 views
Skip to first unread message

Santo Rosario de Pasig

unread,
Feb 21, 2010, 4:57:18 AM2/21/10
to santorosa...@googlegroups.com
Get your latest bulletin here

SSDM RESCUE BOAT. Dahil sa pinsalang sinapit natin sa bagyong Ondoy, pinasya ng Social Services and Development Ministry na magpundar ng pondo upang magkaroon ng Rescue Boat at 10 heavy duty vests. Sa kasalukuyan ay patuloy silang naglilikom ng pondo upang makabili ng motor na ikakabit sa bangka. Sa mga nagnanais na tumulong, magsadya po sa kanilang tanggapan at kayo po ay bibigyan ng kaukulang resibo para sa inyong donasyon.

ni Fr. Lito Jopson, Kura Paroko

Marahil, narinig natin sa iba ang tungkol sa “BEC” o naipakilala na sa atin ito ng ating mga nagdaang kura paroko.
Ang BEC’y acronym sa “Basic Ecclesial Community,” isang proseso ng pagiging “simbahan.” Nagsimula sa Latin America, ang BEC ay unang umusbong sa Mindanao noong siglo-70 kung kailan kulang ang mga pari at ang laiko’y nahaharap sa napakaraming suliraning politikal at pangkapayapaan.
Ang diwa ng BEC ay masisilayan sa pagbabagong minungkahi ng ika-2 Konsilyo Vaticano noong 1965. Ang kahulugan ng pagiging simbahan ay partisipasyon, co-responsibility, at pagpapalalim ng panamanpalataya’t mapaglikhang pagsasabuhay nito.
Pinagtibay ng PCP II ang BEC bilang “komunidad ng mga alagad”, “simbahan ng mga maralita” na pinahahalagahan ang ang dignidad ng tao; may tinatawag na renewed and integral evangelization na ang misyon ay kaligtasan hindi lamang para sa kaluluwa kundi para sa buong katauhan; at ang participatory church na hindi nakasentro ang simbahan sa loob kundi sa labas, tungo sa pagtugon sa mga hamon ng buhay.
Ayon pa sa PCP II, ang mga maliliit na Kristiyanong komunidad na kinabubuuan ng mga pamilya ay nagtitipon sa Salita ng Diyos at sa Eukaristiya. Sila’y nakaugnay sa kanilang kura paroko sa natatanging paraan sa pamamagitan ng mga liakong lingkod na kanilang mga kapitbahay. Kilala nila ang isa’t isa, at nagbabahaginan ng Salita ng Diyos at ng Eukaristiya at sama-samang tinutugunan ang kanilang mga pangangailangang materyal at espiritual. May malakas silang pakikipag-ugnayan at responsibilidad sa isa’t isa.
Ang batayan ng BEC ay nasa Gawa ng mga Apostol 2: 42 – 47. Doon nadarama ang pagkakaisa o communio sa pamamagitan ng dialogue of life, pagpira-piraso ng tinapay, pagbabahaginan ng Salita ng Diyos tulad ng “bibliarasal”, at pagbabahaginan ng buhay at alay sa ikauunlad ng kawan.
Ang BEC ay binanggit ng yumaong Santo Papa Juan Pablo II bilang “mga grupo ng Kristiyano na sa nibel ng pamilya’t kapitbahayan ay nagpupulong upang manalangin, magnilay sa Salita ng Diyos at katesismo, at tinatalakay ang mga isyung nakakaapekto sa bayan at Simbahan na may pananaw ng sama-samang pagtataya.” (Redemptoris Missio blg. 51)
Ayon sa PCP, kung isusulong ng mga parokya ang BEC sa kani-kanilang lugar sa buong Pilipinas, ang mga maliliit na komunidad na ito ay makikita sa bawat pook at malawakang ginagamit ang mga biyayang kaloob ng Espiritu Santo alang-alang sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap. “Napakalaki ang potentyal nito sa padulot ng pag-asa sa Simbahan ng Pilipinas,” ani ng PCP II.

“Kawan”
Ang pinakaakmang larawan ng mga BEC ay hango sa Ebanghelyo ni Juan ukol sa kawan at sa matinding pakikipag-ugnayan nito sa Mabuting Pastol: “Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala ako ng aking mga tupa. Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa.” (Juan 10:1ff) Sa kasalukuyan, ang Parokya ng Sto. Rosario de Pasig ay kinabubuuan ng 17 pamayanan.
Ipagdasal po natin ang magaganap na malawakang pagpupulong ng mga representate ng mga pamayanan sa ating parokya nitong ika-27 ng Pebrero 2010.

--
Posted By Santo Rosario de Pasig to Santo Rosario de Pasig at 2/21/2010 01:52:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages