[SandaraPark_Forever] joseph's interview in the buzz

54 views
Skip to first unread message

clarisse decano

unread,
May 23, 2005, 11:09:09 AM5/23/05
to sandarapa...@yahoogroups.com
Joseph Bitangcol: Umaming sila ni Sandara Park

Pagkatapos ng Star Circle Quest naging bulung bulungan at laman ng mga pahayagan ang kanilang lihim daw na pagiibigan pero pareho nilang piniling manahimik tungkol sa tunay na relasyong namamagitan sa kanila. Noong Huwebes inabangan ang unang pagtatambal nila sa Maalaala Mo Kaya at ngayon mas lalong umigting ang mga tanong tungkol sa kanila, si Isaw Boy nga ba ang tunay na pagibig ni Krung Krung? Saan nga ba hahantong ang relasyon ngayong pansamantalang nagkalayo sila? Handa na bang ipaglaban ni Joseph ang pagmamahalan nila ni Sandara?

Boy: Live on the Buzz mga kaibigan Joseph Bitangcol. Magandang hapon and welcome sa The Buzz.

Joseph: Yun, magandang hapon po sa lahat ng nanunuod ng The Buzz at sa lahat ng mga bisita dito.

Boy: Congratulations nanalo sa ratings ang episode ninya ng MMK ni Sandy, nangangahulugan lamang na tanggap ng iyong mga tagahanga ang inyong love team ika nga. Direchahang tanong ano ba talaga ang inyong relasyon ni Sandara? Kayo ba talaga'y mag-on?

Joseph: Hindi po, hindi po. Si Sandara po niligawan ko po dati pero medyo napaghiwalay kami dahil sa magkaiba na yung trabaho namin.

Boy: Anong ibig mong sabihin? May kaloveteam siya, may kaloveteam ka ganun?

Joseph: Opo, una yun may kaloveteam siya tapos kami napunta sa Spirits.

Boy: Niligawan mo siya so walang nangyari, ngayon nasan kayo? Nasan ang inyong relasyon?

Joseph: Sa ngayon nasa, ano palang po, as in close friends pero

Boy: Joseph ganito, bago umalis si Sandy I had a chance to do an interview with Sandara. Kulang na lamang na sabihin ni Sandara na kayo na nga. Sabi ni Sandara mula't mula ikaw ang kanyang crush, you are very very special to her. Ikaw ang pinakaespesyal na tao para sa kanya. Anong sasabihin mo sa kanya?

Joseph: Masaya po ako kasi before po ako magstop manligaw sa kanya parang may pagtitinginan na kami. Masaya ako kasi hanggang ngayon nandoon pa rin.

Boy: Joseph ganito na lang, mahal mo ba si Sandy?

Joseph: Opo tito Boy, mahal ko po si Sandara.

Boy: Nararamdaman mo ba na mahal ka din ni Sandy?

Joseph: Opo

Boy: Joseph alam naming lahat na ang hirap ng inyong pinagdaanan dahil hindi mo nga kaloveteam si Sandy. For a while nanahimik ka, nagantay ka sa gilid dahil hindi nga tama dahil sinasabi nila na may kaloveteam si Sandy. Nanahimik ka at pinagbigyan mo dahil kailangan sa career, pero nagdusa ka.

Joseph: Ah opo, kasi nung una aminin ko sobrang nagseselos ako pagka nakikita ko sila. Kahit may prod lang sila, sila ni Hero, siyempre sila magkasama sa work tapos iyon siyempre nasasaktan din ako. Pero habang tumatagal naiintindihan ko na rin yung trabaho nila so okay lang.

Boy: I know for a fact, juror ako sa Star Circle Quest. Alam kong close friends kayo ni Hero, naapektuhan ba ang inyong pagiging magkaibigan?

Joseph: Aminin ko rin po, noong una ang parang impact samin noong inamin ko na mahal ko si Sandy, may plano akong ligawan siya, nagkalamat po yung friendship namin.

Boy: Nakapagusap na ba kayo ni Hero?

Joseph: Opo, naayos na rin po namin yun.

Boy: Sila ni Sandy alam natin may tinatawid pang problema at sabi ni Sandy pagbalik niya gusto niya iba na ang kanyang kaloveteam, is that you she's talking about?

Joseph: Sana po ako pero depende pa rin sa magiging desisyon ng Star Magic or Star Cinema.

Boy: Sana po ako pero kapag hindi ikaw ang pinili ibig sabihin magtitiis ka na naman?

Joseph: Okay lang po, okay lang.

Boy: Ganito Joseph nung pumuputok ang loveteam ni Hero at ni Sandara, inalipusta ka. Hindi ka naman daw bagay kay Sandara, you weren't the winner. Hindi naman daw ikaw ang nanalo, bakit naman daw papasok ka sa eksena samantalang nakakasira ka daw sa loveteam nila, ano ang nararamdaman mo about that?

Joseph: Sobrang nasasaktan ako kahit na andito ako sa ABS feeling ko hindi ako at home ganun. Parang artista na ba ako ganung bagay. Bakit hinuhusgahan na ako ng ibang tao ganun.

Boy: Si Hero ang grand questor, si Sandara ang first runner up, mainit yung loveteam, alam mo din na maraming galit sayong fans ni Hero.

Joseph: Marami nga po, di ko rin po sila masisisi eh, siyempre nagkaroon na rin ng fans talaga yung HeroSandara, okay lang po. Ako naman kasi nananahimik lang siyempre susuportahan ko pa rin sila.

Boy: Ano ang pinakamasakit na pinagdaanan mo? Ano ang pinakamasakit na salita na narinig mo tungkol sayo?

Joseph: Ginagamit ko lang daw si Sandara para sumikat ako.

Boy: Sa lahat ng mga nagsasabi niya, anong nais mong sabihin?

Joseph: Hindi po, hindi ko siya kailangan sa career ko. Kaya kong sumikat magisa, kaya kong sumikat kahit iba yung katrabaho ko. Ako na nagsasabi hindi ko kailangan ng isang Sandara Park na sobrang sikat.

Boy: Saan mo kailangan si Sandara?

Joseph: Kailangan ko po siya sa puso ko.

Boy: Hanggang saan kaya mong ipaglaban si Sandy?

Joseph: Habang humihinga pako.

Boy: Hanggang ngayon ba kaya mo pa rin yung pangaapi sayo?

Joseph: Kayang kaya ko pa saka kakayanin ko pa.

Boy: Alang alang kay

Joseph: Sandara

Boy: May ilang mga katanungan mula sa mga fans, Jobert?

Jobert: Yes kuya Boy, may dalawang tanong dito mula kay Zuher at kay Paolo?

Fan: Kailan ba kayo magkakaroon ng movie ni Sandara?

Joseph: Kung kailan kami bibigyan ng chance ng nakakataas, ng ABS management. Sana nga.

Fan: Curious lang ako kailan ka ba talaga sinagot ni Sandara?

Joseph: Last year

Boy: Anong gusto mong sabihin kay Hero?

Joseph: Una nagpapasalamat ako sa friendship natin, sa mga napagdaanan natin. Tapos nagpapasalamat ako kasi hindi mo pinabayaan si Sandy habang kayo magkaloveteam. Salamat saka goodluck sa career.

Boy: May dalawang taong hindi bumitaw sayo noong mga panahong hindi ka halos napapansin. Ang mommy at daddy mo, kausapin mo sila.

Joseph: Sa mommy't daddy ko maraming maraming salamat sa lahat. Dahil una kahit na na-out ako noon hindi niyo ako iniwan, hindi niyo ako pinabayaan. Sinuportahan niyo pa rin ako umangat, utang ko sa inyo ang lahat. Utang ko rin sa inyo ang career ko, maraming salamat sa lahat.

Boy: Si Sandy nanunuod anong nais mong sabihin sa kanya?

Joseph: Sandy kung nasan ka man ngayon sana matupad mo lahat ng plans mo, sa career mo, sa studies mo, sa family mo. Basta kahit gano ka kalayo andito lang ako lagi para sayo. Mahal kita.

Boy: Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa The Buzz.

Ngayong umamin na si Joseph, aamin na rin ba si Sandara? At sa pagbabalik ni Sandara, bagong loveteam na nga ba ang naghihintay sa kanya? Ating abangan!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

clarisse: hay! so sad.. MU talaga siguro cla.. im so sad for the HEROSAN loveteam, ang dami ng narating tapos ibubuwag. nakakalungkot at sayang yung opportunity na binigay sa kanila. i know sandy will do OK alone.. she will probably do great but i dont know about the new loveteam.. susuportahan ko parin si sandy of course, no matter what. i just salute joseph for his honesty and courage. it takes a lot of guts to say all that he has said in front of national television. si hero, may pagka torpe kase.. remember yung time na tinanong cya ng judges kung sino mas gusto nya ka loveteam sabi niya si Roxanne but obvious naman na may crush cya kay sandy nun. inamin pa nga nya before that episode eh. but he didnt say what joseph just said. kaya i salute u talaga joseph... hay! this interview just dampened my good mood. basta, kahit ano mangyari, sandara parin forever. to ABSCBN, i hope u know what your letting go of when u decide to break up herosan loveteam.

clarisse


Yahoo! Messenger - want a free & easy way to contact your friends online?

Yahoo! Groups Links

Duchess Emz

unread,
May 23, 2005, 12:32:05 PM5/23/05
to SandaraPa...@yahoogroups.com

wow!

happy ako at sa wakas inamin na yan.


emz
--- In SandaraPa...@yahoogroups.com, clarisse decano
<eamleojclarisse23@y...> wrote:
> Joseph Bitangcol: Umaming sila ni Sandara Park
> Pagkatapos ng Star Circle Quest naging bulung bulungan at laman ng
mga pahayagan ang kanilang lihim daw na pagiibigan pero pareho nilang
piniling manahimik tungkol sa tunay na relasyong namamagitan sa
kanila. Noong Huwebes inabangan ang unang pagtatambal nila sa
Maalaala Mo Kaya at ngayon mas lalong umigting ang mga tanong tungkol
sa kanila, si Isaw Boy nga ba ang tunay na pagibig ni Krung Krung?
Saan nga ba hahantong ang relasyon ngayong pansamantalang nagkalayo
sila? Handa na bang ipaglaban ni Joseph ang pagmamahalan nila ni
Sandara?
> Joseph: Opo tito Boy, mahal ko po si Sandara.
>
> Boy: Nararamdaman mo ba na mahal ka din ni Sandy?
>
> Joseph: Opo
>
> Boy: Joseph alam naming lahat na ang hirap ng inyong pinagdaanan
dahil hindi mo nga kaloveteam si Sandy. For a while nanahimik ka,
nagantay ka sa gilid dahil hindi nga tama dahil sinasabi nila na may
kaloveteam si Sandy. Nanahimik ka at pinagbigyan mo dahil kailangan
sa career, pero nagdusa ka.
>
> Joseph: Ah opo, kasi nung una aminin ko sobrang nagseselos ako
pagka nakikita ko sila. Kahit may prod lang sila, sila ni Hero,
siyempre sila magkasama sa work tapos iyon siyempre nasasaktan din
ako. Pero habang tumatagal naiintindihan ko na rin yung trabaho nila
so okay lang.
>
> Boy: I know for a fact, juror ako sa Star Circle Quest. Alam kong
close friends kayo ni Hero, naapektuhan ba ang inyong pagiging
magkaibigan?
>
> Joseph: Aminin ko rin po, noong una ang parang impact samin noong
inamin ko na mahal ko si Sandy, may plano akong ligawan siya,
nagkalamat po yung friendship namin.
>
> ---------------------------------
> Yahoo! Messenger - want a free & easy way to contact your friends
online?




------------------------ Yahoo! Groups Sponsor --------------------~-->
Has someone you know been affected by illness or disease?
Network for Good is THE place to support health awareness efforts!
http://us.click.yahoo.com/rkgkPB/UOnJAA/Zx0JAA/bYMolB/TM
--------------------------------------------------------------------~->


Yahoo! Groups Links

<*> To visit your group on the web, go to:
http://groups.yahoo.com/group/SandaraPark_Forever/

<*> To unsubscribe from this group, send an email to:
SandaraPark_For...@yahoogroups.com

<*> Your use of Yahoo! Groups is subject to:
http://docs.yahoo.com/info/terms/



Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages