[San Guillermo Parish, Pasig City] Mula sa isang reader

2 views
Skip to first unread message

josephdream

unread,
Feb 6, 2009, 7:08:48 PM2/6/09
to san-guill...@googlegroups.com
ANG PAG-IBIG NI JESUS


O Jesus na makapangyarihan,
Ikaw ang banal sa aming puso't isipan,
Sandigan ka sa aming pagkukulang,
Espiritu mo'y liwanag ng sanlibutan.

Mapagpatawad na Panginoon,
Ang pag-ibig mo'y di matutumbasan,
Ikaw roo'y mamasdan ko sa likas mong karangalan,
Ang wagas na pag-ibig mo'y mahigit pa kaysa buhay.

Kaya ako'y nagpupurit nagpapasalamat,
Sa Iyong banal na puso mayroong liwanag,
Sapagkat hiram naming buhay ay Iyong ililigtas,
Habang kami'y nabubuhay ang pag-ibig Mo'y hanggang wagas.



MGA MAHAL KONG PARI NI JESUS

Minamahal kong pari ni Jesus,
Ikaw ang pastol ng sambayanan,
binigyan kulay ang aming buhay,
Mapagkalinga't Mapagmahal.

Kaya itinataas namin Panginoon,
Bilang mga kawan ng San Guillermo,
Instrumento mo'y iyong gabayan,
Sa bawat oras at sa bawat araw.

Inordinahan mo sila bilang alagad mo,
Upang mabuting balita mo'y mapakingan,
Na sa kanilang paglalakbay,
Kaharian mo'y magpasawalang hanggan.


ANG KAWAN NI SAN GUILLERMO MGA BAGONG KRISTIYANO

- Zenaida Santiago


--
Posted By josephdream to San Guillermo Parish, Pasig City at 2/06/2009 03:52:00 PM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages