
nina Cora at Mon Sanchez
“Ako ang simula ng makabuluhan at maayos na pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan.”
Ito ang mahalagang mensahe sa naganap na seminar para sa laiko noong ika-16 ng Mayo 2009 sa PCC-Aula Minor Auditorium na may temang, “THE LAITY: PRIMARY AGENTS OF CHANGE TOWARDS HONESTY AND INTEGRITY FOR GOOD GO-VERNANCE.”
Sa pangunguna ng alkalde ng Pateros, Mayor Jaime Medina bilang pangunahing tagapagsalita, ipinaliwanag dito ang kahalagahan ng papel ng bawat miyembro ng ating komunidad. Nararapat lamang na ang lahat ng ating iniisip, sinasabi at ginagawa ay ayon sa kalooban ng Diyos at higit sa lahat dapat isa-puso natin ang ating mga desisyon upang ang maging resulta ay para sa kapakinabangan at ikakabuti ng nakakarami.
Samakatuwid, mahalagang maramdaman natin na may pananagutan tayo sa ating kapwa at sa ating mga ginagawa. Maging masigasig o aktibo tayo sa anumang gampanin na ibinibigay sa atin. Mayroong mga programa ang ating parokya batay sa pangangailangan ng mga parishioners na patuloy na isinasagawa upang maipagpatuloy ang layunin ng mga programang ito. At pangwakas, maging matapat tayo at walang kinikilingan sa ating mga gawain. Kung ang mga mungkahing ito ay ating magagawa, magkakaroon ng isang mabungang komunidad na aktibong kumikilos para sa ikauunlad ng ating bayan bilang isang Kristiyanong komunidad. “Ngayon na ang panahon, iparinig ang iyong tinig, gawin ang iyong tungkulin, AKO MISMO ang kikilos tungo sa isang bagong lipunan.”
Get your copy of the bulletin at our website at
http://sanguillermopasig.co.nr
--
Posted By josephdream to
San Guillermo Parish, Pasig City at 6/13/2009 02:27:00 AM