
Our latest bulletin is available
here.Also, please invite our fellow parishioners to subscribe to our googlegroups and receive daily updates about the parish.
Click here. Here are the latest announcements of the parish:
PANALANGIN PARA SA ATING MGA YUMAO NITONG BUWAN NG NOBYEMBRE
Ang mga misa ng buong buwan ng Nobyembre ay inilalaan natin para sa ating mga kapatid na yumao. Isumite lamang po ang mga envelopes at ating parish office upang maihandog sa altar bago magmisa.
LAUNCHING NG BAGONG PARISH RECTORY
Sa ika-26 ng Oktubre pagkatapos ng ika-9 n.u. na misa ay gaganapin ang “launching” ng gagawing Parish Rectory sa 3rd floor ng Formation Center. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagtitipong ito.
FAMILY LIVING ROSARY
Ang “Family Living Rosary” sa ika-31 ng Oktubre na tatampukan ng mga mahihirang na mga pamilya na magmumula sa 20 kawan ng BEC. Makipag-ugnayan sa parish office sa mga pamilyang magsisilahok dito.
LEGION OF MARY
Ang Legion of Mary ay may Marian Exhibit sa may bulletin board.Tunghayan ang iba’t ibang titulo, pagpapakita at misteryo sa buhay ng ating Mahal na Ina. Malaman at matutunan sa munting paraan ang kahalagahan ng Rosaryo.
Nag-aanyaya din po sa lahat na may edad na 12 pataas na maging sundalo ng Mahal na Birhen o maging bahagi ng Legion of Mary. Mayroon pong Legion’s Corner na inihanda sa Marian Exhibit para sa karagdagang impormasyon at kung saan maaring magpatala tuwing Linggo pagkatapos ng Misa sa buong buwan ng Oktubre.
KNIGHTS OF COLUMBUS
Sa ika-25 ng Oktubre ay mayroong Pro-Life Seminar sa pangangasiwa ng Knights of Columbus. Inaanyayahan ang mga mag-asawa na dumalo sa nabanggit na seminar sa ganap na 7:30 n.u.–5:00 n.h. sa SGP Formation Center.
OPERATION: HEALTH AWARENESS
Isang proyekto sa pakikipag ugnayan ng Social Services & Dev’t Ministry sa RSS Citi Health Services ang pagkakaloob ng kumpletong “laboratory examination” sa mababang halaga na Php 250.00 . Ito ay gaganapin sa SGP Formation Center sa ika-26 ng Oktubre sa ganap na ika-6 n.u.-12 nn. Makipag ugnayan po kay Bro. Johnny Belgica o sa opisina ng parokya hinggil dito.
PRINSESITA AT PRINSESITO NI SAN GUILLERMO 2009 Dalawampung pares na kandidato, edad 7 hanggang 10 mula sa 20 na bagong tatag na “kawan” sa BEC ang inaasahang lalahok sa isang “popularity contest” na magsisimula sa ika-12 ng Oktubre hanggang ika-17 ng Enero 2009 upang makalikom ng pondo sa pagpapagawa ng simbahan.
Ang magwawagi ay paglalaanan ng isang pahina sa 2009 Fiesta Souvenir program at siyang magiging “main attraction” sa “Cultural parade” sa Pebrero 2009. 10% naman ng ticket sales ang tatanggapin ng kawan.
Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan kay Bro. Rolly Rojo, ang namumuno sa nasabing patimpalak o kaya’y tumawag sa Parish office.
--
Posted By josephdream to
San Guillermo Parish, Pasig City at 10/24/2008 09:33:00 PM