[San Guillermo Parish, Pasig City] KINABUKASAN NG BANSA, ISIPIN NGAYON!

1 view
Skip to first unread message

san guillermo

unread,
Aug 26, 2009, 8:36:12 PM8/26/09
to san-guill...@googlegroups.com

Get the copy of the latest bulletin here!


Subscribe to received regular Parish Bulletin here!

CONGRATS, “REV. BEBOT”! Inordinahan bilang Diyakono si Reberendo Jeoffrey Brian Catuiran ni Obispo Francisco C. San Diego ng Pasig sa isang misang naganap noong ika-10 ng Agosto 2009 sa Katedral ng Imakulada Concepcion. Dilaluhan ito ng napakaraming panauhin mula sa ating Parokya ng San Guillermo.

Pinaalalahanan tayo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na magparehistro sa COMELEC nang maaga upang makasigurong tayo’y makaboboto.
Sa kanilang brochure “Bakit Dapat Bumoto?”, kailangang siguraduhin ng mga dating botante na ang kanilang pangalan ay nasa listahan ng mga botante. Makipag-ugnayan sa munisipyo o city hall kung saan kayo nakatira. Oktubre 31 ang deadline ng pagrehistro.
Gayundin, mahalagang ngayon pa lamang ay isipin na natin ang ating mga ihahalal. Narito ang mga katangian ng matuwid na lider:
1. MAY TAKOT SA DIYOS. Nahahayag sa buhay niya ang pagsunod sa Biblia. (2 Sam. 23:3-4)
2. MAY MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA ATING BAYAN. Tunay na mamamayang Pilipino “sa isip, sa salita, at sa gawa.” (Deut. 17:15).
3. MAY KAKAYAHANG MAMUNO. May kakayahang patakbuhin ang ipagkakatiwalang tungkulin sa kanya. (Gen. 41:37-41)
4. MAGALING MAMAHALA SA SARILING PAMILYA. Tapat sa asawa’t anak, hindi alipin ng anumang bisyo, at mataas ang antas ng moralidad. (1 Tim. 3:4)
5. MAY INTEGRIDAD. Hindi masusuhulan; makatotohanan sa pananalitang binibitiwan. (Deut. 16: 18-19).
6. MASIPAG. Ginugugol ang panahon sa pagganap ng tungkulin. (Rom. 12:11)
7. MATUWID. Hindi nangungurakot sa bayan at di nasasangkot sa katiwalian. (Awit 98:14)
8. HINDI SAKIM. Hindi nagpapayaman sa maling pamamaraan at hindi gagamitin ang posisyon para magpayaman. (Kaw. 29:4)
9. TINUTUPAD ANG SINASABI. Ipinatutupad ang pangakong binitiwan at may lakas ng loob at kapakumbabaan na tanggapin ang kamalian. (Kaw. 25:14)
10. WALANG PINAPANIGAN. Maaasahang magiging patas sa anumang pagpapasya. (Kaw. 31:8-9)

--
Posted By san guillermo to San Guillermo Parish, Pasig City at 8/26/2009 05:33:00 PM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages