[San Guillermo Parish, Pasig City] KALOOB: ILULUNSAD NA SA AGOSTO 2009

6 views
Skip to first unread message

san guillermo

unread,
Jul 17, 2009, 10:49:31 PM7/17/09
to san-guill...@googlegroups.com
Get your pdf copy of the Bulletin Here
Visit our Website here

Isang kaligayahan ang mapaglingkuran ng Social Services and Development Ministry ang isang tulad ni Ka-Maring Manzana, isang active parishioner. Sa litratong ito, inihahanda siya bago siya bigyan ng libreng reflexology ni Jovy Mandac noong ika-12 ng Hulyo sa ating Parokya
.


ni Fr. Lito Jopson, Kura Paroko

“O Diyos, kung ako’y sasamahan ninyo at iingatan sa paglalakbay na ito, pakakani’t pararamtan, at makababalik na muli sa bahay ng aking ama, kayo po ang magiging Diyos ko. Sasambahin kayo sa lugar na ito na pinagtatayuan ko ng batong alaalang ito, at iaalay ko sa inyo ang ikapu ng anuman ipinagkakaloob ninyo sa akin.” (Gen. 28, 20-21).
Ito ang panalangin ni Jacob matapos niyang makita ang Panginoong puma-panaog sa lugar na kanyang tinutulugan. Ito rin ang batayan ng popular na mga kawikaan, “The Lord provides” o “Ang Diyos ang nagkakaloob.”
Hangad nating magkaroon ng isang pampermanente at pangmatagalang paraan ng pananalapi sa ating parokya upang mas lalong maging buhay ang ating paninindigang paglingkuran ang Diyos at maging instrumento ng pagbibigay ng ating oras, kakayanan, at kayamanan upang maglingkod sa ating kapwa. Ang Programang KALOOB, na batay rin sa mga programang “Balikhandog” na matagal nang pinatutupad sa iba’t ibang parokya ng Metropolitan Archdiocese of Manila, ay bunga ng mga pinagsama-samang partisipasyon ng Kura Paroko at Parish Finance Council, ang Parish Pastoral Council at mga kawani ng KAWAN ng parokya ng San Guillermo.
Ito’y ang comprehensibong pamamaraang pananalapi na siyang kaloob natin sa Panginoon na magbibigay-katuparan sa mga programang pastoral na matagal na sana nating isinasagawa bilang isang buhay na Simbahan mula sa sentro nito hanggang sa kaliit-liitang munting kapitbahayang Kristiyano o “Kawan”.
Hinahangad natin ang paglahok ng lahat ng taong bumubo ng Parokya ng San Guillermo - mag-asawa’t pamilya, indibiduwal o mga institusyong kinasasakupan ng parokya tulad ng mga paaralan, samahan, tindahan at ibang mga business establishment na maaaring maging miyembro ng KALOOB.
Ilulunsad ang programang ito sa Agosto 1, simula sa misa ng 6 n.g. sa banal na misa. Inaanyayahan ang mga “Pledgers”, ang PPC at ang kanilang mga miyembro’t mga kawan sa mahalagang okasyong ito.

--
Posted By san guillermo to San Guillermo Parish, Pasig City at 7/17/2009 07:45:00 PM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages