[San Guillermo Parish, Pasig City] Ka-PUSO nina Hesus at Maria

3 views
Skip to first unread message

josephdream

unread,
May 2, 2009, 9:49:07 AM5/2/09
to san-guill...@googlegroups.com
Catch the latest bulletin here

by Fr. Lito Jopson, Parish Priest

Ngayon pa lamang, pinaghandaan na ng buong Katolikong Simbahan ang Pagpapabanal ng Dalawang Puso nitong Hunyo 19-20, 2009.
Ayon sa pahayag ng Presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang Arsobispo Angel Lagdameo, D.D., ang pagdiriwang ng Da-lawang Puso ay may saysay kung may radikal ng pagbabago ng mga puso sa pamamagitan ng pag-aalay natin kay Kristo at sa kanyang mahal na Ina at tupdin ang isinasaad ng awit, “Make our hearts so like to Thine, that we may holy be.”
“Mula sa sugatang puso ni Hesus du-maloy ang pagpapala ng pagpapagaling at pagbabalik-loob. Nawa dumaloy ang grasyang ito sa pamamagitan natin, ang komunidad ng mga disipulo ni Kristo, hanggang sa pinakaugat ng ating bansa,” ani Lagdameo. “Ang konkretong pagpapakita nito ay ang seryosong pagsanggalang para sa kapayapaan at dialogo, paghihilom at pagbabalikloob sa gitna ng mga nag-aaway na situwasyon ng buhay.”
Binigyang diin din ng mahal ng Arsobispo ang mahalagang papel ng mga laiko tungo sa panlipunang pagbabago. Tinaguriang “moral regeneration”, hinihimok ng Simbahan ang bawat laiko na panibaguhin ang pananaw tungo sa pangmatagalang pagbabago sa lipunang Pilipino - sa mga laikong nakikilahok sa politika na hayagang tumiwalag sa pagkabulok at magkaisa sa ikatutuwid ng buhay-politika tungo sa tamang pagpapatakbo sa pagli-lingkod sa pangkalahatang kabutihan; ang mga mam-babatas na gabayan ng katotohanan ng Ebanghelyo; ang mga mangangalakal na magkaroon ng Corporate Social Responsibility sa kanilang trabaho; ang mga Katolikong pulis na tumiwalag sa karahasan, galangin ang karapatang pantao, at panatilihin ang kaayusan at kapayapaan; ang mga laikong nagtratrabaho sa mass media na pairalin ang Etikang Kristiyano sa kanilang trabaho; at sa lahat ng mga Katoliko na bigyan ng konkretong mukha ang pagiging disipulong Kristyano sa pagiging mga responsableng mamamayan.

--
Posted By josephdream to San Guillermo Parish, Pasig City at 5/02/2009 06:47:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages