[San Guillermo Parish, Pasig City] 2009: TAON NG MGA PARI

1 view
Skip to first unread message

josephdream

unread,
Jun 19, 2009, 6:44:34 PM6/19/09
to san-guill...@googlegroups.com
DOWNLOAD THE LATEST BULLETIN HERE!

ni Fr. Lito Jopson, Kura Paroko

“Salamat po sa mga paring nagbinyag sa amin, sa mga paring nagpatawad ng aming mga kasalanan, sa mga paring nagbi-gay sa amin ng unang komunyon, sa mga paring nagturo sa amin tungkol sa Diyos, sa mga paring nagbigay sa amin ng mabuting halimbawa, sa mga paring nagkasal sa amin, at sa mga paring nagbasbas ng aming mga maysakit.”
Pormal na binuksan ang tinaguriang “Taon ng mga Pari” sa araw ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ng Hesus noong ika-19 ng Hunyo 2009.
Idineklara ni Papa Benito XVI sa “Congregation for the Clergy” noong ika-16 ng Marso, ang tuon ng taong ito’y para sa kabanalan ng mga pari at sa pag-alab ng kanilang natata-nging papel bilang mga misyonero’t tagapaghatid ng Mabuting Balita.
Ayon sa Santo Papa, ang dimensyong misyonero ng pagkapari ay nagmula sa kanyang sakramental na pagkahubog ayon kay Kristo. “This consists in participation in a “new life”, spiritually speaking, in that “new way of life” which the Lord Jesus inaugurated and which the Apostles made their own,” wika ng Santa Papa.
Ginanap din ang pagbubukas ng taon na ito sa misa sa pamumuno ng Obispo ng Pasig Francisco San Diego sa Katedral ng Imakulada Konsepsyon. Ipagdasal po natin ang ating mga pari!

--
Posted By josephdream to San Guillermo Parish, Pasig City at 6/19/2009 03:36:00 PM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages