
You can get the latest parish bulletin
here!ni Fr. Lito Jopson, Kura Paroko
“The Church makes the Eucharist and the Eucharist makes the Church.” Malagang turo ng Simbahan na si Kristo ang nagtitipon ng Kanyang Simbahan. Hinubog din Niya ang bawat miyembro ayon sa Kanyang wangis. Gayundin, ang pagtitipon ng Simbahan ang nagiging sanhi ng pagkakabuo ng Katawan ni Kristo at nagiging sanhi ng Kanyang presensya dito sa lupa.
Samakatuwid, napakahalaga ang pagkakaroon ng isang misa hindi lamang sa sentrong Simbahan kundi sa mga mumunting Sambayanang Kristiyano, ang mga kawan.
Ang maayos na pagdiwang ng misa ay nakakapanumbalik sa ating kapwang nawalay sa pananampalataya. Sa pamamagitan nito, nararanasan nila na sila’y kabahagi pa rin ng Simbahan. Kaya mahalaga ang makapagdiwang tayo ng misa sa pinakamaayos na pamamaraan. Hindi maaaring padahas-dahas ang pagkakaroon ng misa. Narito ang mga praktikal na paghahanda sa pagdiriwang ng banal na misa:
Una, siguraduhing handa ang buong gayak ng misa: maayos na mass linens, altar cloth, krusipiho, at mga kandila. Ang mga imahen ng Mahal na Birhen at ibang mga santo ay ilagay sa hiwalay na lamesa at huwag ihahanay sa altar.
Ikalawa, ihanda rin ang mga tao. Siguraduhing handa silang magsimba. Sa mga magulang, huwag ninyong hayaang ang mga bata lamang ang nagsisimba; mas mahalaga ang inyong presensya dahil kayo ang modelo ng inyong mga anak.
Mahalaga na kumpleto sa bawat kawan ang mga liturgical ministers tulad ng: tagabasa, altar servers, Eucharistic ministers, MBG, ushers, at koro. Magkakaroon ng dagdag na liturgical seminar para sa mga lalahok sa misa pangkawan.
Ikatlo, magdasal ng rosaryo at magbigay ng katesismo habang inaantay ang paring magmimisa. Ito ang pinakamainam na pagkakataon upang makapagpaliwanag ang mga lingkod ng Simbahan ukol sa mga ministeryo at gawain ng Simbahan tulad ng Pagsamba, Paghubog, Kabataan, Mag-asawa’t pamilya, Panlipunang paglilingkod, at marami pang iba.
Magpaglikhang pamamaraan
Dalawang mapaglikhang pamamaaran ang mungkahing gawin sa misang pangkawan: una, maghanda ng lalagyan ng alay sa harap ng altar kung saan ang mga taong may Kaloob ay tahasang mag-aalay; ibig sabihin, dala-dala nila ang kanilang buong sarili sa pag-aalay; ikalawa: bago ang hu-ling pagbabasbas ay may pagbabahagi mula sa mga miyembro ng kawan kung anong Kaloob ang natanggap nila o ng buong komunidad sa Panginoon mula nang tumugon silang maglingkod sa kawan. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa misa, ang pananampalataya ng bawat isa’y nabubuhay, ang gawaing pangkawan ay natatamo, at ang Diyos ay lalong pinupuri.
--
Posted By josephdream to
San Guillermo Parish, Pasig City at 10/23/2009 05:53:00 PM