[San Guillermo Parish, Pasig City] Total Renewal of Faith

0 views
Skip to first unread message

san guillermo

unread,
Mar 25, 2009, 11:33:58 PM3/25/09
to san-guill...@googlegroups.com

“Ang paglago ng pananampa-lataya ay nangangailangan ng pagbabago laban sa “kinagisnang” uri ng pananamplataya.”
Ito’y mariing pinahayag ng ating mahal na Obispo Francisco C. San Diego, D.D., Obispo ng Pasig sa kanyang bisita pastoral sa Parokya ng San Guillermo noong ika - 7 ng Marso 2009.
“Ang tunay na pananampalataya ay mayroong sangkap ng “information, formation, and transformation”, hindi lamang lip service o simpleng pagdalo lamang sa misa,” ani ng Obispo. “Samakatuwid, pahalagahan natin ang Salita ng Diyos, magkaroon tayo ng bagong sistemang may pagtugon batay sa mga tanda ng bagong panahon.”
Ang bisita pastoral ay tinakda ng “Code of Canon Law” bilang opisyal na pagbisita ng Obispo sa kanyang kinasasakupang diyosesis sa loob ng isang taon, kung kaya’t tuwing limang taon, nabisita niya ang lahat ng panig ng kanyang lugar.
Tinalakay rin ni Obispo San Diego ang kahalagahan ng pagbisita sa ngalan ng Santo Papa upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga kaluluwa iniatang sa kanya. Binigyang diin niya ang diwa ng paglilingkod batay sa paglilingkod ni Kristo.
Naganap din ang konsultasyon na kung kailan malayang nakipagdialogo ang mga parokyano sa obispo ukol sa iba’t ibang isyung pastoral ng parokya.

--
Posted By san guillermo to San Guillermo Parish, Pasig City at 3/25/2009 08:32:00 PM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages