Ops! Sori po! Nakalimutan ko... kaya ito na... sana naalala nyo pa rin hanggang ngayon..
NAAALALA MO BA TO???
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan; Walang mga
bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
10
sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay
Maestro/a: Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo
kakilala. Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o
kaya sa tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's
office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple
lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga
anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa
hindi mo kakilala; wala
namang lock ang mga jeep na Willy's noon. Mayroon kaming mga laruan
na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang
katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na
bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para
suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok,
boca-boca, borador, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro
ng mga bata: kasi laro nga iyon. Maraming usong laro at maraming
kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata,
pera namin ay kaha
ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!) May dagta ang
dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng
palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa
lupa. Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high
technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong
araw!
Sana pwedeng maibalik... Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming
napapatay,
nakikidnap, maraming addict at masasamang loob... Noon
takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo
nila tayo... Balik tayo sa nakaraan kahit saglit... Bago magkaroon
ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at
malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon...
Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang
buwan; Ang pagtatakip mo ng
mata pero nakasilip sa pagitan ng mga
daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin,
kasi wala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit
ng kulambo, lundagan sa kama ; Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang
yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka
ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas;
tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal
noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa
hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at
pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo
kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa
"berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni
itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon
ng tinapay -alembong,
taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks
(meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo
naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Puriko ang
mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip
kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa
pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa
sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang
isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin.... Halo-halo:
yelo,
asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka
kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang
palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa
white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng
damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa
laylayan... May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling
kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya?
Naalala mo pa ba? Wala
nang sasaya at gaganda pa sa panahon na
yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala
iyon... Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino
ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin:
"sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de
Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos
ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa
sungka; kapag buro ka sa
pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen. Yung matatandang kapatid
ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag
napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may
trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at
pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin! Kung naka-relate ka sa lahat ng
nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay.......... ... MATANDA
ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na
lang
sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya just like what I did.