Hindimakapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si Alunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao.
Tuwing naririnig ko ang gayong payo ni Tungkung Langit, hindi ko mapigil ang maghinanakit. Kaparis ko rin naman siyang bathala, bathala na may angkin ding kapangyarihan at dunong. Tila nagtutukop siya ng mga tainga upang hindi na marinig ang aking pagpupumilit. Nagdulot iyon ng aming pagtatalo. Ibig kong maging makabuluhan ang pag-iral. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking pinakamamahal.
Natunugan ni Tungkung Langit ang aking ginawa. Nagalit siya sa dayaray at ang dayaray ay isinumpa niyang paulit-ulit na hihihip sa dalampasigan upang ipagunita ang pagsunod niya sa nasabing bathala. Samantala, nagdulot din yaon ng mainit na pagtatalo sa panig naming dalawa.
Alam kong nagkamali ng pasiya si Tungkung Langit na hiwalayan ako. Mula noon, nabalitaan ko na lamang na pinananabikan niya ang paghihintay ko sa kaniya kahit sa gitna ng magdamag; hinahanap niya ang aking maiinit na halik at yakap; pinapangarap niyang muling marinig ang aking matarling na tinig; inaasam-asam niya na muli akong magbabalik sa kaniyang piling sa paniniwalang ibig kong makamit muli ang kapangyarihang inagaw niya sa akin. Ngunit hindi.
Hindi ko kailangan ang aking kapangyarihan kung ang kapangyarihan ay hindi mo rin naman magagamit. Hindi ko kailangan ang kapangyarihan kung magiging katumbas iyon ng pagkabilanggo sa loob ng bahay at paglimot sa sariling pag-iral.
Ang pagsasalaysay ay hindi laging nasa pananaw ng pangunahing tauhan. Maaaring gumamit ng ibang tinig, at gaya sa nasabing alamat, ang tinig na ginamit ay mula kay Alunsina. Hindi ba maganda kung sa perspektiba ng babae ipakikilala ang isang lalaki?
ang ganda ng kwento ah bagay lang sa kanya ang nangyari dahil wala na siyang oras sa kanyang asawa. kaya ganyan ang mangyayari sa inyo ng asawa nyo kung gagayain nyo c tungkung langit ahyyy sana di mangyari sa mga tao ito
maganda ang istorya tungkol kanila tungku langit at alunsina pero sa aking pagkakaalam parang hindi yun ang istorya parang merong ma nabago sa istorya na nabasa ko dito
gayun paman naging ulap si tungkung langit para makita lng niya ang minamahal niya na si alunsina yun ang hindi ko nabasa
meron po ba kayo dito sa blog ninyo ng isa pang bersyon ng pagkabuo ng araw at mga bituin.. yung tinutukoy ko pong alamat ay nagmula pa sa norte.. siguro po bandang ifugao.. yung alamat na nung umpisa ay mababa pa ang mga ulap..
3a8082e126