Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri na maaaring buo o di buo ang diwa.meron itong dalawang uri:
1. ANG SUNAY NA MAKAPAG-IISA- ay tinatawag ding malayang sugnay o punong sugnay at maituturing na isang payak na pangungusap.
2. ANG SUGNAY NA DI MAKAPAG-IISA-ay tinatawag ding di-malayang sugnay o katulong na sugnay sapagkat itoy pinangungunahan ng mga pangatnig na tulad ng bagama't, dahil, sapagkat, samantal at iba pa
AYOS NG PANGUNGUSAP
1. DI-KARANIWANG AYOS-ayos ng pangungusap na ang simuno ay nauuna sa panaguri. Ang simuno at panaguri ay pinaguugnay ng ay. Ito ay tinatawag ding baligtad na pangungusap.
Halimbawa: Ang mga ilegal na pagtotroso ay ipinagbabawal.
Ito ay nakasisira ng kalikasan.
2. KARANIWANG AYOS- ayos ng pangungusap na ang panaguri ang nauuna sa simuno. Ito ay walang pag-uugnay na ay.Ito ay tinatawag ding tuwid na pangungusap.
Halimbawa: Magtanim tayo ng mga halaman.
Makatutulong sa kapaligiran ang mga ito.
trina im trying to recover my files ill email you as soon marecover ko. Im done na with filipino reviewer with exercises.Tnx